Limampu

1.6K 51 12
                                    

[Leigh's POV]




One month na rin ang lumipas simula nung makilala namin ang kakambal ni Trish. Syempre nagulat lahat kasi di naman namin ineexpect na may kakambal siya. Pero nakakatuwa lang na mabait yung kakambal niya. Sobra.




Gusto na nga rin sana siya mameet ni Laureen pero di pa pwede. Kasi nga andun pa siya sa new york. Plus! Ayaw niya rin umuwi pa kahit na nakabakasyon pa rin sila kasi iniiwasan niya nga si Keith.




Speaking of Keith, nakikita pa rin naman namin siya pero parang bumalik kami nung 4th yr highschool. The same cold Keith na nakilala namin.




Ni ayaw niya rin puntahan o makita si Yoona at ang anak nito rito. Ewan ko ba rito anong tumatakbo sa utak niya. Ayaw din naman na magkwento samin masyado.




"Kamusta na pala tropa mo?" tanong ko kay Jace




"Ayun, ganun pa rin siya. Walang pagbabago. Hindi pa rin masyadong nagkekwento. Chinachat niya si Laureen pero mukang blinock ata siya ni Laureen lately?" pagkekwento naman ni Jace




"Hays, i guess this is a hopeless case. Syempre nasaktan ng sobra si Laureen. Kahit na di ginusto ni Keith yun, parang ang dating sakanya ay niloko siya ni Keith. At masakit na yung boyfriend mo ay magkakaroon ng anak sa iba." sabi ko naman




"Kaya lang, sana bigyan pa rin ni Laureen ng chance si Keith. Halos mabaliw na tong kaibigan ko. Sobrang mahal niya si Laureen. Minsan nga papasok sana ako sa kwarto niya kasi dinalaw ko pero di ako tumuloy kasi narinig kong umiiyak."




"Wah. Ganun kamahal ni Keith si Laureen? Hay nako, ewan ko ba rito sa kaibigan ko. Kinausap na namin yan pero mukang walang makakapagpabago ng isip niya."




"Let's give her some time. Baka yun ang kailangan niya." nakangiting sambit niya naman




"Pero ano? Kamusta naman si Yoona at ang baby?" tanong ko sakanya




"Ayun, okay naman. Ako minsan ang sumasama sa check up niya kasi nga ayaw siya samahan ni Keith."




"Samahan nalang din kita pag nagpacheck up siya ulit." sabi ko naman




"Bukas check-up ni Yoona."




"Okay, I'll come with you."




****



"Please sit down." sabi ng doctor samin pagpasok namin sa clinic niya.




"Ay teka lang mag-CR lang ako." pagpapaalam ni Yuna samin.




"Okay, go ahead." sabi naman ni doctora




"Kamusta naman po ang baby?" tanong ko sakanya




"The baby's healthy. Walang problema sa pagbubuntis ni Yuna. Di rin maselan ang pagbubuntis niya kaya there's nothing to worry about." nakangiting sambit ni doctora




"Eh doctora, may mga body parts na ba siya?" tanong naman ni Jace




"Oo naman, nagsastart na siya magdevelop ng mga body parts lalo na't magthree months na ang bata sa tiyan ni Yuna."




"Magthree months?" gulat na tanong naming dalawa ni Jace




"Oo, hindi niyo ba alam?" tanong samin ni doctora




The Clash 2: Stay Or Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon