CHAPTER 56:

2.6K 53 1
                                    

Trixie's POV:


Hindi ko akalaing ang taong kanina lang na pinag uusapan namin, ay narito lang pala sa mansion ng mga deguzman at ang malala pa ay lolo pa ito ni Ace. Natuwa nga si Maxine sa ibinalita ko kanina, pero nanaig naman ang galit nito ng malamang ang hinahanap namin ay kaharap na namin ngayon. Hindi ko alam kung san pumunta ngayon si Maxine, dahil noong hinabol ko ito ay ipinaharurot nito ng napaka bilis ang kotseng gamit namin kanina lang. 

I feel her that much alam kong nasasaktan siya ng husto, sino ba naman ang gustong makita kung paanong walang awang pinag papatay ang mga mahal mo sa buhay?, lalo pat mga magulang nila iyon. Alam ko kung gaano ito nasasaktan, dahil pare-pareho lang naman kami ng naranasan, namatay din ang mga magulang ko gaya nangyari kina tita.

At ang sakit lang na dahil lang iyon sa business, it was my 7th birthday ng dinala nila ako sa isang classic resto at ang lahat ng iyon ay nangyari sa mismong araw ng kaarawan ko. At ang naging araw din ng kamatayan nila, im so down to earth ng makita ko kung gaano din sila patayin mula sa harapan ko, naputol lang ang lahat ng may isang taong kumuha sa akin at inilayo ako sa lugar na iyon.

At ang taong iyon ay hindi ko parin nakikilala hanggang ngayon, gusto kong malaman kung sino siya, at alam kong kasing edad ko lang din siya. Gusto kong malaman kung sino siya, at gusto kong makita siyang muli isa lang naman ang bagay na nakuha ko sa kanya iyon ay ang panyong ibinigay niya noon sa akin noong panahong halos hindi ko maihinto ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko.

 May burda itong CENT, hindi ko alam siguro iyon ang pangalan niya, kase iyon ang nakalagay sa panyong hawak ko ngayon na palagi ko lang dala. Ni hindi ito nakita nila Maxine dahil tinatago ko lang ang bagay na ito, ayoko kaseng makadagdag sa isipin nila ang mahalaga sa akin ngayon ay mahanap ko ang taong may gawa sa mga magulang ko noon at ang taong may-ari ng panyong to.

bahagyang nagulat ako ng biglang sumulpot mula sa likuran ko si vincent, halos mapatalon ako dahil sa pag kabigla, agad ko namang hinampas ito na ikina daing niya.

" Buwisit ka ! bakit ba nang gugulat ka ha ?! " Malakas na bulyaw ko rito, napakamot naman ito doon sa parteng hinampas ko sa braso nito, abno e sanay na sanay na ginugulat ako kung may sakit ako sa puso malamang kanina pa ako inatake sa sobrang gulat.

" Pano ba naman napaka siryoso mo kaya diyan, pinasundan ka lang ni chairman clemente tapos kung maka hampas naman to wagas, masakit kaya "

" Tsk! abnormal ka kase ! basta basta ka na lang nanggugulat, at parang kabuteng bigla na lang lumilitaw diyan ! "

" Tsk ! Kindly learn to lower your voice?, tara na nga napaka brutal mo kahit kailan, o-opsh baka gusto mong sayo ko gawin yan?." Astang hahampasin ko sana ito, nang bigla ako nitong pigilan sa dapat na pag hampas kong muli sa braso niya, natatawang nag lakad na lang ito palayo nababaliw na yata ang isang to. sumunod na lang ako sa kanya pabalik sa mansion at muling sumagi sa isipan ko kung saang lupalop tutungo si maxine. Malamang ay kailangan lang noon mag palipas ng oras para kumalma.

Ang nakakainis lang bakit ba napaka galing ni mr. deguzman mag panggap na parang wala siyang alam sa lahat ng mga sinasabi ni maxine kanina ni hindi nga ito nakitaan ng ano mang takot sa mga mata nito kundi puro pag tataka at awa lang, hindi ko maintindihan ang mga expressions na ipinapakita niya sa amin. Alam ko na kanina pa nag titimpi sa kanya si maxine at alam ko rin kung gaano na kagusto ni maxine na mag higanti sa kanya lalo nat hindi namin inaasahan na dito lang pala namin siya makikita, kung sinoswerte ka nga naman lolo pa siyang talaga ni Ace. Its small world right?. And i know kung gaano rin kasakit kay kath na ang taong matagal na niyang gustong pag higantihan at hanapin ay nasa harapan nanaming lahat ngayon.

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon