Chapter 26

2.9K 145 98
                                    

"Anak mo?"I murmured.

Tumango tango s'ya bilang sagot.

May anak na s'ya?! Bakit ganon?

Ha?! Teka, di ata ako makapaniwala!

"Baby, Hi ka sa kan'ya oh. S'ya yung boss ko"utos n'ya dun sa anak n'ya at tiningnan ako nito.

Chinito ang mata. Ang ilong, ilong ni Ms.Galang. Ang labi, mukhang hindi naman galing kay Ms.Galang.

Mestiso rin ito at mukhang may lahi.

"Hello"nahihiyang bati nito sakin sabay niyapos ang Mama n'ya para magtago.

Napatawa naman si Ms.Galang "Pasensya na Sir, medyo mahiyain 'to"

Tumango na lang ako.

God, di ako makapaniwalang may anak na s'ya. Wala naman kasi sa kanya na parang Nanay na s'ya eh.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Tahimik ang loob ng kotse.

Nasa likod silang mag ina at ni hindi rin nagsasalita si Nathan.

Hanggang ngayon ay napapaisip ako. Hindi parin ako makapaniwalang may anak na s'ya. Ni hindi ko nga alam kung may boyfriend s'ya o asawa eh! Anak pa kaya?

Hindi na mawala sa isip ko yung katotohanan.

"Sir, sa may kanto po. Take the right na"saad n'ya. Napatango na lang ako at sinunod ang direksyong binigay n'ya.

"Ano ginawa n'yo kanina?"tanong ni Ms.Galang dun sa anak n'ya.

"Hmm coloring po"sagot nito.

"Ano naman kinoloran mo?"tanong ulit ni Ms.Galang.

"Hmm bahay po atsaka dog atsaka cars po"

Hindi ko naman maiwasan pero parang napangiti ako ng konti dun. Nakakatuwa lang makarinig ng boses bata. Ang tagal ko na kasing hindi nakakakita ng bata kaya medyo natuwa lang ako.

Nung kakanan na ako ay napatigil ako ng makita ko ang signage.

'Hacienda Galang'

Seryoso ba 'to? Hacienda?

"Sir?"takang tanong n'ya.

"Ha?"napalingon ako at tiningnan s'ya.

"Nasiraan po ba ulit tayo? Bakit po tayo tumigil?"

Napailing ako "Ah,wala"sagot ko at ngumiti ng konti.

Bumalik na lang ako sa pagmamaneho at pinasok ang parang gubatan na daanan. Nakakapagtaka kasi puro gubat itong dinadaanan namin. Ano kaya ang meron sa loob?

Hacienda ba talaga? At Galang?! Sila ang may-ari ng Hacienda?

Naging tahimik ulit ang loob ng kotse hanggang sa marating namin ang dulo ng gubat.

Napatulala na lang ako sa nakikita ko

"Nandyan ba si Tito Djun mo?"tanong ni Ms.Galang sa anak n'ya.

"Wala po, kasama po ni Lulo at Lula"

Ayan, medyo natawa nanaman ako. Mga salita ng bata talaga 'o.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon