CHAPTER 67:

2.1K 46 0
                                    


Maxine's POV:


Habang tumatagal ay parang mas lalong nadaragdagan, may kakaiba talaga sa mga nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw lang mula ng maging kami ni Ace. Para kaseng may mali sa nararamdaman ko kama-kailan lang. Hindi ko maintindihan, kung bakit ganito na lang ako kabahan sa twing kasama ko sya.

Lalo na kapag umuuwi syang mag isa, parang may mali palagi sa lahat ng bagay na nararamdaman ko. At ang bagay na yon ang hindi ko maintindihan.

Kasalukuyan syang naka tingin sa akin habang ang kanang kamay nito ay naka salo sa baba nya. Palagi syang ganyan sa harapan ko, pinapanood ang bawat galaw ko. Nakaka ilag pero hindi ko na lang naman pinapansin at hinahayaan na lang.

 Panay din ang lunok ko, dahil hindi ko maiwasang hindi sya tanawin sa tuwing ganyan sya. Gusto akong tunawin ng mga titig nya, para akong kinakabahan kapag ganyan kalagkit ang mga tingin nya. Nakaka kilabot ang isang yan, nd hindi ko na nga yata kayang hindi sya makita araw araw.

 Mula kase pag pasok at pag uwi ay sya na ang kasama ko. Hindi naman sya nakakasawang kasama, sa katunayan natutuwa ako sa kanya. Ginagawa nyang katawa tawa ang sarili nya mapatawa lang ako. Kung ano anong skespresyon ang ginagawa nya sa sarili nya. Minsan pang hindi nya ko napangiti ay paulit ulit nyang ginagawa yon. Para bang hindi sya napapagod, basta daw kase pag dating sakin wala syang nararamdamang pagod. Basta ako daw ang dahilan non. Ako daw kase ang lakas nya, kaya kapag nalungkot ako apektado sya. Ganyan sya ka baliw.

 May mga araw na, napag trip-an ko syang ayoko nong pag kaing binili nya, kung kaya sa inis nya binili nya lahat ng nasa cafeteria at ang ending hindi na ko kumain sinabi kong busog ako. Ang kaso hinila nya ako at dinala naman sa isang mamahaling restaurant, ang walangya binili lahat ng mabili sa restaurant na yon. Wala daw syang pakealam kung maubos ang pera nya basta ang mahalaga. Makakain daw ako ng tama at sapat sa oras.

 Maalaga sya at sobrang mahahalahanin. Katangiang hindi ko inakalang meron sya. 

 "Lalim ng iniisip natin ah?." Tanong ni Trixie tyaka naupo  

  Sa tabi ko. At doon ay nag pande kwatro. Tyaka nya kinuha ang kaha ng sigarilyong nasa maliit na mesa dito sa salas. 

 Tyaka nya yon sinindihan.  

  "Mukhang sya nanaman ang dahilan nyan." Basa nya sa isipan ko. Dapat pa ba akong tumanggi. Totoo naman sya ang nasa isip ko. 

Walang masama, dahil mula ng guluhin nya ang buhay ko, pati isip ko at puso ay ginulo nya na rin. Parang kakaiba. Nakaka lito. Iba sya sa lahat ng lalaking nakilala ko. Iba kase ang dating nya sakin. Liban na lang kung talagang hindi nya ko guguluhin. 

"Sa tingin ko malapit kanang mahulog sa kanya. The moment na bago pa lang maging kayo." Napatingin ako sa kanya. Nang may kasamang pag tataka. 

"What I mean is, umpisa pa lang alam mo na sa sarili mong. Gusto mo na sya, pero itinatanggi mo lang."

 "Hindi ko alam ang bagay na sinasabi mo." Pag mamaang maangan ko.Nagulat naman sya sa sinabi ko.   

  "Ako pa talaga ang pinag lihiman mo, kabisado ko ang bawat liko ng bituka mo, isama na natin ang atay mo. Bigla tuloy akong nagutom." Nanlaki ang mata ko sa ainabi nya, tinignan ko pa sya sa ginagawa nyang pag himas sa tyan nya at ang pag labas ng dila nyang pinadadaan sa ibabang parte ng labi nya. 

 "Hoy! Bakit ganyan ka maka tingin, hindi kita pag iintirisang kainin. Siraulo to." Buwelt nya kaagad. Siraulo pa ko ng lagay na yon. Kumuha ako ng yosi at agad na sinindihan. 

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon