CHAPTER 91:

1.7K 37 0
                                    

Maxine's POV:


 Dahan dahan akong nag lakad, kahit na paika ika ay sinubukan kong makalapit kay Maxwell at unahin itong kunin. Ang lahat ay naka tingin sa ginagawa ko. Nang matanggal ko mula sa pag kakatali si Maxwell ay agad ko itong niyakap at binuhat. Tyaka muling nag lakad papalapit sa kinaroroonan nila Trixie. Bago pa man ako makalapit ay isang sigaw ang nakapag papigil sakin.

 "Pag sisisihan mong hindi mo pa ako pinatay, at binigyan ng pag kakataong ako ang pumatay sayo." Kahit na nakatalikod ay alam ko kung kanino galing ang bises na yon, sa halip na pansinin sya ay nag tuloy lang ako sa pag lalakad. Kahit na hirap ay pinilit ko hanggang sa makarating ako at ibigay kay kath si Maxwell tyaka ko sya iniwanan ng halik. Paharap na sana ako ng bigla akong makaramdam ng mainit na bagay na syang lumalamon lalo sa natitirang lakas ko. 

 "Ate..." Maluha luhang sambit ni Kath, habang ang tingin ay nasa akin. Ngumiti ako. Hindi ko akalaing ganito ako kahina, ni hindi ko man lang nagawang lumaban. Humarap ako at nakita ang taong gumawa non sakin. Ang taong dahilan ng lahat, ang taong nais kong mapag higantihan. Ang taong gusto kong patayin gamit ang mga nagiginig at nag ngangalit kong mga kamay. 

 Ay ang lalaking sinisisi ako sa bagay na wala naman akong kinalaman, bagay na kahit sa hinagap ay hindi ko pa nagawa. Ika ikang nag lakad ako at pinulot ang baril na pag aari ko, ni hindi ko nagawang indahin ang sakit at hapding nararamdaman. Nakita ko pa sa mga mata nila, ang awa at ang galit na nag tatalong naka tingin sa akin. Lahat kami ay pareparehong nanghihina at hingal. Pinakita kong kaya ko pa at hindi ako basta bastang mapapatumba ng ilang bala. Ngumiti ako na para bang walang pinoproblema at walang masakit na nararamdaman. 

 "Mamatay kana!!!." Sigaw nya, tyaka ako muling binaril, mabilis kong nailagan yon. Pero sa pangalawang pag putok ng baril nya ay hindi na. Nakita ko na lang na tumama yon sa isa pang hita ko. Pero hindi yon naging dahilan para huminto ako sa pag lalakad. 

 "Tama na!!!." Sigaw ni Trixie. 

"Tigilan mo na ito! Wala syang kasalanan!." Dagdag nya pa. 

 "Tumahimik ka!..." Sigaw ni Renz tyaka sya tinutukan ng Baril. 

 "Wala syang kasalanan..." Bulong pa ni Trixie. 

 "Hindi ko akalaing ikaw pala..." Napahinto ako sa pag lalakad ng madinig ko ang boses ng lalaking higit na importante sakin..

 "...Na ikaw pala ang matagal ko ng hinahanap... Ang babaeng kumitil sa buhay ng pinaka mamahal ko, nakakatawang isipin na kaharap at nakakasama ko at naging nobya ko pa ang taong matagal ko na palang hinanahanap at nais na patayin.." Dugtong nya. 

 "Nakakatawang napaniwala mo ko, matagal mo na pala akong ginagago!." Nag ngangalit ang bagang na sambit nya. Napa yuko ako. 

 "Kung alam ko lang... Dapat bago pa kita minahal ay pinatay na kita!.." Galit na galit paring sambit nya, hindi ako nakapag salita. Namamanhid na rin ang katawan ko at parang gusto na lang na mamahinga at matulog ng napaka tagal.

 "Ngayong narito kana.. Magagawa ko ng patayin ka..." Alam kong sa mga oras na ito ay dalawa na ang baril na naka tutok sa akin. Isa sa lalaking nais kong patayin at isa sa lalaking pinaka mamahal ko. Gustuhin ko mang sabihin ang totoo ay hindi ko na magagawa pa, dahil nilalamon na ng galit ang puso nya at puot na nag nanais na patayin ako sa mga oras na ito.

 Hindi ko maintindihan ang sarili ko, dagdag pa ang katotohanang ang lolo nya rin ang pumatay sa mga magulang ng pinsan ko at nang mga kaibigan ko. Puros puot at galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kahit na halos mamanhid na ang katawan ko ay nais ko paring maningil, pero sa mga oras na ito ay mukhang mabibigo ako.

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon