Chapter8

113 14 2
                                    

Zac Noah'sPOV.

Ilang oras akong nanatili sa Bakalan at nagpasyang umuwi na.

Kahit papano ay gumaan din ang pakiramdam ko, dahil napakaganda ng tanawin.

Bumuntong hininga ako at tinignan ang buong paligid.

'Salamat.' I muttered at the back of my mind.

Nakapamulsa akong naglakad at ilang minuto lang ay nasa amin na ako. Tinignan ko sa kapitbahay ung kotse pero wala na, luminga naman ako sa amen at nakapatay na ang ilaw.

Pumasok ako at bukas ang pinto. Lalapit na sana ako para buksan ang ilaw pero natigilan ako dahil biglang may nagbukas neto.

'Mama Maria.'

"Kumain kana ba anak?" Pilit ang ngiting sabi nya at umiling naman ako. "Ipagsasandok na kita." Nakangiti munit pilit na sabi nya parin. Hindi nako sumagot at umupo nalang.

Naghain na na sya at ilang minuto ay bumalik na. Hinain ny naman sa harap ko ang pagkain at umupo sya sa harap ko.

"Lumaki kang gwapo anak ah?" Nakangiting sabi nya. Tumingin naman ako sakanya pero hindi nagsalita. "Kamukhang kamukha mo si Daisy. Minsan nga ay nakikita ko sya sayo e." Natatawang sabi nya. "Para bang ikaw ang babaeng bersyon nya." Nangingiting sabi nya. Nagtaka naman ako.

"M-ma. Bat mo sinasabi sakin yan?" Malumanay na tanong ko.

"Dahil oras na para sumama ka sakanila." Nakangiting sabi nya pero maluhaluha. Tinignan ko naman sya sa mata.

"M-ma. Ayoko po. Kayo po ang pamilya ko." Naiiyak na sabi ko din.

"Pero sila ang tunay na pamilya mo Zac Noah, magmula ng inalagaan kita ay inihanda kona ang sarili ko sa ganitong m-mangyayari. Masakit pero kailangang tanggapin." Malumanay na sabi ni Mama. Humihikbi naman akong tumitig sa malungkot nyang mata. Pero hindi parin nagsalita. Napabuntong hininga naman sya at pilit na ngiti ulit. "Magiging mabuti ang buhay mo don, Zac Noah, anak. Mas mabuti kesa dito. Marangya ang buhay ng mga magulang mo at kaya ka nilang pagaralin kahit anong kurso pa ang g-gusto mo. Hindi katulad sa--" hindi nya na naituloy ang sasabihin at nagsalita nako.

"Hindi po ma, mas ma--" pinutol nya naman ang sinabi ko.

"Sshhhh." Pagpapatahimik nya. Kapag nakatapos ka naman ay tutulungan mo kami anak diba?" Nakangiting sabi nya. "Pagisipan mo ng mabuti yung mga sinabi ko anak, makakatulong yun para sa hinaharap mo."

My Secret Assignment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon