Chapter 38

1.6K 88 51
                                    

Ara's POV

Bumangon ako ng kama na napansin kong wala na si Nathan sa tabi ko. Mabilis akong naghilamos at naglinis upang bumaba.

Pagkababa ko ay narinig ko na kaagad ang malakas na tawa ni Mika na mukhang kausap si Tita. Nagsama na ang dalawang baliw.

"Uy! Ara!"saad ni Mama pagkababa ko.

"Si Nathan po?"tanong ko.

"Ah, nasa labas. Naglalaro kasama mga pinsan niya, sakto. Kakain na tayo"sagot ni Mama.

Napatingin naman ako sa sala at nakita ko sila Mika na kausap sila Tita at Camille. Mag iingay talaga itong mga 'to kasi madaldal si Tita eh. Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Ricci kasama si Kirell na nakikipaglaro sa mga bata. Basketball pa talaga ang laro ah. Ginugulangan lang nila mga bata eh. Pero ang maganda, nakikipaglaro si Nathan.

"Nathan"pagtawag ko sa kaniya at kaagad siyang napatingin. Tumakbo naman kaagad si Nathan sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Mama, nakakatuwa po si Kuya Chi at Kuya Kib. Ang galing nila magbasketball"saad niya.

"Naglalaro ka na kaagad, hindi pa kumakain"saad ko.

"Eh maya maya pa daw po yung pagkain eh"sagot niya.

"Paluto na, kaya pumasok ka muna at kumain"

Tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko. Pumasok kami sa loob. Naghain naman na si Manang at tinawag na lahat ni Mama para makakain ng umagahan. Napansin kong parang may kulang.

Parang wala siya.

Umupo na ang lahat at mukhang hindi nila naiisip na kulang.

"Si Ompeng?"tanong ni Camille. Ayun! Mabuti may nakapansin.

Napatingin kami kay Mama.

"Ah, tulog pa kasi. Ayoko namang istorbohin"sagot ni Mama.

"Puyat si Sir"napatingin ako kay Ricci ng magsalita siya "May iniisip kagabi"

Sumulyap naman si Ricci sa akin nung sinabi niya yun. Hindi ko na lang pinansin 'yun at kumain na kami. Alam ba ni Ricci ang pinag usapan namin ni Thomas? Alam kaya niya ang problema?

Habang kumakain kami ay todo ang pagkukuwento ni Papa at wala ng patid ang tawanan. Pinag uusapan nga nila yung problema sa gobyerno.

"Oo nga! Hindi ko makakalimutan yung kumuha ako ng NBI clearance, halos mangiyak ngiyak na ko nun"saad ni Mika at natawa na ako. Nakuwento na kasi niya sa akin yun kaya natawa na ako.

"Saan?"tanong ni Kuya.

"Sa City Hall, Manila. Jusko! Nakakasira ng bait! Ang haba haba na kasi ng pila syempre ang daming tao, ang init init na rin. So ako naman lumapit na ako dun sa kahera, ang bagal kasi kumilos. Tapos sinigawan niya ako, gumawa talaga siya ng eskandalo dun! Tapos sabi ba naman niya ano ba iyan? Lahat ng pumipili saakin, paepal! Sabing ganun! Ang sama tuloy nung pakiramdam ko nun! Nanggigil talaga ako"

"Oy grabe naman yun"saad ni Camille at natawa na lang din kami.

"Sisigawan niya ako tapos sasabihing epal, hindi ko na lang pinatulan. Mukhang may edad na kasi tapos ang kapal kapal ng make up! Ang sarap bigwasin"

"May mga ganiyan talaga, siguro hindi lang naman ikaw yung unang lumapit sa kaniya kaya ganiyan na siya kabarino"saad ni Mama.

"Grabe nga po Tita eh, sa sobrang napahiya ko naiyak talaga ako sa isang tabi nun tapos may babae na lumapit saakin. Tapos sabi niya siya na raw mag aasikaso nung mga kailangan ko. Ayos na sana kaso kurakot din eh. Nagpabili ba naman ng Chicken Joy sa Jollibbe, 'di pa daw siya naglalunch"

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon