Chapter 04: PAALAM NA

388 11 2
                                    

Pagkauwi ko ng bahay ay sa garahe agad ako pumunta para makita ang sasakyan namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkauwi ko ng bahay ay sa garahe agad ako pumunta para makita ang sasakyan namin. I was surprised for what I've seen. Tiningnan ko ng maigi mula sa loob hanggang sa labas pero wala akong makita ni isang bakas ng kaganapan kagabi, walang gasgas at malinis. Puno pa rin ng pagtataka ang utak ko pero napabilib ako ni Kon.

"Ang sweet mo naman sa sasakyan natin at siya agad ang una mong pinuntahan." sambit ni mama na nasa pintuan ng garahe. "Bakit ngayon ka lang? Akala ko ba ay late ka lang uuwi?" tanong niya. Good thing is hindi naman siya bad mood.

"Medyo sinipag lang kami sa project ma kaya hindi na ako nakauwi." sagot ko sabay grin.

"Tss! Tss! Sa susunod, magsabi ka para hindi ako nagaalala." sabi niya sabay pamaywang.

"Omma, baka nakakalimutan mo na hindi ka gumagamit ng cellphone kaya paano ako mag-papaalam sayo?" sarcastic kong tanong.

"Aba? sinisisi mo pa ako?" tanong niya habang nakataas ang kilay.

"Hindi naman Ma." sagot ko sabay smile ng fake.

"Tss! Pumasok ka na sa loob dahil naguwi ako ng cake mula sa shop kagabi." sabi niya sabay alis.

Wow? Anong meron at naguwi siya ng cake? Mukhang umaayon na naman ang araw na'to sa akin ah. Except sa nangyari kanina, nang nahuli ako ni Nari na lumabas mula sa Grand Hyatt Hotel. 

"Masyado kasing magulo sa bahay kaya nag-hotel ako para gawin ang research sa Literature." palusot ko.

"Napaka-devoted mo naman kay Mr. Jung at nag-hotel ka pa para lang magawa ng maayos ang project natin sa kaniya." sambit ni Nari.

"Hindi naman, ayaw ko lang bumagsak sa subject natin sa kaniya." paliwanag ko sabay grin.

Nakakahiya talaga. Sana lang ay naniwala si Nari sa palusot ko sa kaniya. Tss.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nag-ready. May klase pa kasi ako. Kailangan rin namin magreport ng draft kay Mr. Jung para malaman niya kung nasimulan na ba namin ang research namin. Ang hindi niya alam ay tapos ko na, kaya salamat kay Kon. Ngayon ay naliwanagan na ako kung paano niya natapos agad-agad ang research paper, dahil may kakaiba siyang ginawa.

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa kusina para tikman ang dinalang cake ni mama. Madalang rin kasi siyang magdala ng cake galing sa shop kaya susulitin ko na.

"Kumain ka ng marami." sabi niya sabay abot sakin ng plato na may slice ng Caramel Apple Cinnamon Cake.

"Anong meron ma? Bakit ka naguwi ng cake?" tanong ko sabay subo ng matamis na cake.

"Kailangan bang may okasyon para lang kumain ng cake?" tanong niya, "Bagong flavor kasi iyan na natutunan ko, ngayon ko lang napag-aralang gawin kaya gusto ko lang ipatikim sa'yo bago ko idagdag sa flavor ng shop." paliwanag niya.

HALLS OF SORCERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon