Prologue: Uso pa pala iyon? Eh, hindi naman kami Chinese eh. Tsk.

2.6K 61 12
                                    

Isa-isa kong tinusok ng mga dart ang picture ng mokong na ito. Argh! Bakit ba kasi epal pa siya sa buhay ko? Nanahimik ako tapos bigla nalang niyang bubulabugin ang buhay ko?

Actually, sinabi na sa akin ito ng parents ko when I was 13. Hindi ko nga lang pinansin kasi akala ko biro lang. And I never meet this guy before. So akala ko katuwaan lang at para na rin hindi ako magpaligaw sa kahit na sinong lalaki. Nakalimutan ko na nga iyon eh. It was, what? 4 years ago. And hello! Nasa modern age na kaya. Kainis lang talaga!

Hayyyz! Naalala ko pa ang sinabi sa akin ni Mommy a day ago. Oo, kahapon niya sinabi sa akin. Ulit. After 4 years. At kahapon pa akong BV! Grrrr!

--

"Hija, remember, what I told you 3 years ago?" she asked cautiously habang nagliligpit ako ng mga gamit ko sa school. College na ako and I'm taking up Industrial Engineering. Wala eh. Bigla lang pumasok sa utak ko. Anyway, kahit siguro mabuhay ako nang 1000 years na hindi mag-work, mayaman at maganda pa rin ako.

"Mom, how am I supposed to remember that?" sa dami niyang sinabi sa akin, ewan ko kung ano ang tinutukoy niya.

"yong about sa marriage mo?"

"Marriage?"

"Yup. I told you, you're gonna marry Joseph Velasco."

Ah, naalala ko na. "Mom, no need to apologize. I know it was a joke. Kaya lang ako walang boyfriend kasi I haven't found that guy na makakakuha sa attention ko."

"Hija..."

"Mom, really. Kahit bukas magkakaroon ako ng BF if you want."

"Sammy, listen."

Okay. She called me Sammy. So I should listen. hayy!

"Hija, totoo ang sinabi ko sa'yo. You'll gonna marry him."

"Weh?" HAHA! JOKE! Si Mommy talaga.

"I'm not joking."

I looked at her intently. Gosh! She's serious.

"Are you even serious? May lagnat ka yata, Mommy eh."

"I've never been this serious in my whole life, Samantha."

"Mommy, ayoko nitong biro niyo."

"Who says I'm kidding?"

"Mom! NO WAY! Hindi ko siya kilala! My gosh! I didn't know it wasn't a joke."

"Now you know. And about not knowing him, well, he's on the magazine every now and then."

"He's a model?" I pouted. Hindi ako nagbabasa ng mga magazine. I prefer novels.

"No. But he is one of the most-sought after teenage boys nowadays."

"I still don't know him. I won't marry him."

"Kahit gwapo siya?"

"Kahit gwapo siya."

"Well, wala kang magagawa. You'll marry him. And makikilala mo siya 7 months from now, on his Mom's birthday."

"Mom!" Asar!

"Be good, Hija. He already said yes."

"Wala ba akong karapatan na humindi at magdesisyon?" Naipadyak ko nalang paa ko. putik na lalaki. Bakit siya pumayag?

"You have a choice, Dear." I crossed my fingers. Atleast meron. "Marry him or marry him."

At hayun umalis na si Mommy. Damn!

"Mom!" sigaw ko. "What if I won't?"

"Oh, you will, dear." kumindat siya sa akin. "You'll fall inlove with him."

Inlove. Pshhhh! I'd never fall inlove. Lalo na sa lalaking epal sa freedom ko.

"I won't Mom!"

"Yes, you will. Tatawanan kita oras na mainlove ka kay Joseph. He's charming and a very good boy."

Umismid nalang ako.

----

'Yan! 'Yan ang usapan namin ni Mommy. UGH!

Nilapitan ko ang dart board at kinuha ang picture ni Joseph. Gwapo ang mokong. ''Yon nga lang, epal.

"Pagsisisihan mong pumayag kang maikasal sa akin, Joseph! I'm going to make sure you'll gonna back out."

BWAAHHAHAHAHA!

She's The One (PUBLISHED)Where stories live. Discover now