Chapter 19

165 31 3
                                    

NAPAPIKIT na lamang sina Ayka at Mhen habang hinihila sila pabalik ng killer sa isa sa mga kuwarto sa kanyang lungga; sa kuwartong katabi ng kuwarto kung saan niya kalunos-lunos na pinatay si Sharrie. Marahas namang pinaupo ng kasabwat ng killer ang dalawa nilang kaklase sa upuang bakal, saka niya sila itinali. Pagkatapos n'on ay muli na naman siyang nagtungo sa kuwarto ng killer.

"Please, let us go. Hindi namin sasabihin na kayo ang may kagagawan nito," umiiyak na wika ni Mhen na pilit kumakawala sa pagkakatali. Itinutok ng killer sa noo niya ang baril, kaya napapikit siya.

"No! Taste my revenge first!" bulyaw ng killer, at ipinatama ang bala ng baril sa hita ni Mhen. Napasigaw si Ayka habang si Mhen naman ay napalakas ang pag-iyak dahil sa kanyang tama.

"Hindi niyo kasi ako maintindihan!" sigaw niya sa kanila, sabay tumulo muli ang luha niya kaya marahas niya itong pinunasan. "Naalala niyo ba 'yong ginawa niyo sa akin eight years ago? Kinawawa niyo ako!"

"A-Akala ko limot mo na 'yon?" natatakot na tanong ni Mhen.

"Paano ko kalilimutan ang nakaraan kung ang nakaraan ang pilit na nagpapa-alala sa akin? Mahirap kalimutan dahil nakatanim na iyon sa puso ko! Akala ba ninyo madaling kalimutan ang itinanim niyo sa puso at isip ko na dala ko hanggang sa hukay?" sumbat niya at napahikbing muli. Tuluyang rumagasa ang mga luha niyang matagal niya ng pinipigilan.

"Please, pakawalan mo kami. Promise 'di ka namin isusubong," pagmamakaawa na naman sa kanya ni Mhen, subalit marahas niya itong itinulak kaya natumba ito sa sahig.

Si Ayka naman ay nanatili lamang na lumuluha, at hindi pa rin makatingin ng diretso sa killer. Natatakot siya na baka sa pagtama ng mga tingin nila ay tatama rin sa kanya ang bala mula sa killer.

"Nagmakaawa ako sa inyo noon, sa'yo, Mhen! Akala ko tutulungan mo ako, pero wala akong napala sa iyo!" sigaw niya sa kaklase, at napapikit habang inaalala ang nakaraan.

Palabas na siya noon sa kanilang science laboratory, at uuwi na sana sa kanilang bahay, ngunit hinarang siya ng mga kaklase niya.

"Ikaw, babae, masyado kang sipsip sa mga teachers! Tapos ikaw na naman ang highest kanina!" singhal ni Bella sa kaniya, at humarang sa kaniyang daraanan

Napayuko na lamang siya dahil alam niya sa kaniyang sarili na wala siyang kasalanan. Hindi niya kasalanang mataas na naman ang nakuha niyang marka. Palibhasa ay wala siyang ginawa kundi ang mag-aral.

"Please, tama na. Gusto ko ng umuwi kaya padaanin niyo ako," mahinahong wika niya, ngunit itinulak siya ni Bella.

"Ayoko! Kung gusto mo, magpakamatay ka na lang para wala na kaming poproblemahin!" Napatingin siya sa sinabi ni Bella. Namuo ang galit sa kaniyang dibdib dahil nais na pala ng kaniyang mga kaklase na mamatay na lamang siya.

Tinabig niya sila at tumakbo patungo mini forest ng school. Doon ay ibinuhos niya lahat ng kaniyang mga luha—luha ng poot at hinagpis.

Napatayo naman siya nang makitang papalapit sa kaniya ang tatlong babae. Sina Rian, Eila, at Angel. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang patalim na hawak ni Angel. Napaatras siya ngunit hindi niya napansin ang bato, kaya bumagsak siya sa damuhan. Pinipilit niyang tumayo ngunit kumikirot ang kaniyang mga paa.

Papalapit na ang tatlo sa kaniya. Wala siyang magawa kundi umatras at tumitig sa hawak ni Angel na kutsilyo. Malakas na sapak ang ibibigay sa kaniya ni Eila, at naramdaman niyang tumulo ang dugo mula sa bibig niya.

"Tama na, please!" pagmamakaawa niya sa tatlo, ngunit hindi sila tumigil. Pinagtatadyakan siya ni Rian kaya tuluyan siyang nanghina.

Hinang-hina siyang nakahiga sa damuhan, at punong-puno ng mga galos. Nalalasahan niya na rin ang dugo sa kaniyang bibig, at unti-unti na ring bumibigat ang talukap ng kaniyang mga mata.

✓Evil's Bloody RevengeWhere stories live. Discover now