Chapter 29

126 21 0
                                    

            Palahaw—iyan ang senyales na may bagong na namang nabiktima ang salarin. Iyana ng tumatak sa isip ni Mariel simula noong nag-umpisa ang karumal-dumal na patayan. Hindi maipaliwanag na takot ang dulot nito sa tuwing umaalingawngaw ito sa tainga ni Mariel.

NAALIMPUNGATAN si Mariel nang makarinig siya ng malakas ng sigaw na nagmumula sa labas. Bumundol ang takot sa kanyang dibdib, at kahit tila binubuhusan siya ng malamig na tubig ay tagaktak pa rin ang mga butil ng kaniyang pawis. Agad siyang bumangon—siya na lang pala ang nahuling bumangon pagkatapos silang patulugin ng killer.

Mas dumoble ang kaba sa kaniyang dibdib dahil sigurado siyang may namatay na naman noong pinatulog sila ng killer. Kaya naman, kahit medyo kumikirot ang katawan niya, dahil sa pagbagsak niya sa sahig kanina.

Pagbaba niya sa first floor ay napatigil siya sa paghakbang nang makita niya ang dalawang bangkay. Halos hindi makilala kung sino sila dahil ang isa ay buong katawan ang nalapnos, at ang isa naman ay puro galos na ang mukha.

"Sino siya? Sino sila?" tanong ni Joy nang halos hindi naman makatingin.

"Sino ang kulang sa atin?" tanong naman pabalik ni Mariel sa kanya.

Napalinga naman ang lahat sa isa't isa. Ang naroon ay sina Mariel, Leianne, Eliana, Joanne, Mich, Lyn, Mae, Erick, Joy, Rae at Jelyn.

"S-Sina Bella at Jenn!" sigaw ni Jelyn.

"No way!" Nag-umpisa na namang nag-iyakan ang klase dahil muli na naman silang nalagasan—maliban kay Erica na bagamat bakas na ang takot sa kaniyang mukha ay hindi pa rin tumutulo ang kaniyang mga luha.

"Umalis na lang kasi tayo rito!" matapang na saad ni Erica, saka inirapan sina Mariel, at lumakad patungo sa pinto. Pagbukas niya sa pinto ay bumulagta sa kaniya ang kadiliman ng gabi.

"A-Ayoko pang mamatay. Tama si Erica, umalis na tayo," pagsang-ayon ni Rae kaya hinarap siya ni Mariel.

"Umalis? Ano ang sasakyan natin? Iniisip niyo ba ang mga sinasabi niyo?" pabalang na tanong niya. Hindi naman nakasagot si Rae, bagkus ay napasalampak siya sa sahig habang lumuluha.

Iisa-isa niyang tinignan ang kaniyang mga kaklase. Pare-pareho ang nababasang ekspresyon ng kanilang mga mukha—nawawalan na sila ng pag-asa.

"Mariel, masyadong nakasusulasom ang ginawa ng killer sa kanila. Hindi sila mamukhaan," wika ni Eliana na napatakip pa sa kanyang bibig.

"T-Tama, m-marahil ay naghihiganti nga ang k-killer." Napatingin si Mariel kay Joanne nang marinig niya itong nagsalita.

"Buti naman at nagsalita ka na rin," puna ni Mariel. Tama nga naman si Joanne, talagang may naghihiganti sa kanila, subalit wala silang ideya kung bakit.

"Mariel, please gumawa tayo ng paraan." Lumapit sa kaniya si Rae at lumuhod pa—desperada nang makaalis doon upang makaligtas pa.

"Gumagawa na kami ng paraan," bulong ni Mariel kaya matamlay na napangiti si Rae.

Patakbo namang umakyat sa second floor sina Mich at Mae para tignan ang mga portraits. Kahit pa hindi sila utusan ni Mariel ay kusa na silang pumunta sa silid ng mga portraits para makita kung may nakapahid bang numero sa portraits nina Bella at Jenn.

Pagdating nila roon ay kumpirmado nga, may nakasulat nang "23" sa portrait ni Bella, habang "24" naman kay Jenn. Mabilis na bumalik ang dalawa sa first floor para iulat kay Mariel ang nakita nila.

"Salamat sa pakikipagtulungan," wika ni Mariel, at inilabas ang kaniyang pocket journal at ballpen. Halos mabitawan niya naman ang kaniyang ballpen dahil sa panlalambot ng kaniyang mga daliri.

✓Evil's Bloody RevengeWhere stories live. Discover now