Chapter 27

3.2K 180 117
                                    

Ara's POV

Naglalakad kami pabalik ngayon sa bahay at hindi kami nagsasalita.

Naglalakad lang kami pabalik ng bahay na kala mo ang daming nangyari kasi ang daming bagay na pumapasok sa utak namin.

Nakikiramdam ako, oo. Hinihintay ko lang na magsalita s'ya.

He is my boss, but still, he hugged me. Sino bang boss ang yayapos ng ganon sa subordinate n'ya? Nakakahiya kasi sa kan'ya ko pa talaga naamin lahat at sa kan'ya ko nalabas itong galit ko sa ex ko pero kahit papano pala, sooobrang nakakagaan ng loob.

Ilang taon kong bitbit 'to pero ngayon ko lang talaga naikwento ito sa isang tao.

I trust him with it naman, kahit papano sinusunod ko yung simpleng deal namin.

Dahil sa kagustuhan kong mas makilala s'ya, pinakilala ko rin ang totoong ako.

He said, the reason why he wants me to know him more is because he wants to know me more.

Napatingin ako sa kan'ya at napatingin rin s'ya sakin.

Muli na lang akong bumalik ang tingin sa daan.

"Bakit?"malambing na tanong n'ya.

Umiling lang ako bilang sagot. Hindi kaya awkward 'to?

Boss ko s'ya pero umiyak ako sa harap n'ya?

Parang gusto ko na lang mag quit sa work kasi parang ang awkward eh.

"Sir?"

"Hmm"

Sa parin daan lang kami nakatingin habang naglalakad.

"Sana po yung nangyari kanina, satin lang"saad ko.

"You are keeping my secrets so I'll keep yours too the way how you keep mine"

Napangiti na lang ako ng konti at tumango tango.

Kahit papano rin kasi talaga, nakakagaan ng loob kasama si Sir. Lalo na nung may inamin s'ya.

He's enjoying daw with me. Edi sige! Kilig naman ako 😂

Hindi pa nagtagal ay nakarating kami sa bahay. Medyo madilim na kaya pumasok kami sa loob.

Narinig ko na kagad ang kwentuhan nina Mama kasama si Tita.

Pumunta kaming sala ni Sir at nakita ko nga ang magulang kong kumakain ng chicharon habang nakikipag kwentuhan.

"Ma,Pa"pagtawag ko at napatingin sila samin.

"Oh, Ara"saad ni Mama.

"Si Sir Thomas po, Boss ko"pagpapakilala ko kay Sir. Kagad napakunot noo si Mama.

"Bakit di mo man lang sinabi?! Nakakahiya 'yung bahay"

Sabi na, yan rin ang sasabihin ni Mama 😂

"Sir, kumain ka na ba? Chicharon oh"saad ni Papa na napakachill lang.

"Busog pa po tsaka Thomas na lang po itawag n'yo sakin"sagot ni Sir.

"Ara naman, bakit basta basta kang nag uuwi rito ng lalak-este ng boss. Di namin napaghandaan. Boss mo pa naman"saad ni Mama na halatang napapahiya.

Ito rin ang linyahan 😒 Sabi na, ito magiging reaksyon nila pag inuwi ko si Sir rito eh. Hahaha

"Eh biglaan rin naman"sagot ko.

"Kahit na, nakakahiya sa Boss mo oh"

Napatingin naman ako kay Sir at napangiti lang s'ya ng konti. Well, nakakahiya nga talaga.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon