56👻

1K 42 9
                                    

Jisoo's POV

Pababa na kami ng hagdan nila Rose at Lisa kaso ay nakita ko si Kuya na may hawak hawak na bulaklak habang naka tayo lang.

Luh? Ano na namang trip ng isang 'to? Ang baduy ah! May pa flowers flowers pang nalalaman!

Medyo nag stay muna ako sa pwesto ko sa may hagdan para pag masdan si kuya kaso ay lalo akong naguluhan ng makita kong nabitawan niya yung bulaklak na hawak niya at saka tumalikod at tumakbo papalayo.

Sa sobrang gulo ng nakikita ko ngayon ay tumingin ako sa direksyon kung saan tumintingin kanina si Kuya.

Lalo akong naguluhan ng makita ko si Bea kasama yung pinsan ko at nag tatawanan pa sila.

Oh? Anong meron sakanila?

"Jisoo! Sasabay kaba!" Sigaw sakin ni Rose sa may baba. Saka ko lang napag tanto na naka baba na pala sila ng hagdan at hinihintay ako.

Minadali ko nalamg bumaba sa hagdan para mapuntahan ko na sila doon na nag hihintay saakin.

Napa tingin uli ako sa direksyon nila Kuya Jeb at nakita ko papaalis na sila ni Beatrice.

Teka.. Sila ba?

Ng makita ko sila na naka alis na ay pinuntahan ko agad sila Rose.

"Mauna na kayo sa canteen, susunod nalang ako." Sabi ko sakanila.

"Teka, akala ko ba magugutom kana?" Tanong saakin ni Lisa.

"Basta susunod nalang ako, okay?" Sabi ko sakanila bago ko sila pinilit na mag lakad na at wag na akong hintayin.

Ng maka layo na sila ay agad akong tumakbo papunta sa bulaklak na nahulog ni kuya kanina.

Kinuha ko iyon at inamoy.

"Mabango naman." Komento ko pa.

May napansin ako sulat doon kaya binasa ko agad.

Bea,

Sana magustuhan mo ang mga bulaklak na ito.. Ito ang mga bulaklak na pinili ko kasi magaganda ang mga kulay nito.. Kasing ganda mo..

-Jin

Medyo nanliit ang mata ko sa nabasa kong sulat.. What the hell?

Iisa lang din ang pumapasok sa isip ko ngayon pero hindi ko alam kung totoo ba..

Gusto niya si Bea?

***

Taehyung's POV

Nag uusap usap lang kami ngayon dahil lunch time na ng biglang sumulpot si Jin hyung.

Padabog siyang umupo sa tabi ni Jungkook at bigla nalang hinampas ng malakas yung table kaya natahimik kaming anim.

"Anong nangyare?" Pag babasag ni Yoongi hyung sa katahimikan na pumapagitan saamin.

Hindi nag salita si Jin hyung imbes ay lalo lang sumama ang tingin niya sa kawalan.

"Dahil ba kay Bea?" Tanong naman ni Namjoon hyung.

"Pucha!" Malakas na sigaw ni Jin hyung bago uli hinampas yung table kaya medyo nagulat si Jungkook na nasa tabi niya.

"Bakit sa dami dami pa ng tao na pwede kong kaagaw sakanya yung pinsan ko pa?!" Bigla niyang sigaw.

Nag katinginan kami dahil hindi namin matukoy kung sino ba ang kinakausap nitong si Jin hyung.

Pero teka..

"Si Jeb?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at hindi man lang tumingin saakin.

Napa tingin ako sa iba at tumango naman sila.. So si Jeb nga.

Yung kapatid ni Jennie..

"So.. Ano na balak mo hyung?" Tanong naman ni Jimin na nasa tabi ko.

"Hindi.. Ko alam.." Sisigaw sana si Hyung kaso ay bigla nalang siyang kumalma.

Ano bang nangyayare dito?

Matagal na naming kilala si Jeb dahil nga kuya siya ni Jennie at pinsan nito si Jin at Jisoo.. Naging kaibigan din naman namin siya dati kaso ay sumama na siya kay Robi.

Biglang tumayo si Jin hyung kaya napa tingin kami sakanya. Bigla nalang siyang tumalikod at nag lakad palayo.

"Anong problema nun?" Tanong ni Hoseok hyung habang pinag mamasdan namin siya na mag lakad papalayo hanggang sa mag laho na siya sa paningin namin.

Ngayon lang namin nakitang ganito si Jin hyung sa isang babae, alam naman naming seryoso siya sa mga taong mahal niya pero.. Nasobrahan ata kay Bea..

***

Jennie's POV

"Tapos ma, pag katapos naming mag group activity nag--"

Natigilan ako sa pag kukwento kay Mama ng marinig namin na bumukas yung pinto.

Pareho kaming napatingin doon ni mama at nakita namin si Kuya iyon.

Ibinaba niya muna yung bag niya sa may sofa bago siya pumunta dito sa kusina at dinaluhan kaming dalawa ni mama.

"Hi ma!" Bati niya kay mama at niyakap ito.

"Hi Jenjen!" Bati niya sakin at bahagyang ginulo yung buhok ko, habang ako ito gulong gulo sa inaasta niya.

Madalas kasi ang bati niya sakin ay 'oy liit!' o di kaya at 'oy kapatid kong nakulangan sa height' pero minsan ay 'oy' lang.

Pero ngayon JenJen? Di pa niya ako tinatawag ng ganun. Masaya ata ang araw ng isang 'to. Hmm. Maasar nga.

"Kuya may gagamba!" Sigaw ko sabaw turo sa may gawing buhok ko.

Tinignan niya lang ako.

"Grabe JenJen natakot ako wahh." Walang emosyon na sambit niya saakin.

Napa nguso ako at mahina namang natawa si mama.

"Masaya ata ang araw ng  kuya mo." Sabi ni mama bago nilapag ang isang pinggan na may kanin.

"Opo naman mama! Monthsary namin ni Mylabs eh, tapos nag date kami." Pag kukwento ni kuya kay mama habang nakangiti.

"Monthsary namin ni Mylabs." Pabulong na pag gagaya ko kay kuya tapos ay sumubo ng pag kain at umirap.

Mylabs dito, mylabs doon. Hays!

Ang baduy naman ng tawag niya sa girlfriend niya!

"Ay oo nga pala ma--" Mag kukwento na sana uli ako kaso ay biglang nag salita uli si kuya.

"Tapos ma, binigyan ko siya ng bulaklak." Pag mamayabang niya. Ngumisi pa siya sakin pero inirapan ko lang siya.

"Tss." Bulong ko pero mukhang narinig nila dahil napa tingin sila saakin.

"Tss, wala kasing jowa." Bulong ni Kuya.

"Mag kaka jowa din ako! Mas gwapo sayo!" Pang aasar ko.

"Walang mas gagwapo saakin! At sa tingin mo papayagan kitang mag jowa!" Singhal niya.

"Eh basta!" Sambit ko bago ako kumain nalang uli.

Hmp! Makikita niya mag kakajowa ako!

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon