Labing Pito

2K 70 1
                                    

Hi guys! Gusto ko lang pala sabihin sainyo na syempre kela Jace and Leigh muna nakafocus ang mga pangyayari, tho may mga konting singit ng ibang parts.




-----




[Leigh's POV]




"San mo gusto pumunta?" tanong ni Kyle sakin




"Wala." walang ganang sagot ko sakanya




Nasa may parking kami ngayon. At sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay kasama ko nanaman si Kyle. Kasama ko siya, hindi dahil sa gusto ko, kung hindi dahil sa pinilit niya ako.




He's a stubborn guy.




Minsan, inisip ko na sana di nalang kami nagkakilalang dalawa. Na sana hindi nalang siya dumaan sa buhay ko at si Jace nalang sana ang una. Pero what's done can't be undone anymore.




Kaya ito ako, I'm enduring the pain all by myself.




"Kyle, gusto ko nalang umuwi. Pwede ba yon?" tanong ko sakanya




"Sure, kung yan ang gusto mo. You know that I'll do anything for you, right?" sagot niya naman




"Kung ganun, kung sabihin ko bang bitawan mo na ako, gagawin mo?" tanong ko naman sakanya. Please naman! Bitawan mo na ako, Kyle.




"No. Bat ko gagawin yan? Yan lang ang gusto mo na hindi ko pagbibigyan."




"Kyle, stop being selfish. Stop it." sambit ko




"Kinukuha ko lang kung ano ang sakin, Leigh."




"Whoah. Hindi ako bagay na pagmamay-ari ng kahit sino. You don't own me, Kyle. So stop saying those kind of things."




"I don't know what to do anymore, Leigh. I just want you to love me again."




"Dahil sa ginagawa mo, hindi kita minamahal, mas kinasusuklaman pa kita." sagot ko naman sakanya




"I'll drive you home." pag-iiba niya sa topic




****




Birthday ngayon ni Ate Gee, so we decided to have a mini party para sakanya sa bahay nila. With the help of kuya Adam, we can now surprise her.




Habang nasa trabaho siya ay nandito na kami sa bahay nila at inaayos ang surprise.




Inatasan nila ako na magluto ng pagkain habang sila ang nag-aayos sa labas.




Hinihiwa ko ang mga sibuyas ng mahiwa ko ang daliri ko.




"Ahh. Aray."




Nagulat naman ako ng biglang may kumuha ng kamay ko at itinapat sa faucet. Pinaagusan lang namin ng tunig ang sugat.




"Mag-ingat ka kasi." sambit niya




Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Sobrang bilis. Para akong teenager na pinansin ng crush niya, pagkatapos ng mahabang panahon!




"Sige, magluluto na ako." sagot ko naman sakanya atsaka hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya




Bumalik na rin naman siya sa original na ginagawa niya.




I miss this guy, really.




Nang matapos ako sa pagluluto ay lumabas na ako sa kusina. Nakita ko naman na naglolobo pa rin sila ng mga balloons. Ang dami kasing balloons na binili. Gusto kasi nila punuin yung bahay ng balloons.




The Clash 2: Stay Or Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon