Chapter 45

1.9K 108 40
                                    

Thomas' POV

Where is she?

She told me she can be here at 7 pm but it's already 7:15! I'm worried!

I should've fetched her! Baka hindi siya pumunta! O baka naman naligaw siya.

Tsk, I'm worried!

Where is she?

"Thomas"

Kaagad akong napalingon at nakita ko si Tito Vincent.

"Are you with her?"tanong niya at lumapit sa akin.

"Mr.Torres! Mr.Torres!"

Nabigla naman ako nung may tumawag kay Tito na mga photographers at sunod sunod ang pagpi-picture sa amin.

Ngumiti lang si Tito at muling tumingin sa akin.

"We better go inside now, the program will about to start"saad niya.

"Ha? Eh si Ara pa po, kailangan ko siyang hintayin dito. Sabay kaming papasok"sagot ko naman.

"I've talked to the securities. They can handle things"

Napasimangot naman ako "Are you sure? I don't want Ara to worry"

Ngumiti naman si Tito "She will not"sagot niya "She's your girl, right? I don want anything happen to her"

Napangisi naman ako at natawa lang siya.

"Now, come on. My friends are waiting for you inside"saad niya at napatango naman na ako.

Tinap niya ang balikat ko at sabay kaming naglakad doon sa red carpet. Ngiting ngiti naman si Tito. Sanay na kasi siya.

Kasabay naming pumasok yung mga kakilala ni Tito galing France at todo tawanan lang sila. Kumbaga, reunion na rin kasi ito eh. Nung nagkamustahan sila, kasunod noon pinapakilala na rin ako. Ganun naman lagi eh, lagi akong pinagmamalaki ni Tito.

Pumasok kami sa loob at halos magkasikipan na ang 156 personalities na nandito. Galing pang Europe ang iba pero ang karamihan talaga ay Asia. Kung hindi naman ako nagkakamali, China ang nagpasimuno nito at kasunod na lang na mga sumali ay North America at ang Europe. Ngayon daw parang hindi na sila nagbabalak pang magdagdag. Yung iba kasi, gustong sumali sa group na ito para sa masamang intensyon.

Well, unang una walang ganoon na balak ang grupo na ito. Ni wala silang pinapasok na Politika rito dahil wala namang ibang ginagawa ang Politika kundi magnakaw ng pera at magpayaman, 'di ba? Kaya sadyang mga businessmen and women lang ang nandito at halos lahat nga sila galit sa politika. Lahat sila rito ay mga investors. Si Tito nga investor ng ilang businesses sa America at Russia kaya patuloy na lumalakas si Tito. Kaya kailangan nilang magkita kita every 15 years para mag usap usap at magtulungan.

Ang problema ko lang, nakalimutan kong kilalanin lahat ng nandito. Sinabihan na ako ni Tito na kilalanin ang important personalities or ambassadors kasi may mga bagong members kaya kailangang kilalanin. Nakalimutan ko naman! Hay naku talaga.

"Is this your nephew, Vincent?"tuwang tanong ni Mr. Vchurviagat. Russian friend ni Tito. Ito yung ayoko eh! Ang hirap ng mga pangalan nila.

"Yes, Thomas. He is my Marketing Director and General Brand Manager now future COO. Hahaha"

Napangisi na lang ako at nakipagkamay sa kaniya.

"It's good to see you again, Sir"saad ko.

"Good to see you too"saad niya "I can still remember you running around here the last time I saw you"

Napangiti na lang ako. Nakakahiya talaga. 10 years old lang ako nun, tapos ngayon makikita nila ulit ako. Baka todo pagtho-throwback lang gagawin nila sa akin.

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon