Chapter 33 : Meet the Sandovals

Start from the beginning
                                    

I quickly consider this place as very appealing para sa isang city girl na kagaya ko at bihirang mapadpad  sa ganitong lugar, 

Hindi pa ako nakakabawi sa ganda ng paligid ng unti-unti namang bumungad sa may kaliwang bahagi ang malaking bahay na kahilera ng dalawang modernong bahay. The exterior of  the main house was obviously design in Tropical concept. For a while, muli na naman akong namangha and about to roam around the external view of it when i felt my girlfriend took my hand.

"are you ready?" nakangiting tanong nito ng bumaling ako. 

Kagyat na nawala ang atensyon ko sa paligid at bahagyang nanumbalik ang kaba na kanina ko pa pinaglalabanan ng marinig ang tanong ng katipan. 

In a few moment's, i'm about to meet all her relatives and it give me this mixed emotions. A feeling of a little bit discomfort and excitement if i may describe. 

I know some of them though, dahil na rin sa panaka-nakang pagkwento ni Gabby. Pero iba ngayon dahil pakiramdam ko, buong angkan yata nya ang makakasalimuha ko.

"nervous?" kunot noong tanong nito when she noticed how worried I am na nagpa buntong-hininga sa akin " a bit" i answered honestly sabay bato ng alanganing pag-ngiti.

"relax babe" pagkalma nya sabay yakap sa akin "all of them are nice, wala kang dapat ipag-alala, okay?" dugtong nito na tinugunan ko ng pagtango. 

And so, nang maramdaman naming pumarada na ang sinasakyan sa malawak na carporch nila ay kaagad akong inalalayan ng katipan pababa ng sasakyan.

Matapos nuon ay binilinan si Joshua na tumawag ng kasambahay para pagtulungang buhatin ang mga gamit na aming dala-dala.

Nakakailang hakbang pa lang kami patungo sa magarang patio na nanduon, when the big wooden door opened at iniluwa ang mother ni Gabby.

"Oh my!" she exclaimed at nagmamadaling lumapit sa amin " It's nice to see you come home Cara Mia!" excited na salubong nito sa sariling anak. 

Pinugpog nito ng halik at yakap ang katipan na ng mga oras na iyon ay hindi bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.

Matapos lamugin ang sariling anak ay masaya itong bumaling sa akin "hello dear, kamusta ang biyahe?" nakangiting tanong nito matapos akong yakapin ng mahigpit.

" ayos  naman po, Tita " tugon ko with full smile on my face. 

" how many times do i need to correct you iha ? Just call me Mama, okay?" magiliw na sambot nito na ikinapula ng buo kong mukha. Nag-alangan pa akong itama ang nauna kong pahayag ng maramdaman ko ang marahang pagpisil ni Gabby sa aking kamay.

" Ok naman po ang biyahe, M-mama " nahihiya kong usal habang lihim na natutuwa. 

" that's better " she replied smiling at me and then shifted her gaze to Gabby. "buti naman at naisipan mong umuwi?" 

"of course Ma, Nate needed our support sa mga ganitong pagkakataon" seryosong sagot ng katabi.

Her mother just nodded at her at agad na nag-ayang pumasok. 

" oh well, tara na muna kayo sa loob ng makakain  bago kayo makapag-pahinga, you two must be really tired dahil sa long trip niyo" 

And then iginiya na kami nito papasok sa Main Door.

" how's Nate, Mama? sino ang nagbabantay sa kanya sa hospital?" maya-mayang tanong ng katipan. 

Naramdaman kong bahagyang napipilan ang mother nito sa tanong na iyon at animo binalutan ng pagkailang ang mukha, but managed to answer matapos ng malalim na pagbuntong hininga.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now