CHAPTER 66:

2.2K 44 0
                                    


Maxine's POV:


Lang hiya naman oh, ano bang pinag sasabi ng taong to.Mukhang maysayad na talaga ang utak nya, kanina pa syang ganyan kung umasta sa harapan ko. 

 "Stop doing that stupid of yours." Iritadong sita ko sa kanya. 

 "No, I stay with this moment of my life, being with my wifey." What the hell he talking about?, wifey?. San nya ba talaga nakuha ang callsign na iyon. Puro na lang kabaduyan ang isang ito, girlfriend nya pa lang ako pero wifey na ang itinatawag nya sa akin, Kase nga daw para sa kanya ay asawa na nya agad ako.

 "Stop calling me Wifey, nong una Babe ngayon naman Wifey." Natatawang sambit ko na medyo may pag ka irita paring kakabit."Tsk! E sa yon ang gusto ko e. You are mine now, so pwede kitang tawagin sa kung ano ang gusto kong itawag sayo asawa nga kita diba at girlfriend na kita."

Tsk! Ibang klase gano ba karami ang gusto nyang itawag sakin. Nung una manang at panget. Nitong maloko ang lalaking to sakin Babe and tawag ngayon naman Wifey ang tawag nya ngayon sakin. Nahihibang na yata at maluwag na ang turnilyo sa utak nito. 

 "Habang tumatagal lalo kang nahihibang." 

 "Matagal nakong hibang sayo, simula pa nung mapag tanto nito na mahal na mahal kita At lalo na ngayon na girlfriend na kita." Naka ngiting itinuro nya gamit ang kanang daliri nya sa dibdib nya. Nag sisimula nanaman syang maging ganyan sa harapan ko.Hindi ko talaga makalimutan yong araw na napasagot ako sa alok nya. Kaya naman ngayon araw araw na talaga syang nasa amin. Patay na patay.

 "At yon ay dahil sayo wifey, ikaw ang dahilan na meron ako. Ang dahilan kung bakit nananatili akong ganito sa twing nakikita kita at nakakasama." Siryoso ko lang syang tinignan at pinapakinggan ang mga sinasabi nya hindi ko naman magawang mag protesta pa. 

Dahil kapag kinontra ko pa sya sa pag eemote nya ay ako nanaman ang mapapasama. 

 "Walang araw na hindi ka maalis sa isip ko, walang oras na hindi kita naiisip. Sa bawat pag kakataon ikaw ang lagi kong naaalala, totoo ngang patay na patay na ako sayo Wifey." Nasanay na yata sya sa tawag nyang yan sa akin, dati kase ay babe sya ng babe. 

 "Thankful ako na nakilala kita, oo ngat hindi ka ganon kaganda para sa iba. Pero sakin ay maganda ka, ang lahat lahat sayo ay maganda." Naka ngiting sambit nya. 

Nakakatuwa syang tignan. Hindi na ko naka palag pa ng hawakan nya ako sa dalawa kong kamay, bali ngayon ay naka luhod na sya sa harapan ko at pinag mamasdan ako. At pakiramdam ko ay bawat hibla at bahagi ng mukha ko ay sinasaulo nya. Pumasok sa isip ko na tama pa bang idamay ko sya o dapat bang hayaan ko syang gawin ang lahat ng ito. At kalimutan kong miyembro sya ng pamilya ng taong gustong gusto kong gantihan. Hindi ko alam pero parang may kakaibang bagay ang syang tumutusok sa dibdib ko, bagay na hindi ko alam kung san nanggagaling. 

Maging ang boltahe na dumadaloy mula sa kamay ko paangat sa katawan ko, kakaiba pero mukhang alam ko na kung san nanggagaling yon. Tama bang isipin ko ang dahilan na, dahol hawak nya ang mga kamay ko. Kung kaya nakaramdam ako ng ganong klase ng pakiramdam. Aaminin ko ng hindi ko kayang saktan ang lalaking ngayon ay nasa harapan ko, ang lalaking nag tyatyaga sa ugali ng isang katulad ko. 

Ang babaeng sinasabi nyang mahal na mahal nya sa bawat tawag at text laman ang pangalan ko. Ay ang lalaking kaharap ko na pinag planuhan kong gamitin, makuha ko lang ang katarungang nais ko. Papaano kong magagawa ang misyon kong gumanti kung ang taong nasa harapan ko ang kahinaan ko. Mukhang hindi na tama ang nararamdaman ko.

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon