Chapter11

105 7 1
                                    

Jayriziah'sPOV

"T-top 1 pa?" Taas kilay na sabi ko. "Burahin mo yan! Palitan mo! Hello pa? Kahit top10 nga hindi ako nakapasok e! Top 1 pa kaya?!" Inis na sabi ko. Nakatingin lang si papa saken at...

Eh?

"HAHAHAHAHAHAHA!" Tumawa sya ng malakas. Napailing naman ako.

"Pa. Ayusin mo naman. Burahin mo na." Sabi ko at tumawa lang uli sya. Napapikit ako sa inis. Nakatunog naman sya at tumigil na sa pagtawa.

"Biro lang naman yan nak, ang sarap mo kaseng makitang maasar e. HAHAHAHA." At tumawa nanaman sya.

"Pa! Tama na. Uuwi nako e!" Singhal ko. Gusto ko munang magpahinga para bukas.

"Hahaha. Okay. Sige magpahinga ka nalang muna." Sabi nya at kinalkal ang drawer. At may inabot na papel. "Here's your infos. You can go now. Take care." Yan nalang ang sinabi nya. Lumapit naman ako Kay papa at tinapik sya bago tuluyang naglakad paalis.

'Bukas na, magiging exciting kaya ang misyon kong Ito?'

Zac Noah'sPov.

Tatlong araw ng makalipas magmula ng makapagdesisyon akong sumama sa mga tunay kong magulang. Napagisip isip ko pa ang mga sinabi ni Mama nung huling paguusap namin sa mga totoo kong magulang. Para rin sakanila ang ginawa ko. Para kay Mama at kay bunso.

Naalala ko padin ang mukha ng mga tunay kong magulang ng sinabi ko sakanilang papayag nako. Totoo pala ang sinasabi nila na kapag sumobra sa saya ang mga tao ay kumikinang at kumikislap ang kanilang mga mata. Ngunit kahit na ganon ay galit parin ako sakanila. Pilit ko paring iniintindi ang walang kwentang dahilan nila.

Nakahiga ako sa damuhan habang nakaunan ang magkakrus na braso saaking ulo. Nakatingala ako sa papalubog na araw.

Bumabalik nanaman sa isip ko ang nangyari.

*FLASHBACK*

"Kuya." Narinig kong tawag sakin.

"Mmm." Ungot ko.

"Kuya may bisita kapo kanina pa naghihintay." Sabi nya at napabalikwas naman ako.

"B-be? Sige. Maliligo muna ako." Yun lang at umalis na sya. Naghanda naman ako at.makalipas ang ilang minuto ay lumabas nako sa kwarto.

Nandun na nga ang mga Eun at naghihintay.

"Zac Noah, my son." Nakangiting sabi nung Daisy at tumingin lang ako.

"Nakapagdecide ka naba?" The man asked me. I nodded. "What's your decision then?" He ask seriously.

"Sasama nako." Seryosong sabi ko at natigilan silang lahat.

"Z-zac?" Nagugulat at nangingiting sabi ni Daisy, ng totoo kong mama.

Napatingin naman ako kay mama Maria. Nakangiti sya. Ngunit malungkot ang mga mata nya, nakaramdam naman ako ng lungkot din, sunod ko namang tinignan ang Kapatid ko na gulong gulo padin sa mga nagaganap. Tumingin nalang ako sa lalaking nasa harap ko at kay Daisy.

"Sasama ako pero sa isang kondisyon." Seryosong sabi ko.

"A-ano yon?" Tanong nung daisy saken.

"Sasama ko ang kapatid at mama ko." Walang kagatol gatol na sabi ko. Nabigla naman sya at tumingin sa asawa. _"kung hindi nyo susundin ang gusto ko, makakaalis na kayo." Diretsong sabi ko habang nakatitig sakanila. Nabibigla naman silang tumingin sakin. Hindi sila makapaniwala.

"Z-zac?" Nagugulat ding sabi ni mama Maria. Tumingin naman ako sakanya at ngumiti.

''Ma, alam ko ang iniisip mo. Pasensya na, alam kong hindi ka makapaniwala sa ganitong inasal ko. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko, pag nawala kayong dalawa ng kapatid ko. Kaya hindi ako sasama sakanila, kung hindi kayo sasama." Seryosong sabi ko at naiiyak naman na tinignan ako ni mama. Binalingan ko nalang uli ang mga totoo kong magulang at nagsalita. "Payag po ba kayo?" Tanong ko, at tumingin uli ang babae Sakanyang asawa.

"Y-yeah. Pumapayag k-kame." Pilit ang ngiting sabi nung Daisy. "I-i know that it's hard for you na mawala s-sila. Na hindi kayo magkasama, s-so. Yes. They can live in our h-home. Sa wakas ay makakasama kana namin." Sabi nya at humakbang papalapit sakin at yumakap. Nabigla naman ako. Pero gumanti din naman ako, pero maluwang na yakap lang ang binigay ko. "Finally, makakasama na kita. *sniff* makakasama kana namin, *sniff* I will give you everything, I promise you. My son." Pagkatapos nyang sabihin yun ay kumawala sya sa pagkakayakap sakin at tumingin sa asawa. "Hon. You're agree to me right?" Tanong nya at ngumiti. Tumango naman ang asawa.

''Pack your all that things and wait, I will call our Driver mang Canor, para maidala ang lahat ng gamit nyo." Masayang sabi nya at bumaling sa aking ina. "Mi, It's okay to you na tumira sa amin?" Tanong nya.

'Mi, ano yon? Maria ang pangalan ni Mama at Hindi mi.' Sabi ko sa sarili ko.

Ngumiti naman si Mama.

"Ayos lang naman ba sainyo? N-nakakahiya naman." Nahihiyang sabi nya nga. Ngumiti naman ang lalaki.

"You don't have to be shy Mi, napakarami naming utang sayo, dahil sa pagaalaga mo sa anak namin, kaya kulang ang pagpapatira namin sainyo, para makabayad." Sabi ng babae at lumapit kay mama at yumakap. "It's been a long time simula nung magkita tayo, I miss you Mi" sabi pa nya. Hinigpitan nya pa ang yakap kay mama. At gumanti din si mama. "How can I pay you? For everything that you did for our family? Your a blessing Mi."

"Ano kaba! Wala yun. Mabait naman ang anak mo, kaya hindi ko pinagsisisihang inalagaan ko sya." Sabi nya at tumango tango pa. "Pero gusto mo ba talagang makabayad sakin Dy?" Tanong nya at kumunot naman ang noo ko, umalis naman sa pagkakayakap si Daisy kay mama at nagsalita.

"Dy at mi?! Parang DHIE AT MHIE LANG AH? Para silang magshota.'

"Ofcourse! Anything, What do you want Mi?" Tanong nya.

''Bili moko condo, tas puntahan moko, tas dala kang foods." Seryosong sabi nya at nagulat naman ako, nagtinginan sila ni Daisy at...

"HAHAHAHAHAHAHA!"

At pareho silang natawa.

"Hahahaha! Hindi ka talaga nagbabago Mi! Lagi mokong napapatawa!" Sabi ni Daisy at hinampas pa si Mama. "Hindi parin nawawala yung sense of humor mo! Hahaha!" Sabi pa nya.

'Wala namang nakakatawa sa Joke na yun e.'

"Hindi naman mawawala yun Dy." Natatawang sabi ni mama. Nagtawanan pa sila pero sumabat na yung asawa ni Daisy.

"Mi, magimpake na kayo, parating na si Mang Canor." Sabi nya at tumango na si Mama.

Masaya silang nagusap habang nagbabyahe, puro tawanan sila at walang sawang sabihan ng nasasabik sila sa isa't isa.

*END OF FLASHBACK*

My Secret Assignment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon