Chapter 10: TAGAPAG-MANA NG SILLA

309 9 0
                                    

Second day of staying here in Jeju Sanctum pero pakiramdam ko ay isang linggo na akong namamalagi sa lugar na ito. 

Napakaraming nangyari kahapon at marami rin akong nakilala. Mabuti at hindi kasing malas ng araw ko sa tuwing pumapasok ako sa school sa panahong 2017. 

Pati si General Dingdong na parang katulad ni Mr. Kang ay maayos naman ang pakikitungo sa akin, binati pa nga niya ako dahil nagawa namin ng maayos ang activity kahapon. Ang hindi lang niya alam ay effort lang ni Nari 'yon.

"Congrats sa'yo." Sambit ko kay Nari, nagkasabay kasi kami sa hallway habang papunta sa susunod naming klase.

"Kahit wala kang ginawa, congrats sa atin." sagot naman niya sabay smirk.

"Babawi na lang ako sa susunod." Sambit ko sabay tapik sa balikat niya.

"Aww!" she reacted while holding her shoulders.

"Bakit? Anong nangyari diyan?" Tanong ko.

"Wala 'to." Matipid niyang sagot. "Don't tell me may nangyari sa'yo kahapon nang hinuli mo 'yong usa?" tanong ko sa kaniya.

"Mild lang ito, sumabit lang ako sa isang sanga ng puno pero okay lang ako." Paliwanag niya na parang iniinda ang sakit.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin." Sabi ko while meeting my brows.

"At bakit ko naman sasabihin sa'yo? Nurse ka ba?" Mataray niyang tanong.

"Hindi sa ganon, syempre ako ang kasama mo kahapon kaya obligasyon kita." Sambit ko.

"Wag kang OA! Ayos nga lang ako." Inis niyang sabi.

"OA ba ang tawag mo sa mga taong concern sa'yo?" Inis kong sabi, nakaka-offend kasi ang reaction niya towards my concern.

"Sorry pero hindi ko kailangan ng concern mo." She said sabay walk out. Ang cold niya sa akin, bakit lagi siyang ganon?

Naglakad na lamang ako at sinundan siya papunta sa susunod naming klase.

Ngayon ay nandito kami sa isang lawa na tinatawag na Geom-eun lake, ito ay nasa likod ng Jeju Sanctum. 

Nakasay kami sa isang bangka at bawat bangka ay may apat na sorcerer na nakasakay. Kasama ko sa bangka ay Si Kon, Yejeong at isang lalaking hindi ko kilala.

"Mabuti naman at magkagrupo tayo sa pagkakataong ito." sambit ni Yejeong habang nakangiti at nang-aakit. Medyo feeling awkward pa rin ako sa kaniya kaya hindi ako masyadong umiimik.

"Ano ka ba, pansinin mo naman si Yejeong!" Kon exclaimed pero tanging smirk lang ang naisagot ko.

"Hayaan mo siya." sambit ni Yejeong. "Tutal, mas may dating sa'kin ang tahimik at isnabero." Dagdag niya habang nakangiti sa akin.

"Alright!" Malakas na sabi ng isang matandang babae kaya napako sa kaniya ang aming atensyon. "Ngayong araw ay haharap kayo sa isang pagsubok." sambit ng matandang na nakatayo mula sa separated na bangka. 

Lady Bam raw ang pangalan niya, magic spell teacher. Hindi siya kasing tanda ni Master Tenchang, parang ka-edad lang siya ni mama, around 30-40 years old.

"Ako ang inyong kalaban at kayo ay aking bihag. Ang bawat bangka na inyong kinalalagyan ay may magic spell." sambit Lady Bam. "Isa itong spell na may invisible energy na kumakandado sa pwesto niyo ngayon. Ang inyong misyon ay sirain ang harang upang makausad at makabalik sa pampang." paliwanag niya. "Kapag nagkamali kayo sa spell na gagamitin niyo ay maaaring masira ang bangkang inyong kinalalagyan kaya isipin niyong mabuti ang inyong mga hakbang." dagdag pa niya.

Wow ha? Bagong task na naman? Bawal ba ang orientation dito o talagang hindi na nila kino-concider ang pagiging bago ko. Hello? I'm from 2017, baka pwedeng exempted muna ako dito?

HALLS OF SORCERYWhere stories live. Discover now