A must-read section of the book. :)

1.3K 30 32
                                    

HINDI DITO MAGTATAPOS ANG LAHAT!

*****

Hi sa inyo. Ang dami ko pang pasakalye. LOL!

Ito na iyong Author's note-slash-parang-acknowledgement-ko-na-rin. Sana binabasa pa rin ito ng mga reader's ko.

By the way, magpapasalamat lang ako sa lahat ng mga sumuporta sa She's The One. Salamat sa pagmamahal at pagtangkilik niyo kina Sam at Joseph.

Sa totoo lang, wala akong planong isulat lahat ng mga nilalaman ng utak ko. Lalo na iyong mga imagination na nagiging salarin kung bakit nagdi-day dream ako sa loob ng klase kaya hindi ako nakikinig sa professor. (Salamat nalang sa napakaganda kong genes, kasi nakakaintindi pa rin ako ng lesson kahit tinititigan ko lang iyong mga nakasulat sa blackboard and book ko. HEHE!)

Bakit ayaw kong isulat?

Simple lang.

Kasi noon, lahat ng isinusulat ko binabasura lang ng mga tao kahit di pa nila nababasa. Hindi ko alam kung panget ba o hindi lang nila talaga ako type. Pero kahit kailan hindi nila binibigyan iyon ng pansin.

TAKE NOTE: iyong mga classmates ko noon na nagpapagawa lang ng mga tula/poems sa akin, sila iyong nabibigyan ng credits kasi sikat sila sa school at may talent. Lalo na iyong lyrics ng kanta ko. Ugh! Unfair di ba?

Kaya ayun, hindi na ako nagsusulat. Kung nagsusulat man ako, hindi ko na pinapublish o kaya'y ipinapabasa. EXCEPT FOR MY ENGLISH PROJECT which is to made a novel. Doon nakita na may potential ako sa wrting industry.

Magkaganun man, hindi na ulit ako nagpasa ng kahit na anong gawa ko. Lalong hindi na ako gumagawa ng mga tula, lyrics ng kanta at mga kwento.

Ngayon nalang ulit.

Kaya maraming salamat sa lahat ng mga taong tumangkilik sa JoSam. :) Hindi niyo ibinasura ito kahit beginner lang ako. Kaya salamat talaga.

So iyon lang.

Ah, teka.

Salamat sa Papa ko dahil binilhan niya ako ng laptop.

Salamat kay Mama dahil sa internet connection.

Salamat sa mga kaibigan ko dahil hindi nila ako pinipilit na sumama sa mga lakad nila kahit alam kong alam nila na nagpapalusot lang ako para di ako makasama. (Hindi nila alam na nagsusulat ako, until nasa kalagitnaan na ako.) Salamat na rin pala sa kanila dahil tanggap nilang takas silang lahat sa mental at ako lang iyong normal sa amin. :) I was referring to BOCS.

Salamat sa mga readers ko kasi binabasa nila. Salamat na rin sa votes and comments and compliments. :) Nababasa ko iyon pero hindi ako nag-rereply. Bakit? Kasi no words can explain how I felt. Tsaka, nag-spend kayo ng oras sa pagbasa nito. Iyong mga oras na hindi na maibabalik. Kaya salamat sa oras.

Salamat rin kay Stephen Kyle Aguilar. (Siya iyong model ko kay Joseph. I-search niyo nalang ang kanyang kagwapohan.) Salamat at pumayag siya kahit sobrang kinakabahan ako noong itinatanong ko sa kanya kung okay lang bang gawin siyang model. Salamat sa kabaitan niya. :)

At syempre...

SALAMAT KAY GOD. Kasi kahit hindi man ako magaling sa kahit na anong sport at sa music at sa pagdrawing at sa pagsayaw at sa photography at sa kahit na anong bagay, binigyan naman niya ako ng talent na dalhin iyong mga mambabasa ko sa ibang dimension ng mundo. Iyon pa rin ang pinakamagandang talent, kung saan libreng makapunta sa kahit na saan ang isang tao gamit lang ng kanyang imahinasyon. Kaya salamat sa Kanya. :)

Iyon nalang talaga.

TO GOD BE THE GLORY.

*sniffs* LOL! Maysakit pa ako sa lagay na ito. :)

She's The One (PUBLISHED)Where stories live. Discover now