Chapter 44

1.4K 123 24
                                    

Napagplanuhan namin na dito muna ako sa sala matutulog. Palibhasa ayoko pang pumasok sa kwarto nila. Hindi naman ako pinilit ni Thomas kaya naman nandito rin siya. Nasa isa siyang sofa at halos magkatapat lang din kami. Ang nagsisilbing harang sa aming dalawa ay iyong lamesita na may flower vase sa gitna. Kapag bumabaling ako sa kaliwa ko ay siya ang nakikita ko. Nakakabilis talaga nang tibok ng puso itong si Thomas.

Bumaling muli ako sa kaliwa ko at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Tinititigan ako.

Napakunot noo ako at ngumiti siya sa akin.

Abnormal 'to! Pinakikilig ako!

Nagtakip ako ng mukha gamit ang kumot at narinig ko ang pagbungisngis niya. Pinagtawanan ba naman ako?! Kainis. Kasi naman eh! Bakit ba kasi ganito ang impact niya sa akin?! Kinikilig talaga ako! Napakaaliwalas sa pakiramdam nitong sayang nararamdaman ko. Nakakatuwa kasi ngayon ko na lang ulit naramdaman 'to.

*bzzt bzzt*

May nagtext sa akin?

Kaagad kong inalis ang kumot sa mukha ko at nakita ko na siyang nakatalikod sa akin. Kaya kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko na hindi bumabangon at pagkakuha ko nito ay napangisi ako nang makita kung sino ang nagtext.

..

From: Sir Thomas Torres

Bakit ka nagtatago sa akin?

..

Kainis!! Tumalikod na rin ako sa kaniya at ngayon ay magkatalikuran kami. Sinagot ko naman ang text niya.

..

To: Sir Thomas Torres

Matulog ka na. Uuwi pa tayo ng Manila

..

Narinig ko yung pagvibrate ng phone niya sa kabila at napangisi ko. Bakit ba kami nagtetext eh magkalapit lang kami? Kainis!! Kinikilig na naman yata ako.

Muli siyang sumagot at binasa ko ito.

..

From: Sir Thomas Torres

Ayoko, gusto ko magtagal pa tayo rito. Alone time with you :)

..

Jusko! Bumilis na naman itong tibok ng puso ko! Nanlalamig na talaga 'tong kamay ko. Nakakainis talaga itong si Thomas! Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko.

..

To: Sir Thomas Torres

Tigil tigilan mo ko! Letche ka, kailangan kong magtrabaho para sa anak ko. Huwag mo kong ina-ano diyan ah. Letche

..

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabila at napailing na lang ako. Nilamon ko na ang sarili ko sa kumot habang yapos ng dalawang kamay ko ang cellphone ko at todo na ang kilig ko. Nakangiti ako at napapapikit sa kilig. Nakakainis! Ito kasi yung feeling na hindi ko talaga makayanang pigilan. Kainis.

Nabigla naman ako nang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Thomas. Ano ba talagang trip nito?!

"Hello"pagsagot ko sa tawag.

"How do you feel?"

Nabigla ako sa tanong niya. Ano ba kasing balak nito?!

"Bakit?"tanong ko.

"Wala lang, I just wanna know"sagot naman niya.

Napapikit ako sa kilig pero hindi ko yun pinahalata sa kaniya.

The Girl Between UsWhere stories live. Discover now