Chapter6: Not her real Son

186 13 1
                                    

ZacNoah'sPOV.

"A-ano ma? Pakiulit nga." Nangangaralgal na sabi ko, pero ngumiti lang sya ng malungkot.

"Isa akong kasambahay noon." Pagsisimula nya. "Matagal nakong naninilbihan sa mga Eun, dalaga pako noon, noong namasukan ako dahil walang pera. H-hanggang sa nakilala ko si Daisy, Naging magkaibigan kami at t-tinuring nya ako bilang kapatid." Nangingiti ngunit mangilidngilid ang luhang sabi nya. Wala naman akong magawa kung hindi tignan sya. "Hindi nyako itinuring na iba sakanila. Kasambahay ako pero kapatid ang turing nya sakin. Ng minsan ay pinakilala nya si Lorence, ang nobyo na, na mapapangasawa nya, ang sabi nya sakin ay buntis daw sya. Labis ang galak sa mga mata ko nun, lalo na si Daisy. Dahil pinangarap nya talagang magkaanak. H-hanggang sa nalaman namin na ang i-ipinagbubuntis nya ay kambal." Nakangiting sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko. Naiiling naman ako na hindi pa din makapaniwala. "Mas lalo kaming naging masaya noon, dahil dalawa ang nasa sinapupunan nya, hanggang sa manganak na sya pero m-may naging problema lang." May luha ng sabi nya. Nakatingin naman ako sakanya.

"A-ano yun, m-ma?" Umiiyak na sabi ko. Habang nakatingin sa mga mata nya, umiwas naman sya ng tingin at tinignan ang nanay ko daw. Tinignan ko rin naman. At umiiyak na din sya.

"S-sa tingin ko ay si Daisy nalang ang m-magpapaliwanag." Nakatungong sabi nya. Napatingin naman ako sa Daisy daw at nakatingin din sya sakin. Tinignan ko naman sya ng nagtatanong at tumungo sya she wipe her tears then, she cleared her throat first before she speak.

"T-tutol ang mga magulang ko noon, d-dahil 18 palang ako non at nabuntis nako." Umiiyak na usal nya habang nakatitig sakin. "Pero sa tulong ni Maria, at ni Lorence ay n-natanggap din ako ng mga magulang ko. A-ang kaso ay gusto nilang babae ang magiging anak ko, p-pero huli na ng malaman kong kambal pala ang ipinagbubuntis ko, a-at babae at l-lalaki pa. S-sa takot kong may gawin ang mga magulang ko a-ay kinausap ko si Maria na a-alagaan ka nya." Umiiyak na sabi nya. At pinapatahan naman sya nung Lorence. Nagagalit ako sa mga narinig ko. Pakiramdam ko buong pagkatao ko ay napaglaruan at itinapon ako!

My Secret Assignment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon