36💀

1.1K 55 4
                                    

Jennie's POV

Limang araw na simula nung camping namin at kung ano-ano pa na ginawa namin noong sembreak.

Napa buntong hininga ako bago ko uli chineck kung nasagutan ko ba lahat ng tanong sa test paper ko.

Alam mo yung feeling na nag kabisado ka hanggang madaling araw tapos puro essay lalabas sa exam.

Ang sakit diba? Tss.

Napa buntong hininga ako bago ako tumayo at pinasa yung test paper ko.

Kalahati palang sa klase namin ang tapos.

Hindi ko ka classmate si Lisa at Taehyung ngayon..

Uupo palang sana ako kaso ay..

"Lahat na ng tapos mag exam, you may take your break." Sabi nung teacher na nag babantay saamin.

Hindi nako naka upo at kinuha nalang yung bag ko saka ako dumiretsyo sa baba.

Pag karating ko sa canteen ay agad kong hinanap sila Jisoo pero mukhang hindi pa sila lumalabas ng classroom nila.

Hinanap ko si Lisa at Taehyung pero wala din.

Nakita ko si Jin, Namjoon at Yoongi na kumakain..

Pinuntahan ko nalang sila since sila din naman yung kasabay kong kumain..

"Hello.." Bati ko saka umupo.

"Musta exam?" Tanong ni Jin.

"Ewan ko.. Feeling ko madali pero parang babagsak ako." Sabi ko.

"Tss, hindi nga ko naka tulog eh." Sabi ni Yoongi sabay inom ng tubig.

"Okay lang yan.." Sabi sakin ni Namjoon.

Tss, matalino kasi..

Bigla namang sumulpot si Lisa, Jungkook at Hoseok na parang binaksakan ng langit at lupa.

"Oh, anong nangyare sa inyo?" Tanong ni Jin.

"Hindi kinaya nung ilong ko." Sabi ni Jungkook.

"Ansakit sa bangs." Sagot naman ni Lisa.

Biglang umupo si Taehyung sa tabi ko na ka darating lang pero naka pout.

"Bakit ganyan mukha mo Taehyung ko?" Tanong ko sakanya.

"Nahirapan ako sa exam, pero dahil dumaan ako sa classroom niyo kanina at nakita kita naganahan ako." Sabi niya pero naka pout padin siya.

Bigla namang dumating si Jisoo na may dala dalang libro. Nag mumukha na siyang zombie dahil ang gulo ng buhok niya at parang wala pa siyang tulog.

"Oy, natulog ka ba kagabi?" Tanong sakaniya ni Jin.

Hindi siya nag salita at naupo nalang tapos ay saka niya ipinatong yung ulo niya sa table.

Nag kibit balikat nalang kami saka kami kumain kasi may exam pa pag katapos ng lunch break.

Habang tahimik lang akong kumakain habang nag rereview ay napasin ko si Hoseok...

Tahimik lang siya at wala siyang imik simula ng dumating siya dito..

Napapansin ko rin na panay ang pag buntong hininga niya...

Naiilang ako kasi usually si Hoseok ang nag sisimula ng ingay namin pero ngayon tahimik lang siya...

Bahagya kong binangga si Taehyung sa tabi ko kaya napa tingin siya sakin.

Nginusuan ko si Hoseok kaya naman napatingin siya doon.

Akala ko magegets niya na pero naka kunot yung noo niya na humarap uli sakin.

Umirap ako bago lumapit sakanya at binulungan siya.

"Kausapin mo." Bulong ko.

Agad naman siyang napatango at tumingin uli kay Hoseok.

"Oh pare! Ba't ang tahimik natin ngayon?" Tanong sakanya ni Taehyung.

Hindi siya sumagot kaya napa tingin lahat sakanya.

Dapat ngayon palang nag salita na yan pag kinausap ni Taehyung pero ngayon hindi..

Bumuntong hininga uli siya.

"May problema ba bro?" Tanong sakanya ni Namjoon.

May kinuha siya sa bulsa niya at nakita namin na cellphone niya 'yon.

Binuksan niya yung cellphone niya at nilapag sa may table.

"Ayoko sanang madamay kayo... Pero may kailangan kayong makita.." Sabi niya.

Walang umimik ni isa saamin kaya inabot ko yung phone niya at tinignan 'yon..

Napa kunot yung noo ko sa nabasa ko..

Bahagyang lumapit sakin si Taehyung para makita din yung phone na hawak ko.

"This is not a lie... If you don't forward this... Then you will die?" Hindi siguradong basa ni Taehyung doon sa message.

"Sinong nag send sayo nito?" Tanong ko.

"Unknown number." Sagot naman niya.

"Patingin nga." Napa tingin ako kay Jin ng sabihin niya 'yon. Ibinigay ko naman kaagad para makita din nung iba.

"Chain mail na naman?" Inis na sabi ni Yoongi.

"Hindi lang 'to basta-basta chain mail. Dati noong naka kuha tayo ng ganitong klase ng message, eh may namatay." Sabi ni Lisa.

"Hindi... Hindi mo naman ifoforward samin yan diba?" Tanong ni Jisoo na mukhang inaantok pa.

Lahat kami napa tingin kay Hoseok.

Natahimik kaming lahat...

"Hoseok sumagot ka!" Sigaw ni Lisa.

Triny naman siyang pakalmahin ni Jungkook dahil parang nag titinginan na ang ibang estudyante saamin.

"Ano ba!"

"HINDI KO ALAM OKAY?! WALA AKONG MAINTINDIHAN! NAGUGULUHAN AKO!" Sigaw ni Hoseok saka niya kinuha yung phone niya kay Jin at umalis na.

"Hyung!" Sigaw ni Taehyung pero hindi na siya sumagot pa.

"Hoseok!" Sigaw ko den at tumayo na para sana sundan siya pero pinigilan nila ako.

"Jennie, wag mo na siyang sundan." Sabi ni Namjoon.

"Kailangan ko siyang sundan. Kailangan ko siyang kausapin." Sabi ko.

"Kahit naman iforward niya yon o hindi may mamamatay parin.." Natigilan kami sa sinabi ni Jin.

"Kung hindi niya ifoforward yon siya ang mamamatay!" Sigaw ko.

Ayoko.

Ayokong may mawala na naman ang isa sa amin.

"Jennie, kumalma ka muna." Sabi sakin ni Taehyung.

Kahit na napipilitan akong umupo ay kailangan kong kumalma kasi wala din namang mangyayare kung mag aaway away lang kami dito.

"Ako na ang pupunta sakanya." Napa tingin kami kay Yoongi na biglang tumayo at umalis na para sundan si Hoseok.

Ayokong mawala na naman ang isa sa amin...

Pero ayokong may madamag na ibang tao.

Naguguluhan na ako.




WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon