Apatnapu't Siyam

1.4K 40 0
                                    

[Trish's POV]




Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sakanya.




Nasa labas kami ng convenience store ngayon at nakaupo sa bakanteng table. Si Clyde naman ay nandun sa isang bakanteng table at kumakain ng ice cream. Ayaw niya kasing makagulo sa pag-uusap namin ng kakambal ko, kung siya nga ito.




Inintay namin siyang matapos ang shift. Buti na nga lang at 10 mins nalang pala ay end na ng shift niya kaya di kami nag-intay ng matagal ni Clyde.




"Trixie." pagtawag ko sakanya




"Sorry po, pero hindi po Trixie ang pangalan ko. Angel po ang pangalan ko. Angel Carmina Gamboa po ang buong pangalan ko. Sino po ba kayo? At bakit kamukang kamuka kita?" naguguluhang tanong niya sakin




"Tri--- Ay, Angel, hindi ko rin kasi alam eh. Hindi ko sigurado kung kapatid nga ba kita, kung ikaw ba ang nawawala kong kakambal or kung kamuka lang ba talaga kita. Pero sabi sakin ni mama, meron nga raw akong nawawalang kakambal. Nawala yung kakambal ko nung nagkaroon ng malakas na bagyo sa lugar natin noon. Hinanap ka nila pero ang sabi nila ay patay ka na raw. Ngayon ko lang nalaman na may kakambal ako kasi ngayon lang nabring up sa bahay ulit. Hinanap ka nila mama ng matagal na panahon, nawalan na ng time sila mama sakin, pero naisip ni mama na kailangan namin ni Kuya ng pag-aalaga niya kaya di na niya tinuloy ang paghahanap lalo na't ang sabi sakanya ay patay ka na raw."




"Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng ito o nananaginip lang ako." sabi niya naman sakin




"Sumama ka sakin sa bahay, kailangan ka makita ni mama. Nung nalaman niyang may nakita akong kamukang kamuka ko nabuhayan siya ng loob na baka ikaw nga iyong kakambal ko."




"Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi ko inexpect sa buong buhay ko na buhay pa pala ang pamilya ko, kung kayo nga talaga yun."




****



"Ma." pagtawag ko sakanya




"Ano anak? Nakita mo ba ulit yung babaeng tinutu----" naputol ang sasabihin ni mama ng makita niyang kasama ko si Angel.




"Tri...trixie." naiiyak na sambit ni mama atsaka tumakbo papalapit kay angel at niyakap ito.




Muka namang nanigas sa kinatatayuan niya si Angel.




"Ka..kayo po ba talaga ang mama ko?" naiiyak na tanong niya kay mama




"Oo, kahit di pa tayo nagpapaDNA ramdam kong ikaw talaga ang anak ko. Ikaw si Trixie."




Pagkatapos nilang magyakapan ay umupo kami sa may sala. Si Clyde, umuwi na pala siya pagkatapos niya kaming ihatid ni Angel.




"Kamusta ka? Sino ang mga nagpalaki sayo?" tanong ni mama sakanya




"Lumaki po ako sa kinilala kong tito. Mabait po si tito pero yung asawa niya sobrang sama. Isama niyo na po yung masama nilang anak ni tito. Nung nabubuhay si tito, walang problema, hindi nila ako makanti or kung ano man dahil nagagalit sakanila si tito pero nung namatay si tito lahat po ng pahirap ay naranasan ko." nag-umpisang tumulo ang luha sa mata niya




"Anong ginawa nila sayo?" tanong ni mama sakanya




"Pinipilit nila akong huminto sa pag-aaral. Pero hindi ko magawa dahil mahal ko ang pag-aaral. Tandang tanda ko pa po na muntik na talaga akong mapahinto sa pag-aaral noon at dun ko rin nalaman na di ko talaga sila kamag-anak na napulot lang daw ako ni tito pagkatapos ng malakas na bagyo sa lugar namin. Pero kahit ganun po ay pinilit kong makapag-aral. Umalis ako sa bahay nila tita atsaka naghanap ng matatrabahuhan kahit maliit na sweldo lang, ang mahalaga ay may pampaaral at may matirhan. Nakapagtapos po ako ng highschool ng may honor at dahil na rin sa sikap ko. At ngayon po incoming third yr na po ako, mass communication po ang aking kinuha."




Nakita ko naman na pumatak ang luha sa mata ni mama at hinawakan niya ang kamay ni Angel.




"Pasensya ka na, anak. Hindi na kita hinanap. Sinukuan na kitang hanapin, kaya iyan at nagkaganyan ang buhay mo. Pero ngayon, hindi ako papayag na mawala ka pa. Simula bukas gusto kong dito ka na tumira samin at sa darating na pasukan ay sasama ka kay Trisha sa bahay nilang magkakaibigan." nakangiting sambit ni Mama sakanya. Masaya rin naman ako na nakita ko ulit siya na para bang may other half agad ako.




"Pero po, di pa po kayo sigurado kung ako talaga ang anak niyo." naiiyak na sambit niya




"Kung yan lang din ang pinoproblema mo ay sige, bukas na bukas din ay magpapaDNA test tayo."




***



Lumipas ang isang linggo na saamin tumitira si Angel. Mabait siya at nakakasundo ko siya sa mga bagay bagay.




Madalas niya ring ayusin ang buhok ko dahil mahilig daw siya magbraid ng mga buhok.




Ang alam ko ngayon ipapadala ang resulta ng DNA test.




Gusto kong 99% ang lumabas. Gusto kong magmatch siya samin, na kapatid ko talaga siya at anak talaga siya ni mama.




Simula nung nakita ko siya at tumira siya sa bahay parang may instant bestfriend agad ako. At parang connected kami.




Nasa kwarto ko kami ngayon. Tabi kami matulog simula nung dumating siya rito. Actually, di ko pa pala to nasasabi sa mga kaibigan ko.




"Ngayon na pala lalabas ang resulta ng DNA diba?" tanong niya sakin habang nakahiga kami sa kama




"Oo, kinakabahan ka ba?"




"Medyo. Baka kasi mamaya nag-assume lang akong kayo ang pamilya ko."




"Ano ka ba! Oo naman, kami talaga ang pamilya mo. Magkamukang magkamuka tayo oh! Hindi nila maipagkakaila na kapatid talaga kita."




Natawa naman siya pero alam kong medyo kinakabahan parin siya.




Niyakap ko naman siya atsaka ko siya kiniliti.




Pagkatapos naming magharutan ay umupo kami sa kama.




"Mabait ba ang mga kaibigan mo?" tanong niya sakin




"Oo naman. Bakit mo naman naitanong?" tanong ko sakanya




"Wala, baka kasi mamaya di nila ako magustuhan kasi di naman ako original na kaibigan."




"Di sila ganun. Basta mahal ng isa samin, mahal namin." nakangiti kong sambit




"Ang totoo kasi niyan, wala akong kaibigan. Mayaman kasi ang tito ko kaya ayun at napag-aaral ako sa private school. Pero nung nagstart na lumipat ako ng public at nalaman yun ng mga kaibigan ko sa dati kong school ayaw na nila makipag-usap sakin. Di pala nila ako kaibigan dahil ako si Angel, kaibigan lang pala nila ako dahil may pera ako nung mga panahon na iyon." sabi niya naman




"Wag ka mag-alala, di ganun mga kaibigan ko. Sila, may pera o wala ka kaibigan ka nila." nakangiting sabi ko naman sakaniya




"Nakakaexcite naman makilala ang mga kaibigan mo."




Magsasalita na sana ako ng bigla kaming tawagin ni mama.




"Angel, Trisha, bumaba kayo. Nandito na ang resulta."




Napabalikwas kami sa kama at nagmadali kaming bumaba.




"Ano pong sabi mama? Si Angel ba si Trixie?" tanong ko kay mama. Kinakabahan ako sa resulta ng DNA.




Napansin ko rin na kinakabahan talaga si Angel.




"Ano pong result?" kinakabahang tanong ni Angel




Binigay ni mama ang papel samin.




"Match." nakangiting sambit ko




"Angel, ikaw nga si Trixie. Ikaw ang nawawala kong anak." nakangiting sambit ni mama atsaka siya niyakap




-------

The Clash 2: Stay Or Let Go?Where stories live. Discover now