Chapter 42

1.4K 82 11
                                    

Habang nagmamaneho siya ay napapatingin ako sa kaniya. Nakakapanibago dahil ito ang unang beses ko na umupo sa tabi niya rito. Anong naisipan niya at dito na niya ako pinaupo?

Lumalalim na ang gabi at nakakalayo na ng nararating ang gulong ng kotse niya pero hindi ko parin maisip kung saan kami pupunta. Nagtext na si Mika at sinabing tinapos na ng Nanay ni Thomas ang party kaya unti unti na ring nauubos ang mga bisita. Ngunit, sinabi niya na nandoon parin sila kasi nagyaya ng inom si Sir Vincent. Hindi naman sila makahindi.

Muli kong tiningnan si Thomas at nakita ko ang seryoso niyang pagmamaneho at mukhang may malalim na iniisip.

"Thomas?"malambing na pagtawag ko sa kaniya at sumulyap lang siya sa akin sabay balik din sa unahan ang tingin.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Kailangan ba talagang iwanan na lang basta basta ang mga bisita mo sa birthday mo? Sina Mika nga doon nakikipag inuman na sa Boss natin"tanong ko.

Ngumisi lang siya "I don't want to be with bunch of fakers. Kita mo nga, kayo kayo lang ang kinakausap ko. Hindi naman sa ayoko silang kausapin, ayoko lang talaga silang paglaanan ko ng oras. Tsaka tama na yung saya ko para sa birthday ko"

"Masaya ka ba talaga?"tanong ko.

Ngumiti lang siya at hindi sumagot.

Hindi ko na lang siya tinanong pa at napatingin na lang ako sa bintana. Pinagmasdan ko na lang ang labas at tumahimik. Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta dahil hindi ko alam ang dinadaanan namin. Ayoko na rin naman siyang istorbohin pa habang nagmamaneho. May malalim siyang iniisip kaya nanahimik na lang din ako.

.

.

.

Nagdaan ang halos dalawang oras at sobra na akong nagtataka kay Thomas. Probinsya yata ang pupuntahan namin. Nandito kami sa Quezon Province at talagang ubos na ako ng ideya kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko alam kung saang parte na kami pero ang tanging nakikita ko lang ay mga sasakyan at sa gilid ay puros puno na. May mga truck kaming nakakasalubong at ilang tricycles. Nasaan kami?

Napatingin ako sa kaniya nung bumuntong hininga siya habang nagmamaneho. Ayos lang kaya siya? Medyo nabigla ako nung dahan dahan niyang itinatabi ang kotse sa gilid ng kalsada.

Nung maitigil niya ang kotse ay tulala lang siya at hindi nagsasalita. Nag iba ang naramdaman ko.

Tiningnan ko ang paligid, medyo madilim dahil halos kakaunti ang light pole ng lugar.

Hinawakan ko siya sa balikat niya ng may pagtataka at tiningnan niya ako. Nakita kong namumuo ang luha niya sa mga mata niya ngunit halatang pinipigilan niya. Hinubad niya ang seatbelt at lumabas siya ng kotse. Nakita ko siyang pinagmamasdan ang kalsada, tulala. Kaya naman bumaba na rin ako at tinabihan siya. Anong meron dito? Bakit kami nandito?

Tinitigan ko siya at napansin kong parang may nakikita siya sa kalsada na kala mo naman may pinanood siya ngunit kung mata ko ang gagamitin ay tanging mga sasakyan lamang ang nakikita kong tumatawid.

"Dito nangyari yung aksidente"mahinang saad niya.

Napakunot noo ako at tiningnan ang kalsada. Dito sila nabangga? Dito ba namatay si Arra?

Muli kong tiningnan si Thomas at nakita kong may paisa isang luha na tumutulo sa kaniyang mga mata. Anong nakikita niya?

"Hindi ko alam pero parang nakikita ko lahat,"saad niya "Nakikita ko kung paano kami nabangga ni Arra at kung ano ang nangyayari rito sa mga oras na yun. Hindi nalalayo ang oras ngayon ang oras noong mangyari 'to. Madilim din at sadyang walang ibang ilaw kundi ilaw ng mga sasakyan. Nakikita ko ngayon kung ano ang nangyari. At kahit anong pilit ko, hindi ko maalis sa sarili ko lahat 'to"

The Girl Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon