48👻

989 44 1
                                    

Lisa's POV

Tahimik kaming kumakain ngayong lunch. Kasama ko si Jennie, Jungkook at Namjoon.

Pero walang Taehyung, Jin o Jisoo.

Bukas pa daw sila papasok pero ewan ko lang kay Taehyung. At saka kanina pa tahimik 'tong si Jennie. Hindi ko naman mabasa kung ano yung nasa isip niya.

Nag away ba sila ni Taehyung? Napa tingin naman ako sa may gawing harapan ko kung asan yung dalawang lalake na kasama namin pero wala din silang imik.

Uhm.. Hindi ba nila na papansin yung awkwardness?

Nag isip ako ng sasabihin para naman matuon yung pansin nila sakin at hindi na maging awkward.

"Oo nga pala! Graduation na next week!" Sabi ko kaya nag tinginan sila sakin. Except kay Jennie kasi siguro alam naman na niya kasi siya mismo yung nag sabi saamin.

"Ahh, kaya pala nag picture yung buong klase namin kanina.. Nag tataka ako sabi nila grad. Pic daw." Sabi ni Namjoon.

"Ako den eh." Sabi naman ni Jungkook.

At dahil doon nag usap pa sila ng kung ano-ano kaya buti nalang wala na yung awkwardness sa side nila..

Tumingin uli ako kay Jennie pero naka yuko lang siya habang kumakain..

Teka.. Hindi pala siya kumakain..

Parang ginagalaw niya lang yung kutsara niya sa may plato.

Luh?

"Jennie." Tawag ko pero naka yuko parin siya.

"Jennie." Tawag ko uli at mahina siyang kinalabit kaya natauhan na siya.

"Alam kong may problema ka. Ano yon?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin.. Diretsyo sa mga mata ko at parang nag aalangan pa siya na sabihin..

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi Lisa ano.." Natigilan siya at parang nag hahanap ng salita na pwedeng sabihin saakin.

Napa buntong hininga siya. Kanina niya pa ginagawa 'yon tapos ay lumapit siya sakin at sa tingin ko kaya niya ginawa iyon dahil ayaw niyang marinig ng dalawa naming kasama yung pag uusapan namin.

"Pag uwi ko kasi kagabi.. Naligo ako tapos noon ay naka ramdam ako ng gutom kaya pumunta ako sa kusina.." Pag kukwento niya.

"Oh tapos?" Bulong ko.

"Habang busy akong kinuha yung kutsara para sa pagkain ko ay pag balik ko may nakita akong kutsilyo.." Kinakabahan niyang sabi.

Kahit naman ako kakabahan pag ganon.

"Kaya ayun pumanik nalang ako sa taas at nadaanan ko yung kwarto ni Kuya..." Lumapit pa siya sakin at may binulong.

"Nakabukas yung pinto niya pero nilolock naman namin 'yon." Bulong niya dahilan para lumayo ako sakanya dahil nadin sa gulat.

Pwede ba yon?

"Tapos dinala ko yung pagkain ko sa kwarto at bumalik doon tapos sinara 'yon.. Tapos ay pinag patuloy ko na yung pag kain ko pero may nag text saakin.. Bakit ko daw sinara yung pinto?" Taka niyang tanong sakin kaya nag tama yung mga kilay ko.

"Tinignan mo ba kung sino nag send noon?" Tanong ko sakanya.

Umiling lang siya.

"Walang number na naka lagay.. Unknown." Sabi niya.

"May balita ka na ba kung asan si Taehyung? Nag away ba kayo? Bakit wala siya dito?" Sunod sunod na tanong ko pag iiba nadin sa topic..

"Yun na nga.." Sabi niya at yumuko.

"Anong yun na nga?" Tanong ko sakanya..

"Nung nakita ko yung message na iyon napa tingin ako sa pinto ng kwarto ni kuya ng mag isa yung bumukas.. Lumapit ako sa pintuan ko at sinara nalang din yon kasi hindi ko na alam kung anong nang yayari..."

"Tapos tumawag sakin si Taehyung... Sabi niya bakit ko daw sinara yung pinto.." Malungkot na sabi niya.

Nagulat ako bigla. Pano naman malalaman ni Taehyung na sinara ni Jennie yung pinto niya.. Hindi kaya..

"Baka si Taehyung, yung nagessage sayo!" Gulat na sabi ko kaya napa taas ang tingin niya sakin.

"Imposible naman 'yon.. At saka bakit naman gagawin ni Taehyung 'yon diba?" Nag tataka niyang tanong.

Oo nga.. Pero hindi ko padin matanggal yung pag tataka ko kay Taehyung..

"Naka usap mo na ba siya?" Tanong ko.

Tumango naman siya.

"Nung isang araw na hinahanap ko siya.. Sinabi niya sakin na wag ko na daw siyang hanapin..." Makungkot na sabi niya kaya parang nalungkot nadin ako...

"Jennie, sa tingin ko kailangan mong puntahan si Taehyung.. Sa tingin ko kailangan mo siyang kausapin.." Sabi niya.

"B-bakit? May nakikita ka ba? May masama ba?" Tanong niya na para bang nag aalala.

"Oo."

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon