Chapter5: First Meet

175 14 3
                                    

Jayriziah'sPOV.

"A-anong misyon yun chief?" Masayang tanong ko. "Sa drugraid ho ba? Sa mga bar? O may papamanman kayong drug lord?" Excited na tanong ko. Umiling naman sya ng nakangiti. Kaya naman nagtaka ako.

"Gusto mong mapromote diba?" Tanong nya. Tumango naman ako. "Itong misyon na to ay siguradong mapopromote ka." Tango tangong sabi nya

"Ano naman ho iyon?" Excited na tanong ko.

"Magpapanggap kang isang estudyante para bantayan ang taga pagmana ng mga Eun." Nakangiting sabi nya at nawala ang masiglang ngiti ko!

"A-ano ho ulit? Mukhang nabingi ako." Pagtatanong ko.

"Mag-papanggap-ka-bilang-estudtante." Dahang dahang sabi nya na parang yun na ang pinaka magandang salitang sinabi nya!

"Ano ako babysitter?!" Gulat na sabi ko.

"Hindi bata ang babantayan mo kaya wag kang maginarte." Seryosong sabi nya. Nainis naman ako.

"P-pero chief. A-ayoko pong maging estudyante ulit! Marinig ko lang yung salitang yun kinikilabutan nako! Wag naman yun oh." Nagmamakaawang sabi ko.

"Yan ang kurso at trabahong pinili mo, kaya panindigan mo at tanggapin mo ang trabahong ibibigay sayo." Seryosong sabi nya. Natigilan naman ako.

"P-pero papa. Ayoko yun. Kahit dalhin nyoko sa Mindanao. Basta wag lang dun. Pa." Pagmamakaawa ko ulit, oo hindi kayo nagkakamali ng nabasa Tatay ko sya! Kaya nga 'papa.' Diba?

"That's finale, wala ng pagpipilian gagawin mo ang misyon at wala ka ng magagawa." Seryosong sabi nya at naasar ako.

"Pa naman! Bilang pulis din ay may karapatan akong tanggihan ang misyon na yan! Ayoko pa!" Angil ko.

"You will do your assignment. Whether you like it or not."

"Pa! I don't like that! I don't want to be a 'student' again!toxic saken yan! At bakit magpapanggap pa?! Pwede ko naman syang bantayan bilang pulis at wala yung pagiging estudyante! Okaya manmanan nalang sya! I can protect that human in my own! Look at me. I'm 21! Mukha ba kong istudyante?!" Naiinis na sabi ko at natahimik naman sya. "Hindi ako nagaral ng ilang taon at nagpakasawa sa iskwelahan para maging pulis para lang maging isang babysitter,bodyguard at maging estudyante ulit." Nagpapahinahon na sabi ko pero hindi parin sya nagsalita. "Mauna nako Chief." Sabi ko at tumalikod, pero bago pa man ako humakbang ay nagsalita sya ulit.

My Secret Assignment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon