Chapter 3

1.7K 45 11
                                    

Inspiration exists, but it has to find you working - Pablo Picasso

 (•̀ᴗ•́)و ̑̑

 ~~~

"ANO 'kamo?"

          "Joseph Velasco got a woman pregnant!"

          "Oh, no!"

          "Oh, yes!"

          "Hindi pwede! He's mine!"

          "Anong he's yours? Akin siya, 'no?"

          "In your dreams!"

          "HA! HA! HA! Managinip ka rin!"

          "Pero totoo ba talaga 'yan?"

          "Na akin si Joseph?"

          "Hindi, gaga! Na may anak si Joseph beybeh ko?"

          "Oo daw. May anak ang mahal kong si Joseph."

          "Waaaah!"

          "Wooooh!"

          "Anong wooooh?"

          "Wala. Pauso."

          Napailing nalang ako sa takbo ng usapan ng dalawang babaeng ito. Dalawang table lang naman kasi ang layo ko sa table nila kaya dinig ko ang pinag-uusapan nila. Kunsabagay, tahimik naman kasi sa library kaya pati bulong, maririnig mo. Iyon nga lang busy sa pagngawa ang working student na nakatokang bantayan ang bahaging ito ng library kaya malayang nakakapag-usap ang dalawang babaeng ito na parang wala lang.

          Nagbasa nalang ulit ako ng pocketbook.

          Ako. Ang dalawang babaeng ito. Ang working student na iyak pa rin ng iyak dahil may anak na si Joseph.

          Apat lang kaming nasa bahaging iyon ng library. Pero pakiramdam ko ang crowded na namin. I mean, napi-pissed off na kasi ako eh. Kahit ba naman dito, ang damuhong Joseph pa rin na iyon ang topic? Asar.

          "Hi."

          Umangat ang paningin ko sa nagsalita. Lumapit na pala sa akin ang dalawang babae na nag-uusap kanina.

          "Ikaw 'yong napabalitang ina ng anak ni Joseph beybeh ko, di ba?" tanong sa akin ng isa sa kanila. Naisip kong maganda ang dalawang ito kung hindi lang sana nila pinapagpantasyahan si Joseph.

          "Oo, bakit?" Handa na talaga akong tarayan sila kung saka-sakali. Pero naupo lang sila sa bakanteng upuan sa mesang inookupahan ko. Hindi nalang ako umimik. 'Pag may isang kumanti sa akin, bubugbugin ko nalang silang dalawa nang walang sabi-sabi.

          "Ang ganda mo." nanulis ang ngusong sabi niya saka bumuntong-hininga.

          "Ha?"

          Ano raw? Pinuri nila ako?

          "Ang sabi ko, maganda ka. Bingi ka ba?" nakangiting sabi nito sa akin. "Ako nga pala si Faith. Siya naman si Panget."

          "Heee!" Inupakan ng pangalawang babae si Faith. "I'm Hope. At si Faith ang leader ng mga kulto ng mga panget. Siya sisihin mo kung bakit laganap ang mga panget sa mundo."

          "Hoy! Ikaw kaya ang founder! Simula nang ipinanganak ka, dumami ang panget sa mundo!"

          "Nagsalita ang leader."

She's The One (PUBLISHED)Where stories live. Discover now