Dalawampu't isa

2.1K 59 3
                                    

[Laureen's POV]




Napatingin ako sa mga nakapaskil na exchange student ng college namin.




Lahat ng may mataas na grades at umabot sa required grade para maging exchange student ay magpapatuloy ng pag-aaral sa New York.




"Congrats, Laureen!" sigaw ni Karyll sakin, isa sa mga blockmates ko.




Nakuha ako sa mga exchange student. Magpupunta ako ng new york.





Masaya ako kasi syempre, ibang experience ang makukuha ko dun pagdating sa course ko. Pero naalala ko si Keith, di pa kami bati, tapos okay lang ba sakanya na umalis ako?




"Bat parang di ka masaya?" usisa ni Karyll sakin




"Masaya naman ako. May naisip lang ako." sagot ko naman sakanya




Napatingin naman ako sa phone ko ng magring ito.




Tumatawag si Trish.




[Omg, Laureen! Congrats. Balita ko, exchange student ka raw!] sigaw niya sa kabilang linya




"Thank you, Trish. By the way, alam na ba ni Keith?" tanong ko sakanya




[Oo, alam na niya. Siya nga nagbalita sakin with sad face.]




"Anong sabi niya?" tanong ko




[Malungkot siya. Di pa nga raw kayo bati tapos aalis ka raw.]




"Di pa naman ako aalis. Ang oa niya. Edi makipagbati siya sakin."




[Ay, ewan ko sainyo. Oh basta, congrats!]




Pagkatapos ng konting chikahan namin sa phone ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa.




Shocks, exchange student ako. Naeexcite talaga ako pag naiisip ko ang buhay ko sa new york. Pero ano? Di na ba talaga ako kakausapin ni Keith kahit alam niyang aalis ako?




Naglakad ako palayo mula sa bulletin board kung saan nakapaskil ang pangalan ko. Pupunta nalang siguro ako sa garden at magpapahangin.




Pagdating ko sa may garden ay umupo ako sa isang bench at ipinikit ang mga mata ko. Dinadama ko lang ang hangin sa katawan ko.




"Aalis ka ba talaga?" napamulat ang mata ko ng marinig ko ang nagsalitang yan. Kahit di ko pa nakikita ay kilala ko na agad.




"Keith." pabulong na sambit ko sa pangalan niya.




Umupo siya sa tabi ko.




"Yung nangyari satin last week, yung pagsigaw ko sayo. I'm sorry. I am really sorry, hindi ko naman gusto na masaktan ka. And believe me, walang samin ni Bianca and I don't like her. Ikaw lang ang mahal ko, Laureen. Bat ko sasayangin ang mga taon na kasama kita diba? You are my happiness." hinaplos niya ang muka ko pagkatapos niyang sabihin iyan.




Hindi ko namalayan na may pumatak na luha mula sa mata ko.




"I'm also sorry." sagot ko naman habang humihikbi




"Wag ka na umiyak." sabi niya naman tsaka pinunasan ang mga luha ko.




Hinila niya ako papunta sakanya para mayakap niya. I miss him.




"Aalis ka ba talaga?" tanong niya ulit sakin




"Gusto ko sana. Pero kung---" pinutol niya agad ang sasabihin ko




"Umalis ka kung yun ang gusto mo. It's your dream, follow it. I can wait for you, Laureen. At iintayin kita kahit gano pa katagal." nakangiting sambit niya naman sakin




"Thank you, Keith!" napasigaw tuloy ako dahil sa sinabi niya




Gusto ko naman kasi talagang pumunta. Gustong gusto ko, pero kung ayaw ni Keith edi ayaw ko na rin. Kaya lang syempre nandun yung regrets kung sakaling humindi talaga siya sa opportunity na yun.




***




"So final na talaga ano? Aalis ka talaga next month?" tanong ni Clyde sakin




"Oo, wag kayo mag-alala. Lagi ko kayong kakamustahin." nakangiting sambit ko naman




"Dapat talagang lagi mo kaming kamustahin." pagkukumento naman ng lalaki rito sa tabi ko. Sino pa ba? Edi si Keith.




"Mamimiss ka kasi niyan, Laureen kaya ganyan siya haha." natatawang sambit ni Jace




"Malamang mamimiss ko siya. Sinong matinong boyfriend ang hindi makakamiss sa girlfriend niya." sagot naman ni Keith. Oo na, kinikilig na ako!




"Pero maiba nga. Ilang taon ka dun?" tanong naman ni Leigh sakin




"3 years or 4 yrs. I don't know pa." sagot ko naman




"Ang tagal. Ayokong maimagine na ganun ka katagal dun." kumento ulit nitong si Keith




"Mabilis lang naman ang mga taon at panahon. Magugulat ka nalang nandito na ulit ako sa Pilipinas."




"Whoooh! Bawal landian dito!" pang-aasar ni Jace sabay bato ng isang pirasong popcorn kay Keith.




"Wag niyo na asarin si Keith." pag-awat ko naman sakanila




Kumain nalang ulit kami ng mga snacks na binili namin habang nagkekwentuhan sa may sala. Pagkatapos nun ay lumabas muna ako saglit sa may garden ng bahay.




Umupo ako sa isang bench na nandun at pumikit. Naramdaman ko naman na may umupo rin sa tabi ko at syempre alam ko na kung sino. Edi si Keith.




Hinawakan niya ang kamay ko.




"Mamimiss talaga kita. Iniisip ko palang nalulungkot na ako."




"Wag mo kasi isipin na matagal. Tsaka mahaba pa ang panahon na magkakasama tayo bago ako umalis. Wag kang futuristic."




"Babalik ka ah. You have to go back for me. Iintayin kita."




"Omg, Keith. Malamang babalik ako. And di ako magsestay dun for good. Kung magstay man ako dun for good, kasama ka na at ang magiging mga anak natin."




"Oh! Promise yan ah! Sinabi mo yan!" sigaw niya naman habang tumatawa




"Oo nga! Ikaw ang mag-ayos dito. I still have eyes here sa pinas para mabantayan ka."




"Yes maam. I won't hurt you! I love you so much!" sambit niya sabay yakap sakin




"Alam mo, ang sweet mo! Sana pala dati pa ako umalis, ano." natatawang sambit ko




Nagpout naman siya bigla kaya ako natawa.




"Pag nakauwi ka na rito sa Pilipinas, papakasalan kita. Magpopropose ako at papakasalan kita. That's a promise that I'll keep."




"You're really a futuristic one. O sige sige, aasa ako riyan sa mga sinasabi mo."




"I love you, Laureen. And I want you to be mine, forever. Kahit na sinasabi nila na walang forever."




------

The Clash 2: Stay Or Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon