CHAPTER 80:

1.8K 38 0
                                    


 Ace's POV:

 ISANG pamilyar na babae ang nakita kong nag papaka lango sa alak na iniinum, halos mapuno ang mesa nito ng ibat ibang uri ng alak. Itinuro sya sa akin ni Kier at sinabing parati itong narito. Tanging sinabi ko lang ay wala akong pakealam.

 Lumipas ang isang oras pero nananatili parin sya sa pwesto nya, hindi pinapansin ang mga nasa paligid nya. Pikit matang iniinum ang bote ng alak, kasabay non ang bagay na ayokong nakikita sa kanya. Tuloy tuloy sa pag bagsak ang mga luhang syang kahinaan ko, gustohin ko mang lapitan sya ay hindi ko yon magawa. Natatakot kase akong mas lalo syang masaktan, ang lahat ng ito ay may dahilan.

 Hindi ko ginustong malagay sya sa ganitong sitwasyon, ipinapakita ko ang kawalang pakealam ko sa t'wing mag kakasalubong ang mga landas namin. Pero sa t'wing nakikita ko ang sakit sa mga mata nya ay parang gusto ko na syang yakapin. At sabihing ayoko syang nakikitang nag kakaganyan, malayong malayo sa dating nakilala ko. Sa babaeng minahal ko, ang babaeng higit na matatag na ngayon mahinang mahina.

"Hindi ko na nagawang itext sayo, maski na ang itawag ang tungkol dito. Palagi syang narito, at palaging ganyan ang ginagawa nya. Iinum at kapag nalasing ay doon sya tahimik na umiiyak, itinawag ko na kina Trixie ito. Kaya alam kong makakauwi na sya at makakapag pahinga." Sambit ni Kier habang ang tingin ko ay nasa babaeng tinutukoy nya. 

 "Walang araw na umiinom si Maxine, yon ang sinabi sakin ni Lance. Nakwento daw kase ni Kath sa kanya ang nangyayari sa kapatid, palagi daw itong walang imik. Ni kumain ay hindi nito ginagalaw ang inihahain sa kanya. Parang wala syang pakealam sa mga naka paligid sa kanya, basta ang gusto nya lang gawin ay mapag isa at mag kulong sa sariling kwarto." Pag papatuloy nya pa. Wala naman akong naging sagot, dahil wala naman akong gustong sabihin. Ni hindi ko alam kung dapat ko pa bang pakinggan ang mga sinasabi nya, pero parang ayaw ng isip kong paniwalaan.

"Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo pero..." Sandali syang huminto at tumingin sa gawi ni Maxine. Inalis ko na kase ang tingin sa kanya dahil hindi ko na kayang makita pa na nasa ganyan syang kalagayan. 

 "... Sa tingin ko ay hindi na tama ang ginagawa mo." Dugtong nya. Alam kong mali pero ito lang ang paraan para wag syang saktan. Ginawa ko ito hindi para sa akin, kundi para sa kanya. Bago pa tuluyang sumabog ang luha ko ay napag pasyahan kong yumuko na lang para itago ang mabilis na pag tulo ng luha. Hindi ko kayang makita sya na mas nahihirapan, dahil lang sa kagaguhan ko.

 Hindi ko dapat ginagawa ito, pero anong gagawin ko kung ang kapalit naman nito ay ang kaligtasan nya. Baliw na si Haidee, isang gabi pumunta sya sa mansion. Galing sa states, ipinakilala ko pa sila sya sa kanya. Pero sa mismong gabing yon ay sinabi nyang mahal nya ako, at gusto nyang maging fiancé ko. Hindi ako pumayag dahil, mahal ko si Maxine. Sinabi ko sa kanyang may Girlfriend ako, pero hindi sya nakinig. 

Sa halip ay tinakot nya akong ipapadukot nya si Maxine at kukunin ang lahat ng pag aari nito. Hindi ko kayang makita syang mahirapan, kung kaya mas pinili ko na lang na lumayo sa kanya.

 "Hindi na tamang saktan mo sya ng saktan, ngayon pang napatunayan na nya sa aming mahal na mahal ka na nya. Hindi ko akalaing, ganito mo sya kabilis na bibitawan." Pag papatuloy ni Kier.

"Siguro dapat mas pinili mo na lang na sabihin sa kanya, kase alam ko mas maiintindihan nya kung sasabihin mo sa kanya ang rason mo. Hindi yong basta basta mo na lang sya lalayuan ng hindi man lang nag papaliwanag, ni maski ang dahilan kung bakit mo ginagawa ito sa kanya ay hindi nya alam." Pag papatuloy nya, matapos mag bigay ng alak sa customers. 

 "Hindi ko alam kung tama pa bang lapitan ko sya, matapos kong iwasan sya ay hindi ko na yata kayang humarap pa." Pigil ang luhang sambit ko, totoong gusto ko syang lapitan. 

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon