CHAPTER 93:

1.9K 46 0
                                    


Shion's POV: 


 Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Ace, lalo na ngayon na kailangang kailangan nyang malaman ang lagay ni Maxine. Kung saan saan na namin sya hinanap kung saan pusible syang mag punta, ni wala kaming ka alam alam kubg saan sya naroon. Ni wala din kaming mapag tanungan dahil bukod sa nasa hospital ang mga kaibigan nila ni Maxine ay hindi pa namin sila pwedeng lapitan muna o dalawin. 

Masyado pa raw kaseng pagod ang mga katawan nila at hindi pa maaaring dalawin ng sabay sabay. Halos hindi mawala ang pag aalala sa mukha nila Tito at tita Princess. Sino ba naman ang hindi mapapakali kung ang anak nilang si Ace ay ilang araw ng hindi nag papakita sa amin. Maski na sa kahit na sino, mas nag aalala sina tita dahil hindi pa nagagamot ang mga sugat at galos ni Ace. 

 Ang lalaking yon! Paaano nyang natitiis na wag makita maski na malaman ang lagay ng fiance nya. Panay din ang kontak ko sa cellphone ni tita'ng nasa kanya. Halos naka ilang tawag na ako sa kanya mula nitong huli na umalis sya, ni isa sa mga yon ay hindi man lang nya sinagot. Alam kong apektado pa sya sa mga nangyari sa pagitan nila noon, pero hindi ito ang tamang oras para maging selfish sya at sisihin ang sarili nya.

 "Shion. May balita na ba sa pinsan mo?." Alalang tanong ni Tita Princess. Tanging iling na lamang ang naisagot ko na nag sasabing wala pa.

 "Don't worry tita I'll do my best para mahanap si Ace as soon as possible, mas makaka buti kong mag pahinga na muna po kayo." May pag aalalang sambit ko at pilit pinapalakas ang loob nya. Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at number ni tita ang nag flash sa screen ng phone ko..

 Wala na akong inaksayang oras pa at agad agad na sinagot ang tawag nya. Dahil alam kong si Ace na ang nasa kabilang linya. 

 "Hello.. Ace." Sagot ko sa kabilang linya.

 "Si Ace na ba yan?." Tanong ni tita tyaka ako tumango. 

 "Hello Ace.. Si shion to, nasaan ka pupuntahan kita." Agad na sambit ko, pero walang nag salita sa kabilang linya. Ni anumang tunog ay wala akong naririnig. Inagaw sakin ni tita ang telepono at sya na ang kumausap sa sariling anak.

 "Anak.. Ace.. Please umuwi kana. Mas kailangan ka ni Maxine, please anak. Ikaw na lang ang pag asa namin para magising si Maxine. Umuwi kana." Sunod sunod na sambit ni Tita, kung sumagot na si Ace ay hindi ko alam. Basta ang nais ko lang ay umuwi na sya dito.

 "Ace. Anak please kailangan ka ni Maxine, kausapin mo naman ang mommy oh." Sambit muli ni tita, habang nakikinig sa kabilang linya. Ini-loudspeak nya yon dahilan para marinig namin ang sinasabi ni Ace.

 "M-mommy anong nangyari sa ka-kanya..." Umiiyak na sambit ni Ace mula sa kabilang linya.

 "Gusto ko syang makita mommy.. Kamusta sya..." Pilit pinapakalmang sambit nyang muli. 

"H-hindi pa sya nagigising hanggang ngayon kaya please anak. Umuwi kana kailangan ka nya." Lumuluhang sambit naman ni Tita. 

 "Ace anak ang daddy to, umuwi kana anak. Kailangan ka ng nobya mo, umuwi kana." Si tito. Puros pag iyaj at hikbi ang narinig namin mula sa kabilang linya, at nawindang kaming lahat dahil sa malakas na galabog mula sa kabilang linya.

 "Ace anak! What happen! Please answer me! Anak." 

 "Ahhhh!!! It's all my fault!! IT'S MY FAULT!!!." Sigaw nya mula sa kabilang linya. Wala syang sinisisi kundi ang sarili nya, bagay na hindi nya naman kasalanan. Gustuhin ko mang mangealam ay wala akong karapatan. Ni nangyari sa pagitan nila at ng mga taong yon ay wala akong kaalam alam. 

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon