35👻

1.1K 44 0
                                    

Jennie's POV

Nag simula na kaming mag lagay ng mga gamit namin sa likod ng sasakyan...

"Jin, pwede bang kumain muna tayo?" Tanong sakanya ni Lisa.

"Saan niyo bang gustong kumain?" Tanong saamin ni Jin.

"Okay na ako doon sa karinderya na kinainan natin kahapon.." Sabi ni Jisoo at sa tingin ko ay sumang ayon naman ang iba doon.

Sumakay na kaming lahat sa sasakayan at pumunta na sa karinderyang kina inan namin kahapon...

Nang maka rating kami doon ay umorder na agad kami ng pag kain dahil pag katapos nito ay babyahe na kami agad..

Malayo layo pa kasi yung byahe namin...

Nang maka tapos na akong kumain ay kumakain padin yung iba kaya nag pasya ako na tumingin tingin muna sa mga magagandang views na kalapit lang dito..

Hindi ko parin talaga alam kung ano tong lugar na 'to..

"Jennie!" May narinig akong tumawag sakin at nakita kong si Jisoo 'yon.

Nasa loob siya ng isang souvenir shop na katabi lang ng karinderyang kinainan namin.

Lumapit ako sakanya at may pinakita siya saking necklace na gawa sa iba't ibang bato.

"Ang ganda oh." Sabi niya.

Napa ngiti ako kasi ang ganda nga.

"May bracelet po ba kayo neto?" Tanong ko sa nag titinda at tinuro yung necklace na may iba't ibang bato.

"Gusto mo ba?" Napa tingin sa tabi ko at nakita si Taehyung na naka tingin sakin.

"Eto oh." Sabi nung tindera sabay abot ng isang bracelet kay Taehyung.

"Oy, tara na aalis na tayo." Sabi samin ni Lisa.

Napa tingin ako Taehyung na hawak parin yung bracelet.

"Sige okay lang.. Tara na." Sabi ko sakanya.

Binalik nalang niya yung bracelet sa tindera saka na kami umalis nila Jisoo doon at pumunta na sa may sasakyan.

Ganon parin naman kami sa loob ng van.. Maingay at kung ano-ano pa..

Pero sa bandang hapon na ay parang tumahimik dahil inaantok yung iba..

Napa tingin uli ako sa tabi ko at nakita ko si Taehyung na pumipikit pikit na. Parang tinitiiis lang niya yung antok niya.

"Tulog ka na." Sabi ko at sinenyasan siyang ipatong yung ulo niya sa balikat ko.

Nginitian niya ako pero halata doon yung pag kaantok niya.

Sa sobrang tahimik nung van dahil sa natutulog na yung iba ang inantok nadin ako...

Napa pikit nalang din ako at natulog na..

***

Nagising ako at feeling ko naka higa ako.

Agad akong napaupo at nalaman kong nasa kwarto na pala ako.

Nakita ko si mama sa may malapit sa bintana ng kwarto ko na nag kakape.

"Oh, gising kana pala." Sabi sakin ni mama.

"Ma, asan na sila?" Tanong ko.

"Sila? Ah yung mga kaibigan mo?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Naka tulog ka daw sa van tapos hinatid ka ni Taehyung dito." Sabi ni mama.

Napa tango nalang ako.

"Hmm, kamusta nga pala overnight niyo? Saan kayo pumunta?" Tanong saakin ni mama.

Napaisip ako bigla.

Umupo ako sa may kama at humarap sakanya.

"Nag camping kami ma, tapos umakyat kami sa... Hindi ko alam kung bundok ba talaga yun o ano.. Tapos nag picture pa kami.." Pag kukwento ko kay mama at kung ano ano pa.

Si mama naman ay naka ngiti lang na naka tingin sakin at nakikinig sa mga kwento ko.

May naaalala na naman ako..

Dati pag uwi ko galing sa school noong bata pa ako ay kinukwentuhan ko si mama habang kumakain ng luto niya..

Namiss ko na yung ganito..

Namiss ko na yung nag bobonding kami ni mama...

Ng maka alis na si mama sa kwarto ko ay sinabi niyang mag pahinga nalang daw muna ako..

At sulit sulitin ko nalang daw yung natitirang araw ng sembreak namin...

Hindi ko nga alam kung sembreak ba ang tawag doon kasi isang linggo lang naman kaming walang pasok..

Idagdag mo pa na pag pasok namin ay exam na...

Ng maka higa ako sa kama ay naramdaman kong nag vibrate yung phone ko.

Tinignan ko muna iyon bago sagutin...

Robi?

"Hello?" Bungad ko.

"Sabi sayo walang mawawala at mapapahamak sa mga kaibigan mo eh." Sabi niya sa kabilang linya...

Oo..

Tama siya.. Walang nawala, walang napahamak sa mga kaibigan ko.

"Paano mo nalaman lahat ng 'to?" Tanong ko agad sakanya kasi baka mamaya ay babaan na naman niya ako ng tawag.

"I told you, hindi pa ngayon ang tamang oras para malaman mo ang lahat... May tamang pahanon para diyan." Napairap ako sa sinabi niya.

At this time siya naman ang binabaan ko ng tawag.

Yeah right.

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Where stories live. Discover now