Naalala ko pa yung pinagtripan niya rin ako isang beses. Nakita ko kasi siyang nasa cr at sobrabg daming dugo ang nasa pulsuhan niya. Alalang-alala pa ako nun dahil akala ko nawalan siya ng malay sa sovrang daming dugong lumabas sakanya. Saktong wala pa si Mama nun at may pinuntahan. Umiiyak na ako nun ng pinupunasan ang pulsuhan niya. Tapos narinig ko siyang tumatawa kaya napatingin ako sakanya. Tuwang tuwa pa siya sa ginawa niya. Umiyak iyak pa ako tapos pinatripan niya lang pala ako. Ilang araw ko din siyang hindi pinansin nun.

"Hindi ka nakakatuwa" sambit ko saka tumalikod na sakanya. Akala ko naman dumugo na ang ilong niya dahil sa pagsuntok ko. Naramdaman ko na lang na humiga rin siya. Nanlaki naman ang mata ko ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.

"Sorry. Hindi ko na uulit yun. Ayoko ng hindi mo ko kinakausap. Hindi ako sanay na hindi naririnig ang boses mo." Sambit niya habang hinahaplos ang buhok ko. Kinilig naman ako sa sinabi niya kaya humarap ako sakanya. Hindi ko napigilan ang ngiti ko. Ngumiti rin siya saka niya ako hinalikan sa noo. Napangiti na lang ako tsaka niyakap siya. Ang sarap sa pakiramdaman habang kayakap mo yung taong mahal mo.

Napapikit na rin ako dahil inaantok na ako. Hinayaan ko na lang sa tabi ko si Xander. Ngayon lang kami magtatabi simula ng dumating siya dito. Hindi pa nga rin ako sanay kaya sa lapag siya natutulog. Pero hahayaan ko muna ang sarili ko habang kayakap siya ngayon.

"I love you, Serina." sambit niya na ikinangiti ko.

                                ~*~

Nagising ako at bumungad agad sakin ang mukha ni Xander na mahimbing na natutulog. Sobrang tangos ng ilong niya at ang haba ng pilikmata niya. Idagdag mo pa ang pink niyang labi. Hays nakakaadik na yata ako sa lalaking to. Kaya kahit pagmasdan ko lang siya buong araw ay hindi ako magsasawa.

"Alam kong gwapo ako" napabalikwas ako ng magsalita siya. Minulat naman niya ang mata niya saka ngumiti. "Goodmorning loves, Goodmorning baby" sambit niya at lumapit sakin at hinalikan ang tyan ko.

"Loves?" Kunot noong tanong ko. Tumango naman siya at tumayo sa kama.

"Oo, ikaw loves ko" kung pwede lang magtitili ngayon ay ginawa ko. Bakit ba kasi ganto magpakilig ang lalaking to. Hindi makatarungan. Umagang umaga binabaliw nanaman niya ako.

Inirapan ko lang siya at lumabas na ng pinto. Pero ilang sandali lang ay binuksan niya ulit yon.

"Loves" sabay kindat niya at mabilis na sinara ang pinto. Narinig ko pa ang tawa niya mula sa labas. Magtata-talon na sana ako sa kama kaso inisip ko muna ang kapakanan ni Baby baka isipin niyang lumindol at maalog pa siya sa loob kaya wag na. Tumayo na lang din ako at bumaba.

Gising na rin si Mama at may nakahain ng pagkain. As usual ang dami nanaman. Si Xander ay kumakain na din dahil maaga pa ang trabaho niya. Kumain na rin ako dahil nagutom ako bigla sa mga pagkain.

"Ma? Diba ngayon pupunta sila Zoey tsaka Tito?" Pagtatanong ko kay mama kaya napatingin siya sakin.

"Hindi daw sila makakapunta dahil may aasikasuhin ang Tito mo. At si Zoey ay may pupuntahan daw na katrabaho" sambit ni Mama kaya bigla akong nalungkot. Namimiss ko na rin si Zoey kaso lang may trabaho siya kaya bihira na lang dumalaw. Kaya akala ko pupunta sila ngayon. Si Travis naman sobrang busy dahil sa trabaho niya rin. Namimiss ko na tuloy ang mga yon.

"Serina, Anak may pupuntahan pala ako. Ikaw muna ang bahala dito sa bahay" sambit ni Mama saka ako tumango. Natapos na kaminv kumain at umalis na din si Mama agad. Nagmamadali ata at ang aga aga pa.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong ko kay Xander habang nanonood sa TV. Umiling lang siya. Magkatabi lang kami at kanina pa siya tingin ng tingin sa cellphone niya. Ngumiti ngiti pa siya at parang ang saya saya nila ng kausap niya. Bigla naman akong nainis dahil kanina niya pa ako hindi pinapansin. Kanina pa rin siya pindot ng pindot sa cellphone niya.

Hello, DaddyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora