Chapter 08: NATURE OF MAGIC

328 8 0
                                    

Lahat ng atensyon ay napunta sa akin ngunit hindi ko na sila pinansin dahil sa babaeng kaharap ko ngayon, ang babaeng na-encounter ko sa palikuran kagabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lahat ng atensyon ay napunta sa akin ngunit hindi ko na sila pinansin dahil sa babaeng kaharap ko ngayon, ang babaeng na-encounter ko sa palikuran kagabi.

"Anong problema Taejo?" tanong ni Master Tenchang. Dahan-dahan akong napalingon sa kanya. Napansin ko ring nakatingin ang lahat ng tao sa akin.

"Walang problema master Tenchang, mukhang nagandahan lamang sa akin si Taejo kaya hindi niya napigilang mapasigaw." sarcastic na paliwanag ng babaeng katabi ko na nag-ngangalang Yejeong. 

"Hindi ko akalain na ganyan pala ang reaction ng mga taong nagmula sa 2017 kapag nakakakita ng magandang babae." sarcastic na pagkasabi ng isang lalaking hindi ko kilala. Para siyang si Chol-chun na classmate ko sa panahong 2017. Nagtawanan naman ang iba naming kaklase. Ganitong-ganito ang scenario sa Chun-Hye University. Ang pinagkaiba lang ay weird ang mga classmate ko rito ngayon.

"Tama na ang tawanan." seryosong sambit ni Master Tenchang. "Kailangan na nating magsimula." dagdag niya kaya naman agad na umayos sa pagupo ang lahat. Para silang mga sundalo na biglang naging seryoso at tumingin sa matandang nasa harapan. Sumulyap sa akin si Yejeong at ngimiti. Weird!

Iniwas ko na lamang ang aking tingin dahil naalala ko ang kaganapan sa palikuran kagabi, awkward!

Ang hitsura ng classroom namin ay very traditional ang interior. May kanya-kanya kaming lamesa at upuan. Walang blackboard sa harap pero may nakatayong kahoy na parang clothing rack o sampayan.

Maya-maya ay inilagay ni Master Tenchang ang isang tela na may nakasulat na hangul symbols, parang visual aids. So iyon pala ang purpose ng clothing rack. 

"Sa ngayon ay may bago tayong kasamahan na kailangang maintindihan kung bakit natin pinag aaralan ang mahika kaya balikan natin ang mga napag aralan natin sa umpisa." paliwanag ni Master Tenchang.

"Magsisilbi rin itong pagsusulit sa inyo upang malaman ko kung naaalala niyo pa ba ang mga naituro sa inyo. Maliwanag ba?" tanong ni Master Tenchang.

"Maliwanag master!" sagot ng buong klase.

"Kung ganon ay magsimula tayo sa isang tanong. Ano-ano ang dahilan kung bakit natin pinag-aaralan ang mahika?" tanong ni Master Tenchang. Agad namang may nagtaas ng kamay at sinagot ang kaniyang tanong.

"To protect ourselves and the royal family of Goguryeo, Baekje and Silla." sagot ng lalaki na nagtaas ng kamay. Teka? Nasa 492 CE ako ah, bakit pala nakakapagsalita ng English ang mga taong ito?

"Tama, ano pa?" muling tanong ng matanda at muling may nagtaas ng kamay at sumagot.

"To know the different nature of magic and how to control them." sagot naman ng babaeng nagtaas ng kamay.

"Majayo, another one?" tanong ni Master at tumayo naman si Jiryu. (Majayo means That's Right)

"To master our ability and decide for our future using our magic abilities." sagot naman niya.

HALLS OF SORCERYWhere stories live. Discover now