CHAPTER 8

3.9K 81 1
                                    

Kathleen's POV:


Nandito kami ngayon nina ate Maxine, Trixie, Vince At Brent sa puntod nina mommy at daddy sa cemetery upang dalawin silang dalawa. Ngayon kase ang death anniversary nila at hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na... wala na sila at iniwan na nila kami ni ate Maxine, Sanggol pa lang ako noong nawala sila ni hindi ko manlang sila nakasama. Wala akong kaalam-alam sa nangyari noon.

-_-

 Nag papasalamat ako kay daddy max na kahit papaano ay alam na namin, kung sino ang pumatay kina mommy. Wala akong ibang hinangad kundi ang maipag-higanti sila. Gusto kong makamit ang hustusya para sa kanila, hinding hindi ko mapapatawad ang hayop na yun, hinding hindi.

T_T

Naupo ako sa harapan ng puntod nila mom and dad, at kinausap ito habang inaayus ko yung bulaklak na binili namin para sa kanila. Sandaling huminga ako ng malalim at muling hinawakan ang nitso kung saan naka ukit ang mga pangalan nilang dalawa.


" Hi mom, dad kamusta po kayo nandito po kami nila ate para dalawin kayo, alam nyo mom/dad sobrang miss na miss na po namin kayo ni Ate Maxine, at alam kong miss na miss niyo na rin po kami " Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dibdib ko dahilan ng  pangungulila sa kanila. Sobrang sama ng loob ko sa taong gumawa nito sa kanila. Hindi sila nasa ganitong sitwasyon kung hindi sila pinatay, sana ngayon ay hindi mabigat para samin ang mabuhay ng wala sila.

T_T

Sa tuwing dadalaw kami sa puntod nila mommy, lagi kong ginagawa ito. Ang kausapin sila alam ko kase na nakikinig sila sakin, kaya lagi ko silang kinakausap kahit na alam kong paulit-ulit kong itinatanong sa sarili ko kung bakit kailangang mawala sila.


'I really miss them.... I miss them.'


Siguro kung hindi sila nawala sana ay masaya kami ngayon at mag kakasama , napaisip ako sa isiping yun na kung.... sana ay hindi sila nawala, sana ay masaya kaming mag kakasama ngayon. At sana ay buo kaming pamilya, habang iniisip ko yun ay biglang may mga mainit na likido ang siya'ng kusang umagos mula sa aking mga mata kasabay ng kirot lulan ng katotohanang wala na sila na hindi na sila muling babalik pa, hinawakan ko yun at nakaka-inis isiping umiiyak nanaman ako. Luhang kahit kailan ay hindi ko na yata kayang iwasan, luhang dahil sa katotohanang na ngungulila ako sa aruga at pag mamahal ng isang ina at ama. Ang mga bagay na hindi man lamang ipinaramdam habang lumalaki, ang pakiramdam kung papaanong alagaan sa bawat panahong masama ang pakiramdam dulot ng sakit na nararamdaman. Pakiramdam kung paano kang pahahalahanan sa mga bagay na hindi dapat at dapat, bawat maling ginagawa siyang ikinu-korek nila.

Bawat birthday's, walang magulang ang siyang su-surprice sayo. Mag papa-alala kung gaano ka kaganda sa araw ng kaarawan mo. Ang tutulong sayong buksan ang bawat gift na matatanggap mo,  kung paano nilang iparamdam na ikaw ang nag nining-ning sa lahat.  Ang babati sayo sa araw ng iyong kapanganakan, ku-kwentuhan ka kung gaano sila ka swerteng ikaw ang kanilang naging angel, ang buhay na kanilang iningatan, pinalaki at minahal sa abot ng makakaya. Sa bawat araw na may program sa ano mang event, school events na dapat sila sanang nasa tabi upang suportahan sa mga bagay na natatanggap o sinasalihan. 

Nguni't sa lahat ng okasyong nangyari sa buong buhay ko at ni ate ay hindi namin naranasan ang lahat ng nasa isipan ko noon pa lamang. Ang mga bagay na dapat sana ay sila ang gumagawa at nag paparamdam. Ngayon ay walang sila ang nandyan para sa mga magagandang pag kakataon na yun. Nang dahil lang sa taong walang awang binawi ang buhay ng aming mga magulang ang naging dahilan kung bakit ako o kami ni ate ay sobrang nangungulila. Maswerte pa ngang si Ate kahit na sa sandaling panahon ay nakita, nakilala at naranasan niya sandali ang pag mamahal, pag aaruga at pag tatanggol ng isang ama't ina. Masakit sobrang sakit isiping walang sila na nandito sa tabi ko, walang sila para iparamdam sakin ang lahat ng nakikita ko sa ibang mga pamilya.

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon