Tatlumpu't Dalawa

1.7K 50 4
                                    

Pasensya na. Napaublish ko pala ang chapter na to nang hindi kumpleto. Kaya ito na at ipapublish ko ulit. This time kumpleto na.


****



[Dexter's POV]




Napahawak ako sa dibdib ko atsaka naghabol ng hininga.





"Anak, okay ka lang ba?" dinig kong tanong ni Daddy sakin




"D...dad." yan ang huling nasabi ko bago ako mawalan ng malay




Nagising nalang ako na ang bumungad sakin ay ang puting kisame at may nakatusok na sa aking kamay.




Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Dad na nakaupo dun.




"Dad." pagtawag ko sakanya




Napatayo naman siya atsaka lumapit sakin.




"Okay ka na ba? What happened? Pinaundergo kita sa mga test. Natakot na kasi ako, lagi nalang nangyayari sayo yan."




"Dad, tinawagan mo ba si Fiona?" tanong ko sakanya




"Hindi anak. Gusto mo bang tawagan ko?" tanong niya




"Wag dad. Wag mo siya tawagan. Ayokong mag-alala siya. At kung ano man ang lumabas na resulta sa mga tests, sabihin mo po saakin iyon. Pero itago natin kay Fiona ang totoo."




"Pero anak."




"Alam kong may sakit ako, dad. Nauna na akong nagpacheck up sa sarili ko and alam kong may sakit ako sa puso. I need a transplant, dad. Humihina na ang puso ko. Pero, wag mo sasabihin ito kay Fiona dahil magpapatransplant ako at gagaling din ako. Ayokong mag-alala siya."




Oo, alam ko na bago pa ako mahimatay ng mga panahon na yun. Alam ko na na meron akong sakit sa puso.




Ang sabi ng doctor ay mahina na raw ang puso ko and I need a transplant. Pero, wala pang donor. Kaya di pa rin ako naiseschedule para sa operation.




Sa ngayon, ako palang at si Dad ang nakakaalam ng sakit ko. At wala na akong balak na malaman pa to ni Fiona. Alam kong iiyak siya at ibibigay niya ang oras niya sakin para alagaan at protektahan ako at ayaw ko mangyari yun. Ayaw ko talaga.




Ako ang dapat na mag-alaga at magprotekta sakanya. Hindi siya.




Noong panahon na sinundo ko siya at sumikip bigla ang dibdib ko. Nakita ko kung pano siya natakot at nag-alala kaya kahit nahihirapan ako nun ay pinilit kong tumawa at sabihing joke lang iyon.




One month na rin ang lumipas simula ng nalaman ko. At hanggang ngayon nagtatalo pa rin ang puso at isio ko kung sasabihin ko pa ba kay Fiona o hindi na.




Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.




"Pre, ano to?" itinaas ni Jace ang hawak niyang papel.




Nagulat naman ako ng makita ang papel na hawak niya. Yun ang resulta ng test na ginawa sakin. Inilagay din dun ang sakit ko.




"Saan mo nakuha yan?" tanong ko sakanya




"Nasa sala niyo. Aksidente lang namin na nakita nila Keith dahil natabig ni Clyde kaya pinulot namin at ito nga ang nabasa namin. Kaya ano to?" tanong ni Jace sakin ulit




The Clash 2: Stay Or Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon