Chapter 30

136 19 0
                                    

PAGKABALIK nina Mariel sa second floor ay hindi pa rin niya nagagawang umupo. Palakad-lakad lamang siya habang kagat-kagat niya ang kaniyang hinlalaki. Tila wala siyang kapaguran sa ginagawa niya. Hindi niya na alintana pa ang takot dahil mas nangingibabaw sa kaniyang puso ang takot na baka mabigo silang mahuli ang killer.

"Anong ibigsabihin ng silicon na kamay roon? May kinalaman ba ito sa totoong killer na nagpapanggap lamang na patay kaya gumamit ng silicon hand?" paulit-ulit na tanong ni Mariel sa kaniyang isipan.

Hindi niya na talaga alam kung ano na ang gagawin niya dahil gulung-gulo na ang kaniyang isipan. Kailangan niyang magpunta kay Ma'am Kate dahil kailangan niya na itong mapilit na sabihin kung sino angtalagang killer.

Uupo na sana, siya ngunit may nadinig silang sigaw na nagmumula sa cr. Hindi maganda ang kutob ni Mariel. Tila nagbabadya muli ang pagdanak ng dugo.

"Puntahan natin!" sigaw ng mga kaklase niya, maging si Leianne at Joanne ay napatayo rin. Nang makarating sila sa cr ay napatakip si Mariel sa kaniyang bibig.

"E-Eliana..." bulong ni Mariel, subalit ang kaniyang kausap ay nakatulala lamang sa bath tub at may hawak na patalim na walang bahid ng dugo.

"JOY!!!" awtomatikong sigaw nila nang makita nila ang nakalutang na sunog na katawan ni Joy.

Lumapit si Mariel at tinignan itong mabuti. Lapnos ang buong katawan nito at naging naagnas na ang hitsura niya. Napatingin naman si Mariel kay Eliana na dali-daling tumakbo palayo.

"Si Eliana! Siya ang killer!" puno ng poot na litanya ni Erica. Hindi na lamang nila iyon pinansin dahil pag-uumpisahan na naman iyon ng alitan. Isa pa, hindi maikakaila na si Eliana nga ang pumatay kay Joy dahil siya ang nadatnan nila roon.

"Mariel, ano ang gagawin natin?" tanong ni Leianne. Napatingin muli si Mariel sa sunog na bangkay ni Joy.

Unti-unti nang napaluha si Mariel dahil muli na naman silang nalagasan. Mukhang mauubos muna sila bago nila malaman kung sino ang umuubos sa kanila. Pakiramdam ni Mariel ay wala na talaga silang kalaban-laban kahit pa nandoon sina Ced at Ma'am Kate.

Kusa siyang humakbang papunta sa silid ng mga portraits, at doon ay nakita niya ang portrait ni Joy na nababahiran na ng dugo, at may nakasulat doong "25". Mas lalong napahagulgol si Mariel nang mapagtanto niyang kakaunti na lamang ang mga portraits na wala pang bahid ng dugo. Ibig sabihin, kung hindi nila kaagad mahuhuli ang killer, malapit na rin ang katapusan niya.

Lumabas na siya sa kuwarto, at marahang isinara ang pinto. Pagkatapos ay kinuha niya ang kaniyang pocket journal, at isinulat ang pangalan at numero ni Joy. Pahaba na rin nang pahaba ang listahan niya.

"(1) Rian, (2) Eila, (3) Angel;

(4) Ann, (5) Aldrin;

(6) Chad, (7) Mark, (8) Jhun;

(9) Tina, (10) Janna, (11) Fred, (12) Trunks;

(13) Sharrie, (14) Ayka, (15) Mhen;

(16) Geam;

(17) Rain, (18) Omar;

(19) Riza, (20) Carl, (21) Kara, (22) Josh;

(23) Bella, (24) Jenn;

(25) Joy"

Pagbalik ni Mariel sa kaniyang mga kaklase sa sala ay nadatnan niya silang nag-iiyakan. Kakaunti na lamang sila—sasampu na lamang sila. Kay bilis na napatay ng killer ang dalawampu't lima niyang mga kaklase, kasama roon si Geam.

✓Evil's Bloody RevengeWhere stories live. Discover now