Chapter 13

156 33 1
                                    

Simula pa noong nalalang ang dalawang unang tao sa mundo, mayroon ng mapagbalat-kayo: umaaligid at hatid nito ay tukso at panganib. Hanggang ngayon, mas dumarami pa ang mga ganito. Gaya sa klase nina Mariel, bagamat may mga maaamo at mababangis na mukha, mahirap matukoy kung sino sa kanila ang taong mapagkunwari; ang taong may dalang panganib.

NAGTITIPON-TIPON ang magkakaklase sa second floor ng mansion, at nagkatinginan sa isa't isa. Wala man lang maglakas loob na magsalita. Magkagan'on pa man, pare-pareho ang tumatakbo sa kanilang isipan, at iyon ay kung sino sa kanila ang salarin.

"Sa tingin ko talaga ang suspect ay yung wala rito," pambasag sa katahimikan ni Sharrie.

Halos lahat sila ay napatango. Pare-pareho lang kasi ang pumapasok sa isip nila kung sino ang pumapatay.

Pinagkrus naman ni Bella ang mga braso niya, at sinabing, "Si Mariel? Siya lang naman ang wala rito, ah."

Nagpanting ang mga tainga ni Leianne sa sinabi ng kaklase dahil ang kaibigan na naman nila ang pinagbibintangan. Alam ni Leianne na kaya wala pa si Mariel ay dahil doon sa isinagawa nilang plano na pagmanman sa bahay. Hanggang ngayon ay wala pa rin siya; kahapon pa sila ng tanghali huling nagkita-kita.

Kahit pa nilalamon na ng kaba si Leianne, hindi nila pwedeng sabihin ni Eliana sa kanilang mga kaklase ang ginawa nila at mga nahanap nila. Maaari kasing makasagabal sila, o kaya naman ay makasira sila sa pagi-imbestiga.

Napatayo naman si Eliana na nakapamewang. "At paano ka nakasisiguro, ha?"

"Mambintang na naman ba kayo?" singhal din ni Leianne, at hinila paupo sa tabi niya si Eliana para hindi na mag-umpisa ang gulo.

Maging siya ay gusto niya rin namang awayin ang mga kaklase niya, subalit nasa bingit sila ng kamatayan. Mas lalo lang na lalala ang sitwasyon, at mas lalo silang pagbibintangan.

"Si Mariel..."

Tahimik silang napatingin sa hagdan, at doon ay nakita nilang pababa si Mariel mula sa third floor. Mahigpit ang bawat pagkapit niya sa hawakan ng hagdanang kahoy, at mabibigat din ang mga yabag niya. Kapansin-pansin ding paika-ika siya sa paglalakad, kaya agad tumakbo ang magkakaibigan papalapit sa kaniya at niyakap siya. Inalalayan din nila siyang bumaba..

"Oh, here comes the killer," ngisi ni Erica.

Tila sumabog namang bulkan si Leianne, at inilabas niya ang pinipigilan niyang galit dahil sa sinabi ni Erica. Bumitaw siya kay Mariel, at agad niyang hinila ang mahabang buhok ni Erica.

"Aray ko! Bitiwan mo nga ang buhok!" sigaw ni Erica. Walang nagtangkang umawat hanggang sa umalingawngaw ang boses ni Mariel sa buong sala ng second floor.

"Tumigil nga kayo sa pagbibintang!" Nakakuyom na ang mga kamao ni Mariel, at handa na rin siyang saktan si Erica, pero sa paghakbang niya ay kumirot ang binti niya, pataas sa kaniyang likod.

"Eh, kung hindi i-ikaw ang killer, b-bakit wala ka simula kahapon?" tanong naman ni Ayka. Nanginginig pa ang labi niya, maging ang dalawa niyang kamay dahil baka sunggaban siya bigla ng limang magkakaibigan.

Kung sakali mang mangyari iyon, siguradong wala siyang kalaban-laban dahil bukod sa hindi siya katangkaran, may kapayatan din siya. Isang tulak lang sa kaniya, siguradong matutumba siya kaagad.

"Humahanap nga ako ng pruweba na magtuturo kung sino ang salarin para makaalis na tayo mula sa impyernong ito!" tugon ni Mariel. "A-Atsaka sa paghahanap ko sa third floor, nadulas ako sa isang kuwarto; naunang bumagsak ang likod ko kaya nawalan pa ako ng malay. Kagigising ko lang ngayon," dagdag pa niya, subalit ang huling sinabi niya ay kasinungalingan na.

✓Evil's Bloody RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon