Chapter 02: TAMA NA 'YAN, INUMAN NA!

540 9 1
                                    

"The 5th century is the year where researchers assumed that sorcery was being practiced

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"The 5th century is the year where researchers assumed that sorcery was being practiced. They said that sorcery was used to protect the royal family from the three kingdoms of Goguryeo, Baekje and Silla. A lot of evidence about sorcery was introduced to the people and some of these are books and scrolls that contains different unknown symbols which they believe was published between 400 to 500 CE (Common Era). These items were found at Jeju island where they also discovered an unknown formation of rocks. Researchers studied about the rock formations and they concluded that it was part of a sacred temple. A temple where institute was built to educate the people on how to use sorcery."

May ganitong klase rin pala ng history ang Korea, ngayon ko lang nalaman. It sounds weird but interesting at the same time. Akala ko ay sa new generation lang naimbento ang magic, pati rin pala sa ancient times. Siguro kung nabasa ko lang 'to noong una pa lang ay masasagot ko ang tanong sa akin ni Mr. Jung. Kulang lang talaga ako sa aral.

"Ano yang binabasa mo?" sulpot ng isang boses kaya naman bigla akong napayakap sa librong binabasa ko.

"Ano ba?!" I reacted with my not so loud voice.

"Ow. Nagulat ba kita?" tanong niya. Hindi ko alam kung sarcastic ang taong ito o sadyang may pagka-slow lang ang utak. Hindi ba halatang nagulat ako? Sana naman ay inayos nila ang pag-hahanap ng bagong librarian hindi yung kung sino-sino lang. Isa pa, ang bata pa masyado ng kinuha nila.

"Hindi ba halata?" inis kong sabi. "Bakit ba kasi bigla ka na lang sumusulpot? Hindi ba uso sa inyo ang salitang excuse me?" sarcastic kong tanong.

"Ikaw naman oh, ang init agad ng ulo mo." sagot niya, "Sobrang nakakainip naman kasi sa pwesto ko, wala na ngang kausap, sobrang tahimik pa." reklamo niya.

"Ano pa nga bang aasahan mo? Library nga 'to diba? Edi sana ay sa bar ka nagtrabaho kung gusto mo ng maingay at may kausap." I suggested.

"Ano ang bar?" tanong niya. Saan ba galing ang taong 'to at hindi pa niya alam kung ano ang bar? Kung titignan mo naman siya ay hindi naman mukhang inosente, mukhang namang may alam.

"Real talk? Don't tell me, hindi ka pa nakakapunta sa bar?" tanong ko.

"Dalhin mo nga ako doon para naman malaman ko kung ano at saan iyon." sabi niya sabay ngiti sa akin.

"Ano? Hindi nga tayo gaanong magkakilala tapos dadalhin kita doon?" I reacted habang naka-kunot ang noo ko. Hindi rin kasi ako sanay sa mga feeling close.

"Ano ba 'yan, nagkakilala lang tayo kahapon, nakalimutan mo na agad?" tanong niya sabay kamot sa ulo niya. Uso siguro kuto ngayon, kamot ng kamot sa ulo ang mga nakakasagupa ko today eh, or baka naman balakubak tss.

"I'm Kon Lee. Naalala mo na?" tanong niya sabay abot muli ng kamay niya sa akin. Pinaglalaruan ba ako ng gung-gong na'to?

"I already know your name Mr. Lee but if you need someone na magdadala sa'yo sa bar, sorry pero wala akong oras." paliwanag ko sabay tayo sa kinauupuan ko.

HALLS OF SORCERYWhere stories live. Discover now