"Ano nanaman ba tong pinasok mo?" Tanong ni Ashley.

"Sila kaya tong lumapit sakin. Tahimik nga lang akong kumakain dito tapos dumating sila para sabihin na kasama ako sa White Piece."

"Tapos anong sabi mo?" tanong ni Nikki.

"Sabi ko Ayoko." sagot ko naman.

"Eh bakit narinig namin na pumayag ka daw?" sabi ni Krema.

"Krema kasi ganito yun.. Yung mga hinayupak na yun kinuha ang... ang." lagot na. Di ko kayang sabihin kung anong kinuha nila. Pano kung sabihin nilang orasan lang naman yun at pwede naman akong bumili ng bago? Anong sasabihin ko? Na bigay yun ng isang taong di ko alam kung san nanggaling at hanggang ngayon hindi ko pa rin mafigure out kung para saan ba talaga yun tapos kinuha pa nila. =.=

"Ang ano?" tanong pa ni Kayle.

"Basta may kinuha sila sakin!" Sabi ko nalang. "Nga pala, Anong gagawin ng ano daw yun? White Piece? Hindi naman tama na ako lang mag-isa kalaban ko buong grupo nila!" sabi ko.

"Gaga. Maghahanap ka ng kasama mo! Siguraduhin mong yung makakatulong sa'yo." sabi ni Ashley. Napakamot naman ako ng ulo.

"Pano ba yan meron nakong makakasama." sabi ko.

"SINO?!" sabay sabay na sabi nila.

"Ikaw, Ikaw, Ikaw, Ikaw, Ikaw." nakangiting sabi ko habang itinuturo ko sila isa isa. "Kayo."

"KAMI?!" Sabay pa rin na sabi niya sabay turo sa mga sarili nila. Tumango-tango ako bilang sagot.

"Seryoso ka?!" sabi ni Ashley.

"Di nga?!" sabi naman ni Kayle.

"Bakit kami?" sabi ni Ella.

"Ayos ka lang?!" sabi naman ni Nikki.

"Nakain mo?" sabi ni Krema. Lahat kami napatingin kay Krema, sa kanila kasi sya lang ang naiibang reaksyon.

"What? Ikinakagulat pa ba yun sa kanya?" depensa niya sa sarili niya ng mapansing nakatingin kami sa kanya.

"Nga naman." sabi ni Nikki.

"Pero Ate Asper, Bakit hindi ka man lang humanap ng iba pang makakasama mo?" tanong ni Ella. "Pano kung magiging pabigat lang ako?" mahinang sabi niya.

"Nababaliw ka na ba Asper? Sa tingin mo tatagal kaya kami sa laban? Kapag sila ang kaharap? Nakuuuuu!" angal pa ni Ashley.

"Tsaka alam naman nating malalakas ang mga yun diba?" sabi ni Kayle.

"Hindi yun. May tiwala naman ako sa inyo eh. Sigurado naman akong hindi niyo ako ipapahamak." sabi ko, nasamid naman si Kayle. Anyare?

"Bakit Kayle?" tanong ko.

"May kinain ka ba?" tanong ni Ashley.

"W-wala. Nasamid lang sa laway." sabi niya. Tumango naman ako.

"So as what i am saying. Kayong lima ay official White Piece member na." Nakangising sabi ko. Nalukot naman ang mga mukha nila.

"Ano pa bang magagawa namin?" sabi nalang ni Nikki.

"Pero Huy bruha! Lima kami plus ikaw. Anim lang tayo. Pano mo makokumpleto ang Walong officials kung aanim lang tayo?" tanong ni Ashley. Oo nga no?

"Si Clynn kaya." sabi ni Nikki.

"Oo nga no?" pagsang-ayon ni Ashley.

"Pero ang tanong, Papayag kaya yun?" sabi ko. Eh sa mukha niya kanina parang ayaw niya sa ideyang kakalabanin ko yung taga special class.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon