Epilogue

1.5K 27 9
                                    

Please support LECHENG PAG-IBIG NA 'TO. :)

***

TOK! TOK!
Tinabunan ko iyong mukha ko ng pillow.
Tok! Tok!
Nagpabiling-biling ako sa kama ko.
Tok! Tok!
Lintek! Kakakasimula pa lang noong happy ending sa dream ko, tapos heto’t ginigising na ako. Asar ha?
Tok! Tok!
“Ugh!” Pabalang na umupo ako sa kama. Saka kinusot-kusot iyong mga mata ko. Nang hindi ko na marinig iyong ‘toktok’ na iyon, unti-unti akong humiga. Siguro naman, makakabalik pa ko sa dream ko di ba?
Tok! Tok!
“ARGHHH!” Padabog akong bumangon ulit tapos tumingin ako sa alarm clock ko.
12:05 AM!!
Sino ba kasing istorbo sa panaginip ko eh? Pumunta na ako sa pintuan para buksan iyon only to find out na walang tao sa labas ng door. Nagtatakang tumingin ako sa corridor ng bahay namin, kaso wala pa ring tao.
Tok! Tok!
Nagka-goosebumps yata ako nang marinig ko ulit iyon. LOL!!!! Minumulto na ba ako?
Tok! Tok!
I jump on my feet. Geez! Anong klaseng joke na naman to? Unti-unti kong isinara iyong pintuan ko. Iyong plan ko magtalukbong sa loob ng kumot ko at hintayin na sisinag na iyong araw. 5 hours lang naman eh.
Tok! Tok!
EEEEKKKKKKK! Lumingon ako sa Japansese door kung saan pagbukas mo dun makakapunta ka na sa terrace ng room ko. At dahil syempre, dahil medyo makikita mo naman talaga iyong silhouette sa other side ng isang Japanese door, nakita ko iyong shadow ng isang lalaki sa kabilang side niyon.
Bumalong iyong takot sa puso ko. Geez! Bakit ba nangyayari sa akin to? Hindi ko na nga natapos iyong magandang lovestory sa dream ko, heto at magiging horror pa yata iyong life ko.
Ang saklap lang!
Tok! Tok!
Teka lang! Walang multong nakakakatok sa pintuan! Kaya nang maisip ko iyon, bigla din iyong dagsa ng adrenaline rush sa dugo ko. HAH! Ang malas naman ng magnanakaw na ito. Pinili niya pa kwarto ko, eh blackbelter to eh.
Isinuntok ko iyong fist ko sa isang kamay ko saka mabilis na lumapit sa door. I know, I’m supposed to just run away kaya lang binitin niya ako sa dream ko eh. Mabugbog ko nga tong magnanakaw na ito.
I opened the door harrasedly tapos naramdaman ko iyong biglang pagpulupot ng isang kamay noong lalaki sa beywang ko. Sisigaw na sana ako but he pinned me on the wall, crushing my body with his body and then he kissed me full on the mouth.
Umilaw yata lahat ng light bulbs sa loob ng utak ko at iyong puso ko kumakabog na naman. I don’t know but I don’t feel threatened anymore. The sensation was so familiar and then I knew he was the guy who’s always the hero of my dreams every night since the day I saw his captivating brown eyes looking at me along the university’s corridor.
Joseph Velasco.
“I missed you.” he whispered.
“Gago ka, we just talked two hours ago!” I hissed. “Papatayin mo ba ako sa takot?”
He chuckled. “Hindi ka naman mukhang takot ah!”
“Kasi iniisip ko na magnanakaw ka. Tapos naisturbo mo iyong dream ko.”
“Hindi mo naisip na ako ito?”
“Praning ka talaga.” Pinisil ko iyong magkabilang pisngi niya. “Paano ko iisipin na ikaw iyan, eh hindi mo naman sinabi na pupunta ka. Tsaka bakit dito ka dumaan? Meron akong door ‘no?”
Niyakap niya lang ulit ako. “Wala lang. Gusto kong maranasan kung paano umakyat sa teracce mo at kung paano tumatakas iyong mga lovers na may forbidden love.”
“Romeo and Juliet?”
“Ayoko nang Romeo and Juliet na story para sa ating dalawa.” He smiled. “Ayoko nang tragic ending sa love story natin. Gusto ko pang ikwento sa mga anak natin kung gaano mo ko pinahirapan,” and then he laughed.
“Aba! Hindi ko kasalanan na hindi mo agad sinabi sa akin iyong nandyan,” itinuro ko iyong heart niya. “Angalan naman ako pa iyong maunang magsabi sa’yo ‘no?”
“Uso na naman iyon sa UK ah.”
“Sa UK iyon, hindi sa Pilipinas.”
“Doon ka lumaki.
“Nandito tayo sa Pilipinas, hijo.”
He laughed again. “Oo na. Oo na. Ako na may kasalanan.” He looked at me. “Ako na naman ba bida sa dream mo?”
Inismiran ko siya. “Hindi ah! Feeling mo naman.” Well, actually, siya na naman. Ano bang bago? Sa dream ko, kasal na raw kami and you know we’re exchanging vows na tapos nasa you-may-kiss-the-bride part na nang gisingin niya ako. (Aminin mo, akala mo dream ko lang ‘yong lahat nasa chapters ‘no? LOL! Ang haba naman yata.)
“Asuus. Pa-kiss nga!” And then he kissed me again but not on the lips, just on the side of it.
“Ano ba ginagawa mo dito?” Sinubukan ko talagang patinuin iyong utak ko. Well, syempre, dapat may dahilan kaya siya nandito di ba? Kasi nag-effort pa talaga siyang akyatin itong second floor room ko eh. Grabe, exhibitionist ang fiancé ko.
“Bukod sa na-miss kita,” he continued kissing the outlines of my lips while murmuring. “Nandito rin ako para i-greet kita ng happy eighteenth birthday.”
“December 24 ngayon?” Nagtatakang tinanong ko siya. Well, birthday ko bago magpasko. Actually, gusto ni Mom noon na sa December 25 ako ipanganak kaso mukhang excited akong lumabas sa mundo kaya nauna ng isang araw.
“Nawawala ka yata sa sarili mo tuwing nahahalikan kita,” he teases.
“Iyong totoo?”
“Oo nga, birthday mo nga.” He laughed. “Baka iyong nineteenth birthday ko, makalimutan mo rin.”
“Kaya pala umuwi sila Mommy kanina.”
“Kaya nandito ako ngayon.” Talagang hindi niya ako hinahalikan sa lips. Tease!
“Type mo talagang isali self mo sa usapan ‘no?”
“Gwapo ako eh.” At bago pa ako maka-side comment, hinalikan na niya ako. Matalinong boyfriend.
“Paano ka nga pala nakaakyat?”
“Ninja moves?”
“Iyong seryoso.”
“Nagdala ako ng ladder.” He laughs when he saw my shocked expression. “Kaya kong akyatin ‘yan kaya lang, baka abutan pa ako ng umaga, di ko pa maakyat. Practicality lang, love,” he said while grinning.
Napapailing nalang ako.
It’s been 2 months since we confessed our feelings doon sa hospital. Ang weird at hindi pa romantic. Walang flowers, walang candlelit dinner, walang music background. Pero iyon pa rin ang pinaka the best na araw na pwede kong ihanay sa hall of happiness sa buong buhay ko. Syempre, napakaraming the best na araw. Iyong first kiss namin, iyong araw na ipinagkasundo kami, iyong first meeting namin, iyong araw na ipinanganak siya at iyong ipinanganak ako and the list is endless. Basta tuwing kasama ko siya, the best na iyon. Pati na yata iyong mga days na hindi ko pa siya kilala, the best na rin. Kasi iyong mga araw na iyon, isa iyon sa mga stepping stones para dumating iyong araw na nakilala ko siya.
Akala ko noon, masaya na ako na walang lalaki sa buhay ko bukod sa Dad ko, pero hindi ko inaakalang mas sasaya pa pala mundo ko noong makilala ko si Joseph. Tama iyong mga quotes. Parang may missing puzzle lang tapos siya iyong nag-complete. Ang corny ko na. Pero bahala kayo, iyon iyong feeling ko eh. Tapos story ko ito eh, walang pakialamanan. Bleah!
“Payakap ha? Giniginaw na ako eh.” He hugged me and then I knew I’m home – here in his warm arms, here by his side, here leaning in his broad chest listening to his erratic heart beat.
“Kanina ka pa yakap nang yakap sa akin.” I laughed. Actually, ang ganda-ganda lang sa feeling sa tuwing niyayakap niya ako. Well, I just described it kanina lang di ba?
“Alam mo ba kung ano iyong feeling tuwing niyayakap kita?”
“Ewan ko. Naiinlove kang lalo sa akin?” I teased. LOL! Nababasa niya yata iyong description ko sa feeling ko habang niyayakap niya ako.
“Nag-uumapaw na yata iyong love ko sa’yo eh.” He chuckled and then he kisses my forehead. “Hugging you is like finally finding a place where I truly belong. Sa dinami-dami ng mga babae na nayakap ko at nahalikan ko, sa’yo ko lang naramdaman iyong ganito.”
“At talagang ikinompara mo pa ako sa kanila ‘no?” Well, hindi naman ako nagsiselos sa mga past niya. Ikaw ba naman magkaboyfriend ng gwapo, syempre habulin. Sanayan nalang.
“I’m not comparing you to them, I’m comparing them to you.” He lifted my chin. “Masyadong kang mataas, hindi ka nila maaabot. Kumbaga, almost perfect na.”
“Tas ikaw iyong perfect?”
He grinned. “Syempre, naman. Ang swerte mo ‘no? Perfect iyong boyfriend mo.”
“Whatever.” I rolled my eyes and then we both laughed. “Dito ka ba matutulog?”
“Of course.” His eyes twinkled.
“Okay, pasok na tayo kasi medyo malamig na.”
Pumasok na kami tapos humiga na sa bed ko. I snuggled close to him smelling his familiar scent. Inaantok na tuloy ako.
“Sam.”
“Hmm.”
“Natutulog ka na ba?”
“Medyo.” Nag-yawn na ako.
“Sam, will you marry me?”
“Ha?” Tumingin ako sa mukha niya. Nakangiti lang siya sa akin.
“Sabi mo sa hospital, you cancelled the engagement because you want me to choose who I want to marry. Well, Sam, I want to marry you. Will you marry me?”
Bumangon ulit ako para titigan lang siya. Actually, na-pursue pa rin naman iyong engagement after namin makulong sa hospital suite ni Joseph. Kaya nagulat talaga ako ng mag-propose siya sa akin ngayon. Akala ko kasi hindi ko na mararanasan iyon at okay lang naman iyon sa akin. In the end, kami pa rin naman iyong ikakasal eh.
“I love you so much kaya i-o-offer ko sa’yo iyong last name ko. Take note, sa’yo ko lang talaga iyan inoffer ha?” He looked at me. Hindi pa rin ako makapagsalita kaya mukhang naalarma siya. “Sam.”
“I was waiting for the engagement ring, where is it?” tinanong ko siya. I saw relief flooded in his face saka kinabig niya ako at hinalikan nang napakatagal.
“Natakot ako na baka ayaw mong maikasal sa akin.” He whispered while getting something from his pocket. Nang nakuha na niya iyong velvet box, I don’t know what’s the color kasi madilim, alam ko na agad na iyon iyong engagement ring ko. He gave it to me, pero walang laman nang buksan ko iyon.
I looked at him confusedly. Nagbibiro ba ang ugok na ito?
“Hindi mo talaga napansin na isinuot ko sa daliri mo kanina doon sa teracce habang hinahalikan kita?” He was laughing a little habang tinitigan ko iyong singsing sa daliri ko. Takte! Hindi ko talaga napansin ah. “I just did it, para hindi ka na makakahindi pag inaya kita.”
“Tinanong mo pa ako.”
“Syempre, gusto ko maramdaman iyong feeling when you’ll say yes. So, will you marry me?”
“No.”
“What?” Nanlaki iyong mga mata niya tapos hinawakan niya iyong magkabilang balikat ko. “Sam, wait, please reconsider. I mean –“
I laughed. “Mas maganda yata reaction mo sa pag sinagot kita ng ‘no’, hindi scripted.”
He groaned. “SAMANTHA!”
I was laughing while I pull his face closer to me. “Kahit anong oras, papakasalan kita,” and then I kissed him like for 5 seconds, “Kahit ngayon pa kung gusto mo eh, 18 na naman ako.”
“Bakit ba lagi mo ‘kong binibitin pag hinahalikan mo ‘ko?” He smiled. “At magtatampo ang parents natin, pag ngayon agad tayo magpakasal.” He pulled me closer to him hanggang sa makahiga na kami ulit sa bed. “I love you, Sam.”
“Bolero.”
“Mas mahal kita.”
“Wala akong sinabing mahal kita.”
“Naririnig ko sigaw ng puso mo eh.”
“Stethoscope ka?”
“Nope, just a man in love with you.” And then he kissed me again.
Well, another sweet moment with Joseph to write in my blog.
 

THE END.

P.S.: Hindi pala 'the end' kasi walang katapusan iyong pagmamahalan namin ni Joseph eh. Yikes! Ang corny lang talaga. Kinikilabutan ako eh. LOL. =P

She's The One (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon