CHAPTER 17: SAYA AT DISMAYA

238 4 0
                                    


Ngayon ay alam ko na kung saan nakalagay ang bagay na matagal ko ng hinahanap. Ang susi para muling maibalik ang buhay ni mama, ang susi para muli kaming magkasama, ang libro ng Altum na naglalaman ng mga spell na tanging ang isang Prime Sorcerer lang ang kayang gumamit, Prime sorcerer na tulad ko at tulad ng aking ama.

Ngayon ay nandito ako sa lugar kung saan nakatira ang nagpakilala kong ama, sa Cheonjiyeon falls.

"Kung ganon ay nakita mo na ang Altum?" tanong niya sa akin na puno ng tuwa.

"Oo." sagot ko. "Ngunit nasaan? Nakuha mo na ba?" tanong ng aking nagpakilalang ama.

"Hindi ko pa ito nakuha dahil nang makita ko ito'y kasama ko si Master T." sagot ko.

"Master T?" nagtataka niyang tanong. "Oo, short for Master Tenchang." sagot ko.

"Ahhh. Kung gayon ay ipinakita niya sa'yo ang libro?" tanong niyang muli. "Oo, kaya naman hindi ko muna ito kinuha dahil baka paghinalaan niya ako." paliwanag ko.

"Kung gayon ay ano ang binabalak mong gawin?" he asked. "Sa ngayon ay hahanap muna ako ng pagkakataon para makuha iyon, tutal ay alam ko na rin ang mga dapat kong gawin para mabuksan ang sikretong lagusan papunta sa kinalalagyan nito." paliwanag ko.

"Mabuti kung ganon." sambit niya sabay ngiti.

"Kung gayon ay totoo nga, pag-aari mo ang librong iyon at ikaw nga ang tunay kong ama." sambit ko habang naka-upo kami sa isang malambot na upuan. Napatingin naman siya sa akin na puno ng pagtataka.

"Ibig mo bang sabihin ay hindi ka pala naniwala nang unang beses akong nagpakilala sa'yo?" sambit nya.

"Hindi mo mai-aalis sa akin na magduda sapagkat ilang taon tayong hindi nagkita. Ni hindi ko nga maalala ang mukha mo dahil sanggol pa lamang ako nang huli tayong nagkasama." sambit ko. Walang halong lungkot o tuwa ang aking nararamdaman, parang normal lang, parang nakikipag-usap lang ako sa isang stranger kahit na alam kong siya nga ang aking ama.

"Hindi rin kita masisisi anak, pero sana ay hindi pa huli ang lahat para maging maayos ang lahat." sambit niya sabay hawak sa aking balikat.

"Kung sakali mang maging maayos ang relasyon natin, sana ay kasama rin natin si mama." sambit ko na puno ng lungkot.

"Kasalanan ito nila Master Tenchang, kung hindi nila nilason ang isipan ng iyong ina ay hindi sana kayo nalayo sa akin, hindi sana siya namatay sa panahong iyon." galit niyang sabi.

"Kung ganon ay ikaw ang may pakana ng nangyari?" tanong ko sa kanya while meeting my eyebrows.

"Pakana ng alin?" nagtataka niyang tanong.

"Ang pagsalakay ng mga espirito sa Jeju Sanctum, hindi ba't ikaw ang may gawa non? Ginamit mo na naman ba si Feifang at nagsama pa ng mga kasama niya?" tanong ko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo anak." pagtatanggi nya.

"Sinalakay ang Jeju Sanctum habang nagaganap ang laban sa Paragon. Kamuntikan na kaming malagay sa alanganin dahil sa nangyari." paliwanag ko.

"Ano?" nagtataka niyang sabi. "Hindi ko alam na may naganap palang ganyan, ayos ka lang ba? Anong nangyari sayo?" nag-aalala niyang tanong, kitang-kita sa mga mata niya ang sincerity.

"Ayos lang ako, nakatulong naman ang kapangyarihan ko para mailigtas ko ang sarili ko pati na ang kasama ko." paliwanag ko.

"Salamat naman kung ganon." sambit nya. "So ibig sabihin ay hindi ikaw ang may gawa non?" tanong kong muli. 

"Hindi, at bakit ko naman gagawin 'yon gayong alam kong nasa loob ka ng Sanctum." paliwanag niya.

May point sya, kahit malaki ang galit niya kay Master Tenchang ay imposibleng salakayin niya ang Sanctum dahil nasa loob ako nito. Kahit papaano ay nakikitaan ko na rin sya ng imahe ng isang ama. Kung ganon ay sino ang may gawa ng pagsalakay? Mukha ngang may ibang tao na may lihim na galit sa Sanctum bukod sa aking ama.

HALLS OF SORCERYWhere stories live. Discover now