CHAPTER 88:

1.9K 33 0
                                    


Someone's POV:


"Ano ang dahilan kung bakit kayo bumalik dito, nag bigay na ba ako ng utos na bumalik na kayo!." Inis at may galit na bulyaw ko.

"Naparito kami para ipag paliban muna ang pag mamanman, mukhang nakakatunog na ang mga Clemente na kami ay umaaligid saan man sila mag punta. Lalo pa ngayon na nag hire ang Chaiman nila ng mga tauhan. Kung kaya mas lalo kaming mahihirapan."
Pag papaliwanag ng tauhan ko. Kahit kailan mga walang silbi.

"Hindi sila makakahalata, kung ginagawa nyo ng maayus ang trabaho nyo. Mga inutil, hindi ko kayo binabayaran para lang mag pahuli at mabulilyaso ang plano ko!." Sigaw ko tyaka ko inihagis ang bote ng wine sa kanila, dahilan para agad silang mapaiwas.

"Pasensya na boss pero kailangan lamang muna naming mag pahinga, dahil nakakahalata na rin ang batang Rivera. Kamuntikang mahuli ang isa sa mga tauhan natin nitong sinubukan naming isagawa ang plano."

"Mga inutil mga wala kayong silbi!"
Galit na sigaw ko, hindi ko inaasahang mayroon akong mga tauhang mangmang.

"Easy Emperor, maaring hindi na natin mapapamanmanan ang pamilya clemente. Pero ang plano ay nananatili paring naka abang. Pag utos mo na lang ang kulang."
Ang batang Vlood. Naupo sya sa harap ko at nag salin ng wine sa kahita at sinimsim yon tyaka nag pandekwatro.

"Hindi ko inaasahang papatagalin mo pa ang plano, kung pwede namang ora mismo ay kumilos na tayo." Dagdag nya.

Napa isip ako, kung kailan nga ba ako mag sasagawa ng pag buo sa plano ko. Alam kong kating kati na rin itong gumanti sa pamilyang yon, ang kailangan lang nila ay ang hudyat ko.

Isinandal ko ang likod ko tyaka inirelax ang sarili ko at nag isip isip.

"Panahon na nga siguro para gawin ko ang plano, at sa mga oras na ito gusto kong gawin nyo ang plano." Mala dimonyong sambit ko, tyaka ako ngumiti na para bang nakamit ko na ang tagupay sa sarili kong mga kamay.

"Bukas na bukas ay nais kong isagawa nyo na ang plano, planong mabusisi nating pinag isipan at binuo. Nais kong mapag tagumpayan nyo ito ng maayus at naaayun sa sariling plano."

Ngumiti si Vlood at tyaka ako tinignan ng may galak. At agad muling isinimsim ang kahitang hawak nya.

"Ihanda ang mga tauhan. Bukas na bukas ay may plano tayong isa kakatuparan." Utos nya sa mga tauhan na ngayon ay naka harap sa kanya.

"Masusunod."
Sambit ng mga tauhan ko tyaka sila kumilos at lumabas ng opisina ko.

"Sinisiguro ko sayo ang tagumpay, at ang bagay na yon ang ipag diriwang natin bago lumubog ang sikat ng araw bukas ng umaga." Sinasabi nya yan habang ang mga mata ay nanlilisik sa hawak na kahita ng alak. Tyaka sya ngumiti na para bang may pinaplanong binubuo sa sariling isipan.

Hindi ko inaasahang mananatili pa syang kasama ko, matapos ng lahat ng nangyari noon.

Matatawag syang isang tanga sa isip ko, bagay na alam kong ako lang mismo nakakaalam non. Ang lahat ay nasa plano at tanging ako lang ang nag iisang hanggal sa pag kakataong ito.

Hanggad kong maisa katuparan ang plano ko, at kapag nangyari yon. Ako na lang mismo ang matitirang nakatayo, at ang lahat ng kasama ko sa planong ito ay mag lalaho sa isang kumpas lamang ng kamay ko.

Hindi ko kailangan ng taong ginamit ko na nga, at sa huli ay ako rin ang ilalaglag matapos ang lahat. Alam ko ang bawat liko at saliw ng bituka ng kaharap. Matalino sya pero mag maagap ako.  

  Sa ngayon ay kailangan ko muna sya at ang mga tauhan nya. Pero pag natapos na ang lahat, ako na mismo ang tatapos sa pag hihirap nila.Hanggang sa muli nating pag kikita. Pamilya Clemente. Hanggad kong magustuhan nyo ang paunang regalong ihahandog ko.  

***

 Maxine's POV:

KASALUKUYANG nasa salas kaming lahat at tahimik na nanonood ng palabas sa Tv. Nang may kung anong tunog ang nag mumula sa pinto, dahilan para sabay sabay kaming mapalingon.

"Ako na." Prisinta ni Trixie.

Kaagad syang tumayo at tinungo ang pinto. Hindi ko na naman sya sinundan pa ng tingin sa halip ay itinuon ko na lang uli ang paningin sa pinapanood.Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit nahilig sila sa ganyang klase ng palabas.

The LEGENDARY DARK BUTTERFLY (COMPLETED But NOT ALREADY EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon