Chapter 22

153 24 0
                                    

Hindi pa rin mapigil ang hinagpis ni Mariel nang malaman niyang patay na ang isa sa mga kaibigan niya. Akala niya ay hindi na masusundan pa ang mga masasakit na nangyari sa kaniya noon. Hindi niya lubos na akalaing muli na namang may mawawala sa buhay niya.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagragasa ng mga luha ni Mariel. Wala na siyang pakialam kahit makita siyang umiiyak ng mga kaklase niya. Sa katunayan, iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakita nila siyang umiiyak. Ni minsan kasi noon ay hindi nila nakitang pinanghinaan si Mariel dahil palaging matapang na imahe ang ipinapakita niya.

Magkakasama kasi ulit sila sa sala ng second floor. Mag-isa lamang si Mariel sa mahabang sofa, pagkatapos ang iba niyang mga kaklase ay nakaupo sa lapag habang pinagmamasdan siyag umiiyak.

Hindi nila lubos akalaing ang kaklase nilang may matigas na puso, palaaway, at matapang, ay may gan'ong side. Naninigkit na ang mga mata ni Mariel dahil sa labis na pag-iyak, at magulo na rin ang buhok niya, pero hindi niya na inintindi pa iyon. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang sabihin nila sa kanya.

Pagkalipas ng ilan pang mga minuto ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang tumutulo ang kaniyang mga luha. At sa kaniyang pagtulog, muli na naman siyang dinala sa bangungot na matagal niya ng tinatakasan.

"Mommy, sama na ako sa inyo," pagpupumilit ng batang si Mariel sa kaniyang ina. Pitong taong gulang pa lamang siya noong mga panahong iyon. Musmos pa lamang siya, at wala pang kamuwang-muwang sa maaaring gawin ng mapang-aping mundo sa kanya.

"Huwag na, baby girl, bibilihan na lang kita ng barbie dolls. Sige na, pumunta ka na sa kuya mo dahil aalis na ako," wika ng kaniyang ina, at inalis niya ang pagkakayakap nito sa kaniya.

"Bye, Mommy!" masigla namang sabi ng kaniyang Kuya Reeno, na sampung taong gulang na, sabay humalik sa pisngi ng kaniyang ina.

"Mommy, huwag ka na kasing pupunta sa kasal ng kaibigan mo. Huwag ka ng sumakay sa eraplano, 'wag kang pupunta kapag 'di ako kasama!" atungal ni Mariel, at hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang ina gamit ang kaniyang dalawang maliliit na kamay.

"Anak, babalik din ako. Pangako, bibilihan pa kita ng doll," pagpapatahan ng kaniyang ina, atsaka pinunasan ang mga luha niya. "Magpakabait ka, ha? Makikinig ka kay kuya at dad," bilin pa ng ina niya.

Hinigpitan ni Mariel ang hawak niya sa kaniyang ina upang hindi makaali,s ngunit nabigo siya dahil unti-unting nakalas ang pagkakahawak niya.

"I hate you, Mommy!" sigaw ni Mariel, at tumakbo papuntang kwarto niya. Hindi siya nagpaalam nang maayos sa ina niya o kaya ay humalik man lang sa kaniyang pisngi.

Hindi maaawat ang kaniyang pag-iyak habang nasa loob siya ng kaniyang kuwarto. Palagi kasing nasa trabaho ang kaniyang mommy at daddy. Akala niya ay maaalagaan na siya ngayong bakasyon, subalit mali ang kaniyang akala.

Ilang oras siyang nagkulong sa kuwarto niya. Lumabas lang siya dahil sa malakas na tunog ng telepono sa sala. Pagkatinging niya sa labas ng bintana, nasaksihan niyang isinasayaw na ng malakas na hangin ang mga puno. Sinabayan pa iyon ng malakas na buhos ng ulan.

Agad niya namang sinundan ang kaniyang daddy sa baba, at pinakinggan kung sino ang kausap nito sa telepono. Lumapit pa siya nang makita niya ang pagragasa ng luha ng kaniyang ama. Mayamaya pa ay nariyan na rin ang kaniyang kuya.

"Daddy, si mom ba 'yon?" tanong ni Mariel, kaya mas lalong napaluha ang kaniyang ama.

"A-Ano po ang nangyari kay mommy?" tanong naman ng kaniyang Kuya Reeno.

"Wala na ang mommy niyo, patay na siya. Nag-crash ang sinasakyan nilang eroplano. Wala na ang mommy niyo," diretsahang tugon ng kanilang ama. Hindi niya naisip pa kung ano ang magiging epekto nito sa mga anak niyang napakabata pa.

✓Evil's Bloody RevengeМесто, где живут истории. Откройте их для себя