Chapter 4

1.6K 46 21
                                    

A/N: Let's support the printed copy of SHE'S THE ONE. :) PROMISE! WALANG A/N SA LOOB NG BOOK. Hihihi.

~~~

MINSAN sa buhay mo, makakaisip ka talaga na makapatay o makasakal man lang ng tao. Kahit wala iyon sa character mo at sa paniniwala mo. Pero minsan kasi talaga, merong mga bagay na nakakairita lang at nakakapagpa-highblood. 'Yong tipong mas gugustuhin mo pang manakal kesa sa ikaw ang mamatay dahil sa galit.

          Kagaya ko lang naman.

          Pinalaki ako ng mga magulang ko in a conservative way, na may takot sa Diyos, na may magandang asal at hindi gumagawa ng masama sa kapwa tao. Kaya lang di ko talaga ma-take ang kalandian ng dalawang ito sa ilalim ng punong mangga na kung saan ako tumatambay at nagbabasa ng pocketbook sa mga sanga nito.

          Bakit ba naman kasi dito pa nila naisipang magsabog ng kababalaghan? Menor de edad pa naman ako! Ang dami kayang puno sa University na ito. Sa lawak ba naman ng campus ground tapos napapalibutan pa ng mga puno ang mga building, bakit dito pa? Bakit sa ibaba pa ng punong ito? BAKKKKKKIIIIIIIITTTT!!!!??????

          "Babe naman! Walang makakakita sa atin dito," malanding sabi ng babae. GULAY! Hindi ako titingin. Hindi ko sila pakikialaman. Wala akong narinig na mga ungol. Wala!

          Tsup! Tsup! Tsup!

          EWWWWWW! Wala akong narinig! Ugh! Tinakpan ko nalang ang mga tenga ko. Iba pala ang mga nababasa sa pocketbook kesa pag naririnig mo na sa actual. Kasi parang, okay lang sa pocketbook. Pero ang sagwa talaga pag nakakarinig ka nun.

          EWWWWWW TALAGA! GROOOOSSS!

          "Babe!"

          Ugh! Bakit ang sagwa ng boses ng haliparot na ito? Bakit?

          GROOOSSSS!

          May sinabi ang lalaki. Kaso mahina, parang bulong lang, kaya di ko naintindihan.

          "I don't care if may anak ka sa Samanthang iyon o sa kahit na sinong GRO. Basta ang alam ko, mahal kita. So please kiss me, Joseph Babe."

          ANO RAW? Sinong GRO? SAMANTHANG GRO? AKO? AKO BA IYON?

          Bago pa muling maging masagwa ang eksena sa kanilang dalawa, hayun at sinilip ko na kung sinong mga alagad ng mga higad ang nasa teritoryo ko.

          Si Jeanne Flores, ang tagapagmana ng malaking Milk Productions sa Pilipinas kasama ang herodes na Joseph na ito. Geez! Kinikilabutan ako sa mga torrid kissing scenes nila.

          Magki-kiss sana ulit sila nang....

          "Aray!" Humiyaw si Joseph. Palpak! Ang babae sana ang patatamaan ko ng libro. Pero okay na rin na magkabukol ang ugok na ito. VIRGIN pa raw. Neknek!

          "Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Naninilip ka ba?" mataray na sabi ni Jeanne sa akin habang nakatingala.

          Naghikab lang ako. "Sorry ha? Naidisturbo niyo kasi ang pagsesenti ko rito eh," pamimilosopo ko sa kanya. Nakatingin ako kay Joseph na parang gusto rin akong sakalin.

          HEHEHE! Mamatay ka!

          "Kami ang nakauna dito!"

          "Ganun ba? Nakapagsulat ka ba sa log book kung what time kayo rito? Hmmm?" Niyugyog ko pa talaga ang sangang kinapapatungan ko para mahulog ang mga tuyong dahon at ilang bunga ng mangga sa kanila habang sinasabi iyon.

She's The One (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon