29👻

1.2K 49 12
                                    

Jennie's POV

Pag katapos mag discuss ng teacher namin ay inannounce niya na mag sesembreak na.

Pero pag katapos ng sembreak at pag pasok uli namin ay mag eexam na kami para sa finals.

Pagkatapos kasi ng finals ay graduation na namin..

Ng mag pa dismiss yung teacher namin ay tumayo na ko at nag ayos ng gamit ko.

Pag kalabas ko ay tinginan agad ang iba sa mga estudyante saakin.

Kumalat na kasi dito sa school ang pag kamatay ni Fiona at ni Jimin..

Ewan ko kung bakit sila nakatingin sakin.

Naka tingin nga ba o akala ko lang yon?

Parang gusto ko ng tumakbo para maka takas ako sa mga titig nila pero parang bumabagal parin yung oras.

Pero buti nalang mag sesembreak na para makapag pahinga naman ako sa daming gawain sa school.

Ganun kasi talaga pag graduating ka.

"JENNIEEEEEE." Napairap ako ng marinig ko yung boses ni Jisoo mula sa likuran ko.

Tumigil ako ng panandalian at hinintay siya na maka lapit sakin.

"Pwede bang hinaan mo yang boses mo?" Tanong ko.

"Beastmode ka na naman?" Tanong niya.

Umirap lang ako at hindi siya sinagot.

"Nasabi na ba sainyo na sembreak na?" Tanong niya.

"Obviously." Sarcastiko kong sabi. Naiinis ako ang daming tumitingin. Bwisit.

"Nag plano kasi kami ni Lisa na mag out of town ngayong sembreak." Sabi niya.

"Sayang lang hindi natin kasama si Rose." Sabi niya at bahagyang nalungkot kaya natigilan ako.

Rose..

"Ayokong sumama, kayo nalang." Sabi ko at nag lakad na palayo.

"Oy teka naman! Hindi lang naman tayong tatlo nila Lisa eh. Kasama din sila Kuya pati si Taehyung." Sabi niya.

Hindi ba mas lalong malala 'yon? Updated naman siguro siya sa mga nangyari sa mga kaibigan namin tapos mag paplano pa siya ng ganito?

Yung totoo? Gusto din ba niyang mamatay.

"Jennie, kung iniisip mong may mangyayaring masama satin. Wala yan. Besides kasama naman natin sila." Sabi niya.

Napa buntong hininga ako. Oo kasama nga namin sila pero nag aalala ako. Pano kung sila yung mapa hamak?

At ano bang akala ni Jisoo sa pag kamatay ni Rose at Jimin? Aksidente? Hindi.

"Sige na Jennie. Sumama kana. Please. Hindi magiging masaya yun pag wala ka." Sabi niya at nag pa cute pa.

"Fine." Sabi ko. Tumalon siya bigla.

"Mag tigil ka nga!" Saway ko sakanya.

"Pero sa isang kundisyon." Sabi ko.

"Ano yon?" Tanong niya.

"Pag may nangyaring masama. Uuwi agad tayo." Seryosong sabi ko. Kasi ayokong isa na naman sa mga kaibigan ko ang mawawala.

"Yes Ma'am! Sige pupuntahan ko na si Lisa." Sabi niya at kumaway pa sakin tapos ay umalis na.

Dahil uwian nadin naman na ay umuwi na 'ko.

Buong araw kong hindi nakita si Taehyung. Asan na ba siya? Hindi ata pumasok 'yon.

Nag pasya ako na umuwi sa bahay at hindi sa condo.

Gusto ko na din makita si Mama. Namimiss ko na siya. Madalas kasi sa condo na ko natutulog.

"Mama, nakauwi na ko." Sabi ko pag kapasok ko palang sa bahay.

"Oh Jen! Buti naman nandito ka.. Nag luto ako para sayo." Napa ngiti ako at ipinatong yung bag ko sa upuan at umupo sa hapag kainan.

Namiss ko 'to.. Dati pag ka uwi namin ni kuya, luto agad ni mama ang naamoy namin..

Nag salin si mama ng kanin sa dalawang plato tapos ay nilapag yung isang plato sa harap ko.

Pag kaupo ni mama ay kumuha na ko ng ulam.

Tapos ay sinubo ko agad 'yon.

"Na miss ko 'to!" Sabi ko ay sumubo uli. Narinig kong natawa si mama.

"Na miss ko din tuloy ang kuya mo. Madalas kasi nakikita ko kayong nag aaway pa kung sino ang unang umubos ng pag kain." Natigilan ako bigla at naalala yung dati.

"Ubos na! Ako nauna!" Sabi ko.

"Kanina pa ko natapos." Sabi ni kuya at sumandal sa upuan.

"Andaya! Hindi mo sinasabi so meaning ako nauna." Depensa ko.

"Ako kaya." Sabi niya at sinamaan ako ng tingin.

"Mama oh! Si kuya tinitiganan ako ng masama!" Sumbong ko.

"Mama oh! Si Jennie, ako kaya nauna." Pang gagaya sakin ni kuya.

"Tama na iyan. Parehas lang kayong nauna." Sabi ni mama

Napatingin ako kay kuya at itinaas baba yung kilay ko. Naasar naman siya bigla.

"Jennie." Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni mama.

"Ubusin mo na yan. Hindi na yan masarap pag lumamig." Sabi sakin ni mama kaya nag madali na kong kumain.

Pag katapos kong kumain ay pumunta na ko sa itaas para maka pag palit ako ng pang bahay na suot.

Biglang tumunog yung phone ko kaya agad kong sinagot 'yon.

"Hello? Taehyung?" Tanong ko.

"Si Robi 'to." Biglang nawala yung mga ngiti sa labi ko.

"Anong gusto mo?" Walang emosyon na tanong ko.

"Nabalitaan ko na mag aout of town daw kayo?" Tanong niya sakin.

Biglang kumunot yung noo ko.

"Paano mo nalaman? Sinong nag sabi sayo?" Sunod sunod na tanong ko.

"Hindi na mahalaga kung pano ko nalaman o kung sino ang nag sabi saakin. Gusto ko lang sabihin sayo na wag kang mag alala dahil sure ako na walang mawawala at mapapahamak sa mga kaibigan mo." Sabi niya

Natigilan ako bigla.

Ano daw? Pano naman siya nakaka siguro? Malakas na talaga ang kutob ko sakanya.

"Pano mo--" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla niya akong babaan ng tawag.

Napa tingin ako sa phone ko at nakita yung number niya doon.

Nag kibit balikat nalang ako at sinave yung number niya in case lang..

Pero nag tataka ako sa mga sinabi niya..

Anong walang mawawala at mapapahamak sa mga kaibigan ko?

At teka.

Pano niya nalaman phone number ko?

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon