Chapter 32

129 19 4
                                    

Paulit-ulit na mura ang sinasambit ni Mariel dahil huli na naman sila. May namatay na naman sa grupo nila; walo na lamang silang natitira. Talagang inuubos sila ng killer, at hindi iyon matitigil hangga't hindi sila napapatay lahat.

Lumapit si Mariel sa bangkay nina Lyn at Jelyn, at sumunod din ang mga natitira niyang kaklase. Wala na silang magawa pa kundi pagmasdan ang kaawa-awang bangkay ng kaniyang mga kaklase.

"Ayoko na rito! Kung sino man ang pumapatay, sana naman tumigil ka na!" pag-aatungal ni Erica at gano'n din sina Mich, Mae, at Rae. Pare-pareho na sila ng reaksyon; lahat sila ay natatakot na dahil anumang oras ay maaari na silang isunod na patayin.

"Siguro ay isa sa inyong magkakaibigan ang killer. Iyan ang masisiguro ko sa inyo!" matapang pa na sabi ni Erica. Nagpanting naman ang mga tainga ni Mariel, at akmang susugurin si Erica pero pinigilan siya ni Leianne.

"Wala kang ebidensya na isa sa amin ang killer!" sigaw sa kaniya ni Eliana pero napangisi si Erica.

"Ebidensya? Nasa kuwarto ng mga portraits 'yong mga ebidensya. Puwede nating suriin 'yon gamit ang mga nakasulat na numero!" sumbat ni Erica kaya natahimik si Eliana.

May punto si Erica dahil gan'on din ang naiisip ni Mariel. Ang problema, makailang-beses na siyang tumitig sa mga numero at pangalang inilista niya, ngunit 'di niya pa rin nahahanap ang kasagutan.

Posible ngang nakakubli ang katotohanan sa mga paintings, ngunit ang hindi kayang tanggapin ni Mariel ay ang pagpaparatang ni Erica na isa sa kanilang magkakaibigan ang salarin.

"Tama na ang, Erica! Isa pang daldal mo at buburahin na kita rito!" madiing sabi ni Joanne kay Erica.

"Paano mo naaatim na sabihin iyan? Buburahin mo ako dahil ikaw ang killer? Demonyo ka pala dahil maging si Geam na kaibigan mo ay pinatay mo!" sagot ni Erica, at mayamaya pa ay dumapo na sa kaniyang pisngi ang palad ni Joanne.

"I said, SHUT UP! Umalis ka sa paningin ko bago pa kita tuluyan!" sigaw ni Joanne kay Erica kaya takot na takot itong tumakbo papalayo. Maging sina Mariel at Leianne ay nagulat sa inasal ng kaibigan nila.

"May pupuntahan lang ako. Bantayan niyong mabuti ang mga natitira nating mga kaklase; bantayan niyo ang isa't isa," utos ni Mariel kina Joanne at Eliana.

Tinaasan naman ni Eliana nang kilay si Mariel. "Saan k aba punta nang punta? Hindi mo ba naisip na napakadelikadong gumala ngayon? Unti-unti na nga tayong nauubos!"

"Huwag nang maraming reklamo, Eliana. Sasamahan naman ako ni Leianne. Basta gawin niyo na lang ang sinasabi ko," giit naman ni Mariel. Hindi niya na hinintay pa ang tugon ni Eliana, bagkus ay hinila na niya papalayo si Leianne; pupuntahan nila sina Ced at Ma'am Kate

Pagkarating nila sa tapat ng cabinet, kung saan naroon ang sekretong daanan, ay kinatok nila iyon nang malakas. Sinigurado naman nilang walang ibang nakakakita sa kanila habang ginagawa nila iyon.

Ilang saglit lamang ay bumukas na iyon, at bumungad sa kanila si Ced na namumula ang mukha tapos ay magkasalubong pa ang kaniyang mga kilay. Hindi batid ni Mariel kung ano ang dahilan kung bakit gan'on ang hitsura ni Ced.

Mabilis na isinara ni Ced dang cabinet, at hinigit si Mariel papunta sa lungga nila. Nakasunod lang din naman si Leianne na nagtataka rin sa inaasal ng binata.

Pagkarating nila sa lungga nila ay magsasalita na sana si Ced, subalit inunahan siya ni Ma'am Kate.

"Mariel, may binabalak sa inyo ang killer at ang lola niya," mabilis na saad ni Ma'am Kate. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Mariel, at bumundol ang kaba sa kaniyang dibdib.

✓Evil's Bloody RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon