Chapter7

174 12 6
                                    

ZacNoah'sPOV.

"W-wag ka namang ganyan ina mo parin ako at nasasaktan ako sa sinasabi mo." Umiiyak na sabi ni Daisy.

"Nanggaling lang ako sayo, pero hindi moko anak. Dahil iniwan nyo ko." Masama ang loob na sabi ko. "B-bakit pa ba kayo pumunta dito?" Galit na tanong ko.

"Dahil gusto naming sumama ka samen." Deretsong sabi nya. Natigilan naman ako.

"Ha!" Singhal ko. "A-after 18 yrs, ngayon nyo lang ginawa? Hahaha. I can't believe this." Sarkastikong sabi ko.

"G-gusto naming bumawi sa lahat ng pagkukulang namin sayo, Zac Noah." Umiiyak na sabi nya. Natawa naman ako ng sarkastiko.

"Bat ngayon pa?" Natatawang sabi ko. "Huli na." Seryosong sabi ko at nabigla sila.

"B-but. Son, hayaan mo kame, babawi kame at igugol namin ang lahat ng oras para sayo, nakikiusap kame. Matagal na kaming nagtiis para makita.ka, at ngayong nakita kana namin. Hindi na kami magaaksaya ng oras. Anak sumama kana. Nakikiusap kami sayo, samin ka tumira. Para magsama na tayong pamilya." Pagmamakaawa nya. Pero mas lalo akong natawa.

"Sainyo titira? Hindi. Hindi ako papayag." Matigas na sabi ko.

"B-bakit? Magiging maganda ang buhay mo samin anak. H-hindi kana maghihirap at--" hindi nya na natuloy dahil sumabat nako.

"At iiwan ko yung pamilyang kinagisnan ko? Hell no." Matigas kong sabi. Natigilan naman sya.

"A-anak. Please be with us." Nagmamakaawang sabi nya.

"H-hindi. Ayoko. Hindi ako sasama." Matigas na sabi ko. Magsasalita pa sana ako ng magsalita si Mama Maria.

"Zac Noah, s-sumama kana sakanila." Seryosong sabi ni mama at nabigla naman ako!

"A-ano ma? Pakiulit."

"S-sumama ka na sakanila..m-magiging maganda ang buhay mo pag sumama ka sakanila k-kesa samin." sabi nya at tumingin sa malayo. Napailing naman akong umiyak.

My Secret Assignment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon