Chapter 26: ROSAS MULA SA HAGYE

247 5 0
                                    


Nang makapasok na kami sa loob ay agad kaming sinalubong ng Reyna at ni Prinsesa Yusa.

"Anong nangyayari?" tanong ng Reyna. "May kakaibang nagaganap sa labas kamahalan." sagot ni General Dingdong.

"Isa itong kakaibang delubyo mahal na reyna, sa buong buhay ko ay ngayon ko lamang nakita na naging kulay pula ang langit. Pati ang araw ay nabalot ng kadiliman." sambit ni Master T.

"Kung ganun ay anong gagawin natin mahal na Hari?" tanong ng Reyna habang nakatingin sa aking ama, natigilan naman kaming lahat dahil sa awkwardness ng paligid.

"Patawad ngunit sa tingin ko ay wala pa ako sa posisyon para magdesisyon sa bagay na iyan." sagot ng aking ama.

"Kamahalan," muling sabi ng reyna at huminga ng malalim, "Isang kalapastanganan ang ginawa ng aking asawa sa iyo at sa iyong pamilya, maging ako ay hindi ko mapapatawad ang mga nagawa niya. Kaya nararapat lang na ikaw na ang mag-desisyon sa lahat ng galaw ng kahariang ito." paliwanag ng reyna.

Napatingin naman sa amin si papa, hinintay naman namin ang mga susunod niyang sasabihin.

"Kung ganun ay pakisabi sa lahat ng sundalo na protektahan lahat ng tao, opisyales at ang royal family. Papasukin sila sa loob ng kaharian hanggat hindi tayo nakakasiguro na ligtas na sa labas ng kaharian." seryosong sabi ni Papa.

"Masusunod mahal na hari." sabi ni General Dingdong, yumuko siya sa amin bago tuluyang umalis. Maya-maya ay biglang may pumasok na nagmamadaling sundalo.

"Kamahalan!" sigaw niya. "May kakaibang nangyayari sa labas." sambit ng sundalo.

"Bakit? Anong problema?" tanong ng reyna. "Umuulan ng rosas sa labas ng palasyo kamahalan!" sagot ng sundalo.

"Ano?!" gulat na sabi ng reyna, napatingin naman siya kay Master T. "Anong ibig sabihin nito master?" nagtatakang sabi ng Reyna.

"Kung tama ako ay mukhang nakawala ang hari ng Hagye na si Hananim Yeomra." sagot ni Master. Hananim Yeomra, ang hari ng masasamang espirito.

"Imposible!" sambit ni papa. "Hindi siya maaaring makawala sa Hagye sapagkat hindi niya kakayanin ang enerhiya dito sa ating mundo." paliwanag ni papa.

"Kasalanan ko ang lahat." sabi ng ama ni Nari, si Seonjogum. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya.

"Ama?" nagtatakang sabi ni Nari. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. Isa-isa naman siyang tumingin sa amin bago siya sumagot.

"Ako ang dahilan kung bakit nakaalis si Yeomra sa Hagye dahil ibinigay ko sa kaniya ang bato ng Sapphirus." sambit ni Mr. Seonjogum.

"Ang bato na tanging magpapalaya kay Yeomra mula sa Hagye?" tanong ni Mr. Gye. "Tama." matipid na sagot ng ama ni Nari.

"Ngunit bakit mo ginawa 'yon ama?" nagtatakang tanong ni Nari. 

"Anak, wala na akong pagpipilian. Ako ang taga-pangalaga ng Sapphirus kaya ginamit ko ito para makawala sa Hagye nang sinubukan kong buhayin ang iyong ina gamit ang Altum." paliwanag niya.

"Kung ganun ay sa Hagye ka napunta nang maglaho ka matapos mong gamitin ang Altum?" tanong ni Master T.

"Tama, napaka-gulo ng utak ko noon kaya kinausap ko si Yeomra upang ibalik nya ako rito sa mundo ng mga nabubuhay. Alam kong papayag si Yeomra sa oras na ibigay ko ang Sapphirus kaya yun ang aking ginawa. Patawad." malungkot na paliwanag ng ama ni Nari.

"Nangyari na, kaya ang dapat na lang nating gawin ay mag-isip ng plano kung paano haharapin ang bagay na ito." sabi ni papa.

"Kung ganun ay anong gagawin natin?" tanong ko, napatingin naman sila sa akin. "Hindi naman pwedeng maghintay na lang tayo rito sa loob dahil siguradong hindi titigil ang nilalang na iyon hanggat di siya nakakapang-gulo." sabi ko.

HALLS OF SORCERYOn viuen les histories. Descobreix ara