"Pagkain?"




"Oo di ba sabi mo mamamatay ako sa sarap?"




"Ay tanga!"




"Makatanga ka naman diyan!" sigaw ko, naglakad ulit siya palapit sakin, umatras naman ulit ako hanggang sa tumama ang mga hita ko sa malambot na kama niya.

Tinignan ko naman ang likod ko, ang sarap sigurong humiga diyan.




Tumingin ulit ako sakanya kaso bago ko pa siya malingon nang husto may nagtulak sa dibdib ko kaya naglanding ako sa kama niya, nagbounce bounce pa haha.




Pero bago pa ulit ako makaupo dumagan siya sakin  umupo siya sa may tyan ko, at remind ko lang po nakaundies pa rin siya.




OH MY GOD ULIT!!!!




"A-alis nga diyan ang bigat mo ugh" sabi ko habang sinusubukan kong tanggalin siya sa tyan ko.




"Shut up or else!" ayan nagbanta na naman. "So start explaining" seryosong tono niya.




"Ha? Ano naman ipapaliwanag ko?"




"Bakit ka nakikipaglandian at sa harapan ko pa mismo!, ano yun?! Kung hindi pa ako nagingay talagang maghahalikan kayo sa harapan ko pati sa lahat ng tao doon?! Ha?!"




"Uiii hindi ako malandi, sinunod ko lang kung ano ang iniutos niya"




"Ah so pag sinabi niyang magpakamatay ka magpapakamatay ka ganun?!".




"Syempre hindi noh, ibang usapan na yan, at tsaka ano bang pakialam mo kung makipaghalikan o makipaglandian man ako sa iba, ano kita girlfriend para ganyan na lang ang inaasta mo"




"Girlfriend? Kung hindi ka lang sana tanga at manhid baka ngayon oo!" luh!




"Ano to?! Magsisimula ka na naman?! Alam mo umalis ka na jan sa tyan ko at uuwi nalang ako, dahil hinding hindi na ulit ako magpapaloko sayo! Hindi mo na ako mauuto sa mga pakitang taong pinaggagagawa mo, at higit sa lahat hinding hindi mo na mapaglalaruan ulit ang nararamdaman ko katulad nang ginawa mo nung gabing yun!" Tinutulak ko siya pagilid pero ayaw talaga, ang kapit naman neto.




"Hindi kita pinaglololoko tanga ka lang talaga!" Sigaw niya sabay kuha nang dalawang kamay ko at ipinin sa tabi ng ulo ko "hindi kita niloloko Deni minsan kasi wag ka na lang basta magaassume ng mga bagay bagay na wala namang katotohanan, I love you and it's real, nasaktan ako nung gabing yun dahil hindi ka man lang nagreact sa confession ko, akala ko tuloy hindi mo nagustuhan ang mga sinabi ko,,,, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA KAHIT NA ANG SLOW SLOW MO AT ANG MANHID MANHID MO" binitawan na niya ang mga kamay ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi "kahit na ipakita ko pa ngayon na totoong mahal kita" pagkatapos niyang sabihin yun ay umayos siya nang upo sa tyan ko at parang may inaabot sa likod niya.





Nanlaki naman ulit ang mga mata ko nang mapagtanto kong tinanggal niya pala ang pagkakahook ng bra niya.




OH EM GEE!!!



Bumilis ang paghinga ko at ang huli kong nakita ay ang pagbaba ng suot niyang bra.




Nagdilim ang paningin ko at ayun nga nahimatay ako dahil sa sobrang nerbyos.





Lintik!
.
.
.
.
.

"Hmmm" ungol ko, iminulat ko dahan dahan ang mga mata ko,nararamdaman kung may humahaplos nang maingat sa pisngi ko,




I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Where stories live. Discover now